Miraculous 02

27.4K 892 3
                                    

Hey loves,
 
   Please bare with me. Errors ahead.

×

Napamulagat ako ng mata at mabilis na inilibot ang tingin sa paligid. Dumako ang tingin ko kung saan nangagaling ang malamig na hangin. Kumunot nalang ang noo ko ng makitang bukas ang bintana ng silid ko.

I'm sure, isinarado ko iyon kagabi.

Binuksan ko ang halos mapundi ng ilaw at bumungad sa akin ang mga nakakalat na gamit. Magulo ang tinitirhan ko, marumi, masikip at maliit.

Halos sira narin ang electricfan na umiikot nga pero wala namang hangin. Ang lumang unan at sapin, pati narin ang pabagsak ng maliit na papag.

Tumayo ako at isinara ang bintana. Magha-hating gabi palang. Napahigpit ang hawak ko sa bakal sa may bintana ng makaramdam ng iba.

I harshly closed my eyes. Bago bumuntong hininga.

"Anong kailangan mo sa'kin?" Mahinang tanong ko bago lumingon sa may kama ko.

There she is. Sa gilid ng papag ay nakatayo ang isang nakaputing cloak. Sa sobrang puti ay parang kukunin ka na ng langit.

Tumatabon ang hood hanggang kalahati ng mukha niya kaya tanging ang mapula nitong labi ang nakikita. Sa balikat nito nakadapo ang isang kwago na malaki ang matang nakatitig sa akin.

"I should teach you how to knock. Aatakihin sa puso ang sinumang makakakita sa'yo." Napansin ko ang pag angat ng sulok ng labi niya.

"Come on, white lady. Talk, you're creepy." I hissed.

"I'm not a white lady." Matigas na sambit nito na para bang nainsulto siya sa sinabi ko. Nawala ang ngisi sa labi ko. I look at her blankly.

"Then who are you?" I asked.

"I am the truth that you're looking for, Katana." She said.

"I don't have time for your shits, white lady." I smirked. Pansin kong natigilan siya.

"I am not a white lady." Sumandal ako sa pader na kupas at natutuklap ang pintura. Huminga ito ng malalim at para bang ikinalma ang sarili.

"Alam ko ang sagot sa lahat ng katanungan mo, Katana. Alam ko kung saan ka nagmula at kung ano ang iyong patutunguhan. May isang lugar kung saan ka nararapat. Sumunod ka." Naglaho ito na para bang bula.

Sumusukong ipinikit ko ang mata. Tanga ba 'yon? Paano ko susundan kung bigla nalang naglaho sa harap ko? Aish.

Sumilip ako sa bintana. I saw her there. Nakatayo sa isang pundidong streetlight na nagpapatay sindi. Sa harap ng isang patay na gubat.

Isinuot ko ang tsinelas ko at kinuha ang jacket ko. I don't care what I look like. Naka messy bun ang buhok ko at alam kong magulo iyon. Naka short ng hanggang itaas ng tuhod, at nakapulang shirt.

I don't understand. Hindi ko alam kung bakit nagmamadali ako papunta sa white lady na iyon. Hindi ko alam kung bakit nasasabik ako, kung bakit gusto kong komprontahin siya at makuha lahat ng sagot sa tanong ko.

Tumigil ako sa harapan ng patay na gubat. Madilim, at tanging ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan ang liwanag ng paligid.

Tutuloy ba ako? Baka naman isa lang siyang
ligaw na kaluluwa na walang magawa sa buhay?

I took a step back. Right, wala lang siyang magawa. I can't believe it! Naglakad ako palayo sa patay na gubat, pero hindi pa man ako nakakalayo mg maramdaman ang malamig na hangin na pumalibot sa akin.

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now