Miraculous 40

7K 256 31
                                    

Aezi's POV

Katahimikan ang bumalot sa amin sa mga sumunod na araw. Ramdam ko parin ang galit ni Nikyla, at maging ang paninibago ng Supremes sa paglalakbay ngayong kulang kami ng isa.

Tulad ng sinabi ko, alam ko kung sino siya. Alam ko kung anong nangyari sa kanya o kung ano pa man ang pinagmulan niya. Alam ko at tanggap ko.

Pero naiintindihan ko kung bakit.. bakit ganuon kahirap sa Supremes ang magtiwala sa isang taong may purong itim na dugo.

"Sabi ko naman sayo, huwag kang maglalaro ng mystic mo." Minasdan ko ang abo na nasa palad ko. Napatingin ako sa naglagay no'n.

"U-Uzziah.." kaswal na ngumiti ito ng tipid sa akin.

"Hindi ka pwedeng manghina. Bukas, bubungad sa inyo ang tulay na magdadala sa inyo sa templo." Nanatili akong nakatingin sa kanya.

"D-dalawang araw kang nawala." Sambit ko. Binalingan niya ako ng tingin.

"Hindi naman ako nawala, Aezi." Inabot ko ang kamay niya at mula sa pagkakaupo, tiningala ko siya.

"Dito ka nalang.. please?" Lumambot ang ekspresyon nito.

"Hindi ka galit sa'kin? Ang Supremes?" Umiling ako.

"Nagpapahinga silang lahat. Habang nagbabantay si Hanz at Zhyver. Humiwalay muna ako sa kanila." Sambit ko. Bahagya ko siyang hinila at ipinalibot ang kamay sa mga binti niya para sa isang yakap.

Idinikit ko ang pisnge sa waist niya habang bumaba naman ang palad niya sa buhok ko marahan na hinaplos iyon.

"Sorry, sa ginawa ng Supremes. Sa mga sinabi nila." Mahinang sambit ko dito.

"Aezi, sanay ako." Tiningala ko siya. "Huwag mo akong alalahanin. Naiintindihan ko." Hindi ako umimik at nanatiling nakayakap sa kanya.

"Hanz confessed to me." Napahigpit ang yakap ko sa kanya. Ipinikit ko ang mata.

"Mukhang magbabago ang tingin niya sa'kin dahil sa mga nalaman niya." Bahagya siyang tumawa pero rinig ko parin ang bahid ng sakit doon.

Hinila ko siya paupo sa binti ko at muling ipinalibot ang braso sa kanya.

"Alam niya na dark ka bago pa tayo umalis sa Miraculous." Gulat na napalingon siya sa akin.

"Then why..?" Hindi ko rin alam.

"Hindi nagbago ang tingin niya sa'yo, kasi bago ka niya magustuhan, alam na niya ang tinatago mo." Hindi na siya nagsalita pagkatapos.

Minasdan ko ang mukha niya mula sa malapit. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng takot, takot na baka biglang mawala ang lahat..

"Gusto.. mo ba si Hanz?" Nagdadalawang isip na tanong ko. Tumingin siya sa malayo.

"Hindi siya mahirap magustuhan, Aezi. Hindi siya mahirap mahalin." Humigpit ang yakap ko dito, kasabay ng mariin na pagpikit ng mata ko.

Why am I hurting?

"Pero hindi.. ikaw talaga e."

Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ng ulo ko. Marahan na hinahaplos na parang may bata siyang pinapatulog.

"Nakilala na kita bago pa ako makilala ni Gavin."

Nagangat ako ng tingin at sinalubong ang mata niya.

"Minahal na kita, bago ka pa makilala ni Gavin." Ngumiti ito sa akin at hinalikan ako sa noo.

Isang palaisipan kung paano kami nagkakilala.  Kung paano muling nagtagpo ang landas naming dalawa. At kung paano kami hahantong sa kinabukasan.

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now