Miraculous 04

20.2K 761 12
                                    

Still errors ahead.

×

Hindi na ako nagawang masamahan ni Hanz sa dorm ko pero naihatid niya ako malapit dito. What I need to do is to find where my dorm number is.

Ang sabi sa akin, apartment type ang itsura ng dorm at may dalawang kwarto. Doon siguro ako sa isa. Isa lang ang kusina at salas.

Narating ko ang ika-apat na palapag ng building. Doon ko nakita ang dorm number ko. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang malinis na palagid.

Konti lang ang gamit, walang kalat at halos kumintab ang sahig. May mahabang sofa sa harapan ng isang lumulutang na hologram.

May mini table din sa gitna. Malinis din ang kusina, parang hindi nagagalaw. Nasa sa ayos ang lahat. Mula sa mga gamit panluto, fridge, mga plato at kutsara.

Hindi ata nila hinahayaan na may maalikabukan ito kahit konti manlang. Sa kulay ng dorm na cream at walang masyadong gamit, nagmukha itong minimalist.

May tatlong baitang ng hagdan, bago ko nakita ang dalawang kwarto. Magkaharap ito. Sinubukan kong buksan yung nasa kanan at bukas ito. Inilibot ko ang tingin, may puting polo sa ibabaw ng king sized bed, grey ang bed sheet nito at may anim na unan.

May study table, at isang malaking cabinet. Pumasok ako sa loob, pero agad din akong lumabas ng mapagtanto na hindi iyon ang silid ko. Bukod sa mga gamit panlalaki na naroroon, ay amoy panlalaki din ang silid.

Pumasok ako sa silid sa kaliwang bahagi. Una kong napansin ang veranda na nandito. This is perfect. Cream ang kulay ng bedsheet ng malawak na kama. May maliit na table sa gilid nito kung nasaan ang bedside lamp at alarm clock?

Walang kahit na anong nakasabit sa cream na pader. May isang malaking cabinet at may banyo na rin.

Ibang iba sa buhay ko sa earth. Pumasok ako sa banyo at akmang huhubarin ang damit ko ng may maalala.

Wala akong mga damit. O kahit na ano. Kumunot ang noo ko at lumabas ng banyo. Nakita ko sa ibabaw ng malambot na kama ang nakuha ko kay Sir Shanon. Ang manipis na gintong papel, ang itim na card kung saan nakasulat ang pangalan ko ng silver, at susi.

Binuksan ko ang malaking cabinet at doon ko nakita ang sangkaterbang mga damit. Mula undergarments, tshirts, dress, pants and shorts. Nanlaki ang mga mata ko.

Mali ba ako ng dorm na pinasok?

Nagmamadali akong lumabas dala yung gintong papel at tiningman ang dorm number. Tama naman ang numero.

"Oh, anong tinitingnan mo dyan?" Lumingon ako sa nagsalita. Papalapit sa akin si Hanz na may dalang paperbag.

"Mali ata yung nakasulat." Mahinang sambit ko.

"Patingin?" Kinuha niya sa akin ang papel. "Tama naman." Sambit niya. "Bakit?"

"Edi, wala akong kwarto?" I asked again. Ngumiti siya sakin.

"Bakit nga? Walang roommate si Aezi." Ibinalik niya sa akin ang papel.

"May lamang mga damit yung cabinet nung isang kwarto. Sa tingin ko ay may gumagamit na iba doon." Amuse siyang tumingin sa akin.

"Ang mga gamit doon ay gamit mo, Uzziah. Nakalimutang sabihin ni Sir Shanon sayo kasi nagmamadali ka daw umalis. Eto pa nga e," iniabot niya sa akin ang paperbag.

Sinilip ko ang laman no'n at isang bagpack na itim ang nasa loob. Pansin ko rin ang ilang gamit panulat.

"Dito ka na magaaral at titira, Uzziah. Yung itim na card, iyon ang pera na magagamit mo dito kaya wala ka ng dapat alalahanin." Tumango ako.

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now