Miraculous 07

18K 686 3
                                    

Revised but not edited.

×

Napalingon ako sa likod ko at tanging mahabng hallway lamang ang nandoon. Walang mga tao, o kahit na sino. Huminga ako ng malalim at medyo binilisan ang paglalakad. Inaabangan ko parin kung may huhuli sa akin, alas tres na ng madaling araw at hindi ko alam ang parusa kapag lumagpas ako sa curfew.

Knowing na may pasok na ako bukas. Bumuntong hininga ako, nakatulog ako kanina sa isa sa mga puno ng Supreme Garden kung saan ako iniwan ni Hanz tapos yeah, ngayon lang ako nagising.

"Die, Uzziah."

Napahinto ako sa paghakbang ng maramdaman ang pagbulong ng kung sino sa akin. Lumingon lingon ako sa paligid pero wala akong nakitang kakaiba.

"Are you looking for me?" Napaatras ako ng bigla siyang lumitaw sa harapan ko. Ngumisi siya sa akin ng malaki,

"Die, Uzziah.. Die!" Bigla siyang naglaho na parang usok. Hinabol ko ang paghinga, nandito parin siya. Ramdam ko parin ang prisensya niya sa paligid.

Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang dorm number ko. Mahirap kalaban ang hindi nakikita.

"Saan ka pupunta? Ayaw mo bang makipaglaro?" Humarang siya sa harapan ko habang pinaglalaruan sa kanyang kamay ang ilang maliliit na bato.

Nakalutang siya sa ere, parang isang usok. Hindi ko alam kung lalaki siya o babae. Walang definite shape at itsura.

"Who are you?" Matiim na tanong ko.

"Die, Uzziah. You need to die!" Sigaw niya sa harapan ko. Napapikit ako dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya kasabay ng malakas na hangin.

Bigla siyang naglaho, bigla nalang akong napaluhod. Hinawakan ko ang tiyan ko kung saan bumaon ang bagay na iyon.

Yung maliliit na bato na pinaglalaruan niya. Humawak ako sa dingding para suportahan ang sarili kong makatayo.

Napangiwi ako sa hapdi at sakit. Ang nilalang na iyon, sigurado akong hindi ito ang pinakaunang beses na nagkita kami.

Nanlalabo ang paningin ko pero pinilit kong maglakad. Malapit na ang dorm number ko. Nang makita ko iyon ay napasandal ako sa pader at hinabol ang sariling paghinga. Walang humpay sa pagagos ang dugo ko mula sa sikmura.

Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang pinto ng dorm. Halos hindi ko iyon mabuksan kaya pinilit ko ang sarili na katokin ang pinto kahit mahina lang.

Babagsak na ako.. no. Hindi pwede.

Hindi ko alam kung ilang minuto pero bumukas din ang pinto. Napapikit ako sa biglaang liwanag ng dorm.

"Bakit ngayon ka lang?" Pinilit kong idinilat ang mga mata at doon ko siya nakitang pinasadahan ako mula ulo hanggang paa.

"W-what happened to you?"

Hindi ko alam pero bumagsak nalang ako sa harapan niya at nandilim nalang ang lahat.


Aezi's POV

For the first time, I don't fucking know what to do. Mabuti nalang at nasalo ko ito sa pagkakabagsak niya.

"Uzziah, hey." Bahagya kong niyugyog ang balikat nito pero hindi na siya nagkamalay.

Mabilis na binuhat ko ito pahiga sa sofa. She looks bad. Hindi ko alam kung saan ito galing kasi hindi naman siya umuwi magdamag.

"Kuya.. " bumaba ng hagdan si Gavin. "Is that Ate?" Tumango ako.

"Tawagan mo ang Doc Mystica, bilis." Mariing utos ko at mabilis na pinunit ang tshirt na suot nito. Her clothes are soaked with her own blood. Pag piniga mo ang damit nito, maraming dugo ang mapipiga.

Natigilan ako ng makita ang katawan nito.

"Fuck." Kinuha ko ang isang button down polo sa may upuan at isinuot ito sa kanya.

Kinuha ko ang tshirt niya at iyon ang itinakip sa sugat kung saan wala parin itong humpay sa pagdugo.

"Gavin," lagyan mo ng pressure dito.

Gavin is just four years old pero alam kong nakakaintindi siya.

Ilang minuto ay dumating si Doc Mystica. Agad niyang sinabi na dalhin ko ang babae sa kwarto nito na siyang ginawa ko. Pinatigil muna nito ang pagdudugo ng sugat gamit ang kapangyarihan niya bago iset-up ang mga equipment at aparatos sa kwarto nito.

"Ngayon ko lang siya nakita dito." Kalmadong sambit ni Doc Mystica.

"Pang-apat na araw palang niya dito, Doc. She's asign to me." Tumango siya.

Napatingin ako kay Uzziah na hanggang ngayon ay wala paring malay. Hanggang ngayon ay nagagandahan parin ako sa kanya. Napailing ako. From her perfect pale white skin, tapos ang buhok nitong kulay abo. Maging ang mga mata niya, sumakto lahat.

Yung tipong mapapatulala ka kapag nakita mo siya. You just can't help to admire her beauty even though she's asleep.

"Nabugbog ba siya?" I shrugged. Isinenyas sa akin ni Doc Mystica na lumapit.

"Look at these bruises and wound on her body." May pasa ito sa tagiliran at bandang dibdib. Maging sa magkabila nitong braso.

"Hindi lang iyan, Aezi." Bahagya niyang pinatagilid ang katawan ni Uzziah at doon ko nakita ang patong na patong na malalaking hiwa sa likod nito. Parang sanhi ng latigo.

Iyan din ang unang napansin ko ng makita ang katawan nito kanina.

"What happened to her?" I was asked the same question that I wanted to asked.

Nang matapos niyang alisin ang nakabaon sa sikmura nito, nagkatinginan kaming dalawa.

"Hindi basta basta ang nakalaban niya, Aezi." Pinakita niya sa akin ang maliliit na bato. Hindi isang rock manipulator ang nakalaban nito. Mas malakas pa dito.

Alam kong hindi galing sa kung sino mang nakalaban nito ang sugat sa likod niya at mga pasa sa katawan nito.

"You better keep your eyes to her, Aezi." Napatango ako ng wala sa oras.

"Doc, will she be okay?" Tanong ni Gavin na nakasampa na sa kama ni Uzziah.

"Ofcourse, baby." Nakangiting sambit ni Doc Mystica. She's not sure about it.

Ginamot ni Doc ang pasa at sugat nito sa likod hanggang sa bumalik sa dati ang balat niya. Walang marka ng naging pasa o sugat.

Napahinga ako ng malalim. If this continue, her body might gave up on her.

×

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now