Miraculous 39

6.2K 242 6
                                    

Hey loves! Hope you're enjoying the story. :)) I'm not expert when it comes on writing third person point of view so please bare with me.

Third Person.

"Tama na ang lokohan. Pakawalan mo sila."

Kapansin-pansin ang lalong pagbigat ng prisensya sa paligid. Nakatanaw sa kanilang lahat ang mga nilalang na walang imahe. Parang mga usok at itim na enerhiya ang bumubuo sa kanila.

"Anong nangyayari?" Wala sa sariling tanong ni Aria sa lahat habang nakatanaw kay Uzziah na prenteng nakatayo, walang emosyon, mabigat ang aura at higit sa lahat, tila hindi natitinag sa usok na kanina pa pumapalibot sa kanya.

No figures, basta binubuo siya ng itim na enerhiya, parang multo. Hindi mapakaling multo. Kapansin-pansin ang maliliit na bato na parang may sariling buhay na umiikot sa gilid ng nilalang na iyon.

"Damn it! Bakit ayaw gumana ng kapangyarihan ko?!" Inis na reklamo ni Nikyla at sinubukan pa na magpalabas ng thorns para tulungan ang lahat.  Tinadyakan niya nalang ang gilid ng hawla kung saan sila naroroon dahil sa inis.

Kinabahan ang buong Supremes ng magsimulang gumapang sa paanan nila ang itim na usok. Parang hangin. Hindi maipaliwanag pero mas pinili nilang hindi gumalaw sa takot na baka iyon ang maging huling galaw na gagawin nila sa tanan ng buhay nila.

"Pakawalan mo sila." Mariing sambit ni Uzziah. Malamig ang boses niya at rinig iyon ng buong Supremes.

Nakatayo si Aezi na nakatingin, nakakuyom ang kamao. Maging si Hanz na walang emosyon na nagmamasid sa paligid. Ibang-iba sa Hanz na nagbibiro sa kanila.

"Hindi ganuon kadali, Katana." Banggit ng nilalang na iyon. "Panunuorin mo silang unti-unting mamatay." Kapagkwan ay bigla siyang tumawa. Dumudoble at nage-echo ito sa paligid.

Tumaas ang sulok ng labi ni Uzziah at mula sa kamao nitong nakakuyom, lumalabas doon ang itim na usok. Marahan na gumagapang sa buong katawan niya, parang may sariling buhay. Hinuhulma ang katawan niya.

Lumakas din ang ihip ng hangin sa paligid, sinasabayan ito ng nakakapangilabot na alulong ng mga lobo.

Ang mga alaga ni Especian. Nagmamatyag  na naman sila.

"Tama na! Pakawalan mo sila. Pakawalan mo ang Supremes o sisirain ko ang buong kagubatan at uubusin ko kayong lahat. Mamili ka." Mariin at puno ng diin na banggit niya.

"Mamili, Katana? Bakit mas pinipili mong talikuran kami at magtraydor, Uzziah?"

"PAKAWALAN MO SILA!"

Nagitla ang lahat sa biglaang pagsigaw niya. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagecho sa paligid ang galit at mariin na boses nito.

Batid niya na kapag nagtagal sa hawla ang Supremes ay uubusin nito ang enerhiya sa kanila. Batid niya, na pagkatapos ng pangyayaring ito, magbabago ang lahat.

"Magalit ka. Magalit ka. Magalit ka."  Tila nanguuyam na sambit ng nilalang.

Tumatakbo ang oras. Puno ng gigil na iniangat niya ang dalawang kamay at nagpakawala ng sobrang lakas na pwersa.

Parang gumapang na mabilis na hangin ang itim na usok, ramdam ito hanggang sa village at sa kasuluksulukan ng kagubatan.

At dahil sa pangyayaring iyon, nawala ang mga nilalang na nagmamasid. Nawala ang nanguuyam sa kanya. Nawala ang itim na prisensya na kanina lang ay sumugod sa kanila.

Lumitaw ang liwanag ng buwan. Naghahabol ng hininga si Uzziah. Tila nabigla sa pagpapalabas niya ng ganuong kapangyarihan.

Kapansin-pansin ang biglaang paglitaw ng itim na ugat sa kamay niya, pataas sa braso at ilan sa leeg.

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now