Miraculous 36

7K 271 8
                                    

Uzziah's POV

Naimulat ko bigla ang mga mata dahil sa biglaang pagbigat ng prisensya sa paligid. Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga. Inilibot ko ang tingin.

Tulog ang mga kasamahan ko, maging sila Zhyver na nagbabantay ay naka idlip din. Dumako ang tingin ko sa apoy na nagsisilbing init ng malamig na gabi.

"Uzziah Katana.."

Lumingon ako sa may isang puno. Kung saan nanggaling ang boses. Muli kong inilibot ang tingin para tingnan kung may ankapansin pero malalim parin ang tulog nilang lahat.

Hiniklat ko ang keychain sa bag ko at walang imik na sinundan ang prisensya. Marami silang nakatingin. Marami silang nagmamatyag. Delikado. Delikado para sa Supremes.

"Uzziah Katana.."

Walang ingay akong naglakad. Mahigpit ang kapit sa keychain, tinitingnan ang bawat sulok. Wala silang images. Mga walang katawan. Parang usok ang bumubuo sa kanila.

Ramdam ko kung gaano sila karami. Kung gaano sila kahanda na sumugod. Kailangan ko silang mailayo. Kailangan ko silang mailayo mula sa Supremes.

Kinilabutan ako ng maramdaman ang tingin nilang lahat. Nagaabang ng mga susunod kong gagawin. Dahan-dahan akong humakbang palayo sa Supremes.

Mabilis akong tumakbo palayo at kasabay no'n ang halos sabay sabay nilang pagkilos. Hinabol ko ang paghinga, sinasabayan nila ang ihip ng hangin. Parang sinasakop ang lugar. Pinalilibutan ako ng mabibigat na prisensya.

"Uzziah Katana." Naiharang ko ang kaliwang paa at kaagad na ibinalanse ang katawan sa biglaang pagtigil ko sa pagtakbo.

Umatras ako ng isang beses habang hindi nilulubayan ng tingin ang lobo na nasa harapan ko. Ang pula at nanlilisik nitong mga mata, maging ang matatalim niyang mga pangil. Nasa likod nito ang ilan pa niyang mga kasamahan na naghahanda para sumugod.

"Ikaw ang pakay nila, Katana." Sambit niya.

"Hindi panghabang buhay ang proteksyon na ibinigay sa'yo ng Queen, Katana." Humakbang ito papalapit.

"Nandito na sila.. Sinusundo ka."

Bigla siyang umalulong ng sobrang lakas. Inilibot ko ang tingin kasabay ng paglabas ng mga itim na prisensya sa paligid. Kung saan-saan lumulusot ang itim na enerhiya, parang ahas na gumagapang.

Inilibot ko ang tingin. Hindi. Hindi pa pwede.

Umakyat ako sa isang puno at ibignagsak ang aura na taglay ko.  Bago nagpalipat lipat sa mga puno gamit ang pagtalon sa mga sanga.

Naramdaman ko ang pagsunod nila, pero mabagal kumpara kanina. Hinigpitan ko ang kapit sa keychain at inihanda ang sarili, kailangan kong makipaglaban.

Pero parang hindi umaayon sa akin ang panahon. Mas tinaasan ko ang talon ng makita na medyo malayo ang sanga na kasunod ng puno. Malapit na. Konti nalang, umabot ka.

Napabuga ako ng hangin ng naabot ko ang sanga pero kasunod no'n ang malutong kong pagmura ng maputol ito dahil sa lakas ng pwersa.

"Fuck." Mahinang sambit ko ng tuloy tuloy sa paggulong ang katawan ko. Sinubukan kong ikapit ang kamay sa kahit na saan, pero gasgas lang ang inabot ko.

Wala.. wala akong makapitan.

Napapikit nalang ako ng tuluyang tumigil sa paggulong ang katawan ko. Malakas pa na tumama ang likod ko sa isang bato. Napangiwi ako ng maramdaman ang pagdaloy ng likido mula sa likod ko. Hindi pa.. naghihilom ang sugat ko.

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang