Miraculous 24

10.4K 361 21
                                    

Uzziah's POV.

"Nagsisimula palang kami, Katana!" 

Sigaw sa akin ng matangkad na Manieka. Nakatingin ito sa akin na para bang tumatagos sa kaluluwa ko. Hindi pa ba tapos?!

"Hinding hindi mo kami matatakasan! Ikaw! Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito! Ikaw ang puno't dulo ng lahat! Ikaw ang dahilan kung bakit silang lahat ay nandito, Katana!"

Umiling ako. Hindi.. hindi pwede.

"Isa ka sa amin, Katana! Mas masahol ka pa sa aming lahat!"

"Hindi! Tumahimik ka!"

Pero tumawa lang ito ng malakas, hanggang sa maglaho siya. Sa likod nito, lumitaw ang usok na iyon. Yung nagtatangka sa aking pumatay.

Yung naglalaro ng maliliit na bato sa kamay. Yung.. ilang beses akong pinagtangkaan.

Hindi ako makagalaw. Naramdaman ko ang pamilyar na kuryente, yung takot. Habang pinalilibutan niya ako. Pinalilibutan ako ng usok na iyon. Nilalaro ang kulay abo kong buhok.

Napipikit ko ang mata ko.

No. Please, umalis ka na.

Please, lubayan mo na ako.

Napamulat ako ng mata ng mawala ang prisensya niya sa paligid. Nasaan ako?

Marahan akong umupo. Eksaktong napatingin sa akin si Aezi. Mabilis na lumapit siya at inabutan akong tubig.

"Okay ka na? Anong pakiramdam mo?" Hindi ako nagsalita. Lalong tumitingkad ang blue green na mga mata niya.

"O-okay na ako." Kailan ka naging okay, Uzziah?

Bumuntong hininga siya bago umiwas ng tingin. Ilang ulit niyang ginawa iyon bago tumingin sa akin.

"Bakit.. mo ako hinalikan?" Napakunot ang noo ko.

"Hinalikan?" Inilibot ko ang tingin. Tulog na lahat ng kasamahan namin. Si Zhyver at Jaye Shi ang hindi ko nakita, nagbabantay yata sa labas.

"Ah, wala. Wag mo ng sagutin." Hinawakan ko ang dulo ng damit niya para pigilan siya sa pagalis. Gulat na tumingin siya sa akin.

"Bakit gusto mong malaman?" Hindi siya nagsalita kaya binitawan ko ang dulo ng damit niya.

"Hindi ka ba pinapatulog ng labi ko, Aezi?" Biro ko sa kanya pero wala akong nakuha na reaksyon. Bumuntong hininga ako.

"Iyon lang ang paraan para makaalis ka sa illusion, Aezi." Umiwas ako ng tingin. "Sorry. Wala akong choice. I can't use my ability. I can't punch or hurt you kasi mas lalong titibay ang pundasyon ng illusion. Ang kailangan lang ay magbago ang emosyon mo sa mabuting paraan."

"Okay." Walang emosyon na sambit niya bago tumayo.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa makaalis siya. Bumuga ako ng hangin bago inayos ang sarili ko.

Tumayo ako at sinilip ang labas. Umupo ako sa tabi ng pintuan, habang nakatingin sa blankong paligid.

"Di ka makatulog?"

Napapiksi ako sa gulat dahil sa biglaang sulpot ng isang bata.

"Ikaw?" Tumango siya at bumungisngis.

"Opo. Ako ate." Tiningnan niya ako. "Di ka po makatulog? Sabagay, mahirap matulog kapag patay ang mga kasama." Napangiwi ako.

Paano ako makakatulog kung kagigising ko lang?

"Ba't di pa kayo umaalis? Umaandar oras niyo ate." Ba't ka ba nangengealam? Di, biro lang.

"Aalis kami bukas. Huwag ka magalala." Walang ganang sambit ko at inayos ang upo.

"May problema ka no? Siguro kung buhay ako ate, mas matanda ka lang ng isang taon sa'kin." Kinunutan ko siya ng noo.

"Sigurado ka?"  Tumango siya. "Hindi man umaandar ang oras dito, sa tagal ko sa lugar na'to. Sigurado ako."

"Sige, sabi mo e." Nagkibit balikat ako.

"Ano?" Tanong ko ng nakatingin lang siya sa akin. Itinaas niya ang maputla niyang kamay at sinundot ako sa pisnge. Iniwas ko amg pisnge ko.

"Mukha ka talagang bangkay ate." Natatawa niyang sambit. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kung hindi lang medyo may kulay ang lips mo at pisnge mo, aakalain ko talaga na bangkay ka katulad namin. Siguro na'rin sa enerhiya ng Miraculous na dumadaloy sa'yo kaya na-enhanced yung pagiging buhay mo. Tingin mo ate?"

"Ang daldal. Di ka tatahimik?" Sumimangot siya at umayos ng upo sa tabi ko.

"Pasensya ka na, ate. Wala kasi akong kausap dito. Siguro kasi halos lahat sila wala ng pagasa sa katawan kaya ayon." Bumuga ako ng hangin at inilagay ang kamay ko sa buhok niya at bahagyang ginulo ito.

"Ayos lang. Binibiro ka lang." Nakangiting sambit ko.

"Aalis na kami bukas." Sambit ko. Nakatingin lang siya sa malayo.

"Alam ko ate. Marami pang baon ang Lolivon, ate. Maghanda ka. Kung hindi ka man nila tanggap, ate, ako. Tanggap kita." Bigla siyang ngumiti at naglaho.

"Sandali!"  Pero hindi na siya nagpakita ulit.

"Uzziah? Sinong kausap mo?"

Lumingon ako sa nagsalita. Magulo ang buhok niya at medyo nagusot yung suot niya. Halatang kagi-gising lang.

"Yung bata." Tipid na sambit ko bago muling umupo. Tumahimik na tumabi siya sa akin.

"Uzziah.. may sasabihin ako."  Napalingon ako sa kanya pero nakatingin siya sa kamay niya na para bang nagdadalawang isip.

"May aaminin ako. Huwag kang magagalit. Huwag mo'kong iiwasan."

"Huh?" Hindi siya nagsasalita.

Inabot ko ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon.

"Kaibigan mo ako, Hanz. At mananatili akong kaibigan mo."

Umiwas siya ng tingin bago bahagyang natawa. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi ko o dahil sa kung anong iniisip niya.

"Ano nga yung sasabihin mo?"

"Ah.. wala." Pinaningkitan ko siya ng mata. Bumuga siya ng hangin.

"Anong tawag sa baboy na nagkakarate?"

Hirap na hirap niyang sambit. Tiningnan ko siya. Napangiwi siya sa sinabi niya.

"Huwag mo'kong kamumuhian, Uzziah." Umiwas siya ng tingin. I bit my lowerlip.

"A-ano?"

"PORK CHOP." Tapos inakto niya pa yung pagkakarate.

Okay.

Umayos siya ng tayo ng hindi ako tumawa. Iti-nap ko yung pwesto sa tabi ko at mabilis siyang umupo doon. Nagulat pa siya ng sumandal ako sa balikat niya.

"Hanz, pag may problema ka. Nandito lang ako ha?"

With that, tumawa siya ng malakas. Napatawa na rin ako sa inakto niya.

×

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now