Miraculous 26

9.6K 335 5
                                    

Uzziah's POV

Hindi ko nilulubayan ng tingin si Espian na kanina pa may makahulugang ngisi sa mukha niya. Una palang na nakita ko siya ay hindi ko na gusto ang itsura nito. Nangigigil ako, kulang nalang ay batuhin ko ito ng abo sa paligid.

Biglang natama ang tingin namin. Lalong lumaki ang ngisi niya ng hindi ako nagabalang umiwas o itanggi na tinitingnan ko siya.

"Handa na ba ang lahat?" Malakas na tanong ni Aezi.

Tumango ang iba sabay bitbit ng kanya kanyang gamit. Isinukbit ko ang bagpack sa balikat. Nakita ko naman na kinuha ni Aezi ang isa sa mga maleta ni Nikyla.

"Magiingat ka, Katana. Magsisimula palang ang lahat."

Sinamaan ko lang ng tingin si Espian na bumulong tabi ko. Si Espian lang naman ang naghatid sa amin dito, at siya rin ang naghatid sa amin paalis.

Kaibahan na lamang ang ilang maputlang kaluluwa na nasa paligid. Nagmamasid at nagtataka. Kung bakit hindi nila maramdaman ang pagdating namin, at kung ano ang pakay namin sa lugar na 'to.

Aminado akong wala kaming polidong plano bukod sa pagkuha sa Deathbeans. Wala rin naman kasi kaming alam sa kung anong nilalang ang pwede naming masagupa sa daan, o kung ano pa ang mga bagay na itinatago ng Lolivon.

Inayos ko ang pagkakatali ng longsleeve button down polo sa bewang ko. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko sa kadahilanang basa pa ito.

"Ate Uzziah!" Napahinto ako sa paglalakad ng may boses na tumawag sa akin. Nilingon ko ito at nakitang ang batang mataba na iyon.

Mabilis na lumitaw ang batang iyon sa harap ko at niyakap ako sa binti. Nakatingin lang naman sa akin ang Supremes. Gulat at nagtataka kung bakit kilala ako ng batang ito.

Teka. Hindi ko pala sinabi sa kanya ang pangalan ko.

"Ate, magiingat ka ate Uzziah." Ipinatong ko ang kamay sa ulo niya at bahagya siyang nginitian. Yumukod ako para magpantay kaming dalawa.

"Gusto kong malaman ang pangalan mo, maari ba?" Bumungisngis siya sabay sulyap sa likod ko. Tiningnan ko ang sinulyapan niya at nakitang si Aezi lang iyon na matamang naghihintay.

"Jaquin." Jaquin.. "Huwag ka ng magalala ate, aakyat na ako sa itaas."

"Nakita.. mo na ba ang tatay mo?" Naalala kong makakaakyat lang siya kapag nakilala niya ang tatay niya, pag nakita o nakausap niya ito. Nginitian niya lang ako bilang tugon.

"Paalam ate! Magiingat kayo!" Bigla nalang siyang naglaho na parang bula. Bumuga ako ng hangin at tumayo ng tuwid.

"Ako na ang hahawak sa bag mo, Uzziah." Binalingan ko ng tingin si Hanz, pero nakita kong may sukbit din itong bag.

"Maagaan lang 'to, Hanz. Ako na bahala." Nginitian ko siya at tinanggap na lamang ang kamay niyang nakalahad para alalayan akong tumapak sa bato.

Nasa harap kami ng isang kagubatan. Malagong kagubatan pero may abo parin na nababalot sa bawat halaman at dahon. Konti at panaka-naka lamang na abo ang nakikita namin sa paligid. Madilim ang kagubatan, parang lalamunin kami at hindi na muling ilalabas.

"Nasa inyo ang patnubay ko bilang gabay, Supremes." Nakatingin lang kami kay Espian.

"Salamat sa pagtanggap, Espian." Bahagya pang yumukod si Allyrie. Na sinundan din ng iba at ng madako ang tingin nito sa akin, inilagay ko ang kamao sa dibdib at bahagyang yumuko bilang pagbibigay galang.

Isang Guardian si Espian. At kailangan na gawin iyon bilang paggalang lalo na kapag kailangang magpaalam.

"Manatili kayong matatag at magkakasama. Hangad ng buong Miraculous, at ng iba pang mga Guardians ang inyong kaligtasan. Tumuloy na  kayo."

Inilahad niya ang kagubatan sa amin. Nagkatinginan kaming lahat, ito na. Panibago na namang paglalakbay. Isa- isa kaming pumasok sa kagubatan hanggang sa mawala sila sa aming paningin.

Sa paghakbang ko papasok sa kagubatan, panibago ang aming mararanasan. Panibagong mga pagsubok, panibagong problema at panibagong labanan.

Pumasok sa isip ko si Jaquin. Ipinilig ko ang ulo at ang naiwan na tanong sa akin ay kung bakit siya nagsinungaling, at hindi ko rin maiwasan na isipin, kung tama ba ang lahat ng sinabi niya sa akin.

"Uzziah, ayos ka lang?" Nakangiting tanong sa akin ni Zhyver na pasimple akong tinabihan. Pansin ko ang kulay pink na bagpack na nakasukbit sa balikat niya at isa pang itim.

"Ahh, kay Allyrie." Natatawang sambit niya sa akin.

"Okay ka pa, Uzziah?" Kumunot ang noo ko ng mula sa kaliwa ko ay tumabi si Jaye Shi. May ngisi sa labi niya na parang may alam siyang hindi ko alam.

"Oo?" Halos patanong na sambit ko.

"Hindi ka naiinis?" Naiinis? Lalong kumunot ang noo ko.

"Anong meron?" Halos sabay nilang ininguso si Aezi na inalalayan si Nikyla. Pagkatapos niya itong alalayan ay kumapit si Nikyla sa braso niya.

"Oh?" Walang reaksyon na tanong ko. Pinagpalit-palit ko ang tingin sa kanila.

"Bakit?" Kasi hindi ko talaga maintindihan.

"Alam mo na, inalalayan ni Aezi si Nikyla. Dala pa yung bag niya. Alam mo yun.. yung ganon.." Halos pahina na ng pahina ang boses ni Zhyver.

"What does it has to do with me?" Bahagya akong huminto. "Or it has to do with you, two?"

Sabay silang napangiwi sa tanong ko. "May gusto kayo kay Aezi?" I asked.

Sabay silang napahinto at hindi makapaniwalang tiningnan ako. Pagkatapos ng ilamg minuto ay malakas na tumawa ang dalawa, rinig ata sa kabilang baryo. Hawak nila yung tiyan nila na tumatawa, habang ako nakatanga sa gitna nila at nagtataka.

"Ano yan?"  Lumapit si Allyrie at tinapik si Zhyver. Tiningnan naman ako ni Jassy at yung dalawa sa gilid ko.

"Share niyo naman aba!" Singit ni Hanz at inakbayan pa ako. Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin na tinawanan niya lang.

"Uy! Tama na! Di ka na makahinga." Tinapik tapik ni Zhyver ang dibdib ng hindi siya makahinga.

"Bakit yan tumatawa? Ngayon lang yan tumawa ng ganyan kalala." Tiningnan ko si Cyrill na nakatingin.

"Malay ko." Walang ganang sagot ko at umalis mula sa pagkakaakbay ni Hanz bago dumeretso na naglakad.

"What happened?" Nagkibit balikat ako sa tanong ni Aezi. Sinamaan lang ako ng tingin ni Nikyla kaya hindi na ako umimik.

"Grabe, Uzziah! Binuo mo yung taon ko!" Natatawa pading sigaw ni Jaye Shi.

Nakita ko pang uminom sila ng tubig at kinukulit ng iba kung bakit sila tumawa at ang tanging sagot lang ng dalawa ay may sinabi akong joke.

"Shet! Di ko alam na ganito ka-kainosente." Inirapan ko si Zhyver.

"Language!" Angal bigla ni Allyrie, nagpeace sign lang si Zhyver habang pinupunasan ang luha na nabuo sa gilid ng mata niya dahil sa pagtawa.

Mukha ba akong nagjo-joke sa tanong ko? They kept on pushing me Aezi, and on how he treat Nikyla. And it has nothing to do with me.

Baka sa kanila meron. Umirap nalang ako za hangin. Alalayan niya kung aalalayan niya. Wala akong pakealam. Because it has nothing to do with me.

Period.

×

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora