Miraculous 23

10.4K 339 2
                                    

Uzziah POV

Hinabol ko ang hininga habang minamasdan nag malalaki at mamatangkad na lalaking gumugulo sa amin ngayon. Isang Manieka.

Hindi kami pwedeng gumamit ng kapangyarihan dahil doble ang panghihina na mararamdaman namin. Wala pa sa kalahati ang nalalakbay, pagkatapos nito. Kailangan, kailangan na naming umalis sa lugar na ito at makipagsapalaran.

Sapat na ang tatlong araw na pananatili sa lugar na 'to. Inuubos nila ang oras namin. Habang patuloy na nasisira ang Miraculous.

Kinuha ko ang malaking kahoy sa gilid at malakas na hinampas sa ulo ng isa sa kanila. Pero ilang sigundo ay bumabalik din ang warak na mukha nito.

Sinenyasan ko sila at sabay sabay kaming tumalon palayo sa mga manieka.

"Hindi natin sila matatalo!" Sigaw ni Allyrie na nagkagalos sa braso.

"Mahirap! Hindi nga natin alam kung ano sila! Ito ang unang pagkakataon na makaharap namin ang ganitong klase ng nilalang!"  Ipinikit ko ang mata at nagisip.

"Hindi sila nakakita." Tumingin silang lahat sa akin. Binalingan ko ng tingin ang mga matatangkad na nilalang na iyon.

"Nakakaaninag sila pero hindi sila nakakakita. Ginagamit nila yung pang amoy nila." Dugtong ni Hanz

"Nagbibiro ba kayo! Wala nga silang ilong e!" Padyak ni Cyrill na para bang naiinis na.

"Nevermind. Nasa Lolivon pala tayo." Umirap si Nikyla. "So anong gagawin natin sa mga yan?" 

"Kyaaa!"

Napaatras kaming lahat ng isa-isang pumulupot sa mga kasamahan ko ang isang uri ng putik. Naghugis vines ito.  Parang tali na pumupulupot sa katawan nila.

Tumalon ako paatras, palayo ng konti sa kanila. Nakasunod sa akin si Aezi na pinagaaralan din ang mga nangyayari.

"Ano ba! Pakawalan niyo kami dito mga panget!"  Singhal ni Jassy sa kanila. Sinusubukan na niyang gamitin ang kapangyarihan pero mabilis din siyang namutla.

"Jassy! Walang gagamit ng kapangyarihan!" Singhal ni Jaye Shi sa kanya na nagpupumiglas din.

"Huwag! Huwag kayong gagalaw!" Biglang sambit ni Aezi. Sinunod naman siya. Dalawa lang kaming hindi nasama sa pagkatali. Hindi rin ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Pagnakaramdam sila ng marahas na pagkilos, posibleng sumunod kami sa kanila.

"Kahit anong mangyari, wag na wag kayong gagamit ng kapangyarihan!" Unti-unti na silang nawalan ng malay.

Huminga ako ng malalim.

"Tara."

Tumango si Aezi na para bang alam na ang gagawin. Binalot namin ng abo ang katawan, matakpan manlang ng kahit kaunti ang amoy ng Miraculous na nangagaling sa amin.

"Ready?" Tumango ako.

Naghiwalay kaming dalawa. Naghahanap naman yung matatangkad na lalaking iyon, alam nila ang bilang namin na nandito kaya hindi na ako magtataka kung hinahanap nila kaming dalawa.

Hindi sila nakakakita ng maayos. Hindi malinaw ang paningin nila pero kaya nilang mag distinguished ng figures.

Dumakot ako ng maraming abo, mula sa lupa ng Lolivon. Abo nga kasi ang lupa nila dito, abo ang tinatapakan namin at abo rin ang bumabalot sa paligid.

Halos sabay naming sinabuyan ni Aezi ng abo ang  pinakamalapit sa amin. Napatawa ako pagkatapos ng maging puti ang mukha ng isa sa kanila at hindi na putik. Hmm. Parang ang sarap paglaruan.

Unti-unting umusok ang dinampian ng abong iyon at unti unti siyang natunaw.

"Tama tayo." Nakangising sambit ni Aezi ng dumaan siya sa likod ko. Napansin ko kasi na hindi sila dumidikit sa lupa o kanina pa nila iniiwasan ang abo na nakakalat sa paligid.

At isa silang Manieka. Mga puppet kaya ibig sabihin lang ay may kumo-kontrol sa kanila. Kung ano ang kahinaan ng taong kumo-kontrol sa kanila ay iyon din ang kahinaan ng nalilikha nilang manieka.

Sunod na sunod na sinabuyan namin ng abo ang iba pa na parang naglalaro. Masaya pala to.

"Last." Nakangisi kong sambit. Eksaktong pagsaboy ko sa mukha ng isa sa kanila ay ang biglaang pagtalsik ko palayo.

Naramdaman ko ang hapdi at sakit ng pagdausdos ko sa lupa.

"Uzziah!"

Napahawak ako sa ulo ko. Bakit malakas? Bakit sobrang lakas?

"Uzziah! Okay ka lang?!" Naaninag ko si Aezi.

"Ang Supremes. Unahin mo ang Supremes.." mahinang sambit ko. "Kaya ko.. ang sarili ko." 

Nagdalawang isip pa ito pero mabilis niya din akong iniwan. Tuluyang manghihina ang Supremes kapag nanatili silang nakatali sa mga iyon. Uubusin nito ang lakas nila. Tumayo ako.

Muntik pa akong mawalan ng balanse. Inaninag ko si Aezi na parang nahihirapan sa pagkalas sa Supremes. Hindi siya pwedeng gumamit ng kapangyarihan. Pero pag nagtagal sila doon, hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari.

Itinaas ko ang kamay. Naramdaman ko ang pamilyar na init at enerhiya na lumabas sa palad ko. Mahapdi pero okay lang.

Mabilis na napalayo si Aezi at gulat na tiningnan ako kung saan nanggagaling ang kapangyarihan na iyon.

"Uzziah! Damn it!"

Pumalibot ang itim na enerhiyang iyon, parang may sariling buhay na sinusundan ang mga vines. Unti-unting natunaw ang vines hanggang sa mapakawalan nito ang Supremes.

"Hanz! Hanz!" Unang niyugyog ni Aezi si Hanz na mabilis ding nabalik ang wisyo.

Sinimulan nilang gisingin ang iba pa. Nanghihina naman akong napaupo.

"Uzziah? Anong nangyari?"

Akmang magsasalita ako pero bumagsak na ako. Bumagsak ako sa bisig ni Hanz.

×

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now