Miraculous 10

17.3K 633 19
                                    

Revised.

×

Kinuha ko mula sa bedside table ang bag na binigay sa akin ni Sir Shanon. Unang araw na papasok ako sa klase. Kumpleto ang laman ng bag.

Nagsuot lang ako ng simpleng black jeans at shirt. Buti na nga lang at wala akong pasa sa katawan kaya hindi kailangang itago ng sweatshirt o kaya ng jacket.

Isinukbit ko ang bag sa balikat at lumabas na ng kwarto ko. Eksaktong lumabas din si Aezi. Nagtama ang mata namin, ako naman 'tong mabilis na napaiwas ng tingin.

"Sure kang papasok ka na?" Tumango ako bilang tugon at nauna ng maglakad. Magkasabay kaming naglakad papunta sa klase namin. Hawak ko naman yung schedule na binigay sa akin. Napatingin nalang ako sa kanya ng silipin niya ang sched ko.

"What?" I asked. Umiwas siya ng tingin habang kuno't ang noo. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero hindi ata siya nakatiis at kinuha sa kamay ko ang schedule ko.

"I knew it." Mahinang sambit niya. Bahagya ko siyang sinilip.

"You knew what?" Tiningnan niya ako at sa sched ko.

"This is more like a xerox copy of my schedule." Ako naman tong napakunot ng noo at inagaw sa kanya ang sched ko.

"Bakit naman nila gagawin yon?" Huminga ito ng malalim.

"Para mabantayan kita." Wala sa oras na napalingon ako sa kanya.

"Ako? Babantayan mo? I'm not a kid." He shrugged.

"It's only your first week here pero ang ilang beses ka ng napahamak." He tsked at nauna ng maglakad. Nakasunod lang naman ako sa kanya.

Muntik na akong mauntog sa likod nito ng bigla siyang huminto. Nakakunot ang noo na humarap siya sa akin.

"Bakit mo'ko sinusundan?" Walang ganang tiningnan ko siya. Seriously?

Ipinakita ko sa harapan niya ang schedule ko.

"Sabi mo, magkaklase tayo sa lahat ng subject. I'm sure alam mo kung saan ang room ng first subject kaya sinusundan kita." Napaiwas siya ng tingin at mabilis na tumalikod.

Napangisi ako ng malalaki ang hakbang nitong umalis kaya wala akong nagawa kundi sundan siya. Etong unggoy na 'to, kala mo naman mali-late e maaga pa kami ng five minutes.

"Aezi! Wait!"

Hindi siya huminto. Napapatingin na lang din sa akin ang ibang mga istudyante. Tiningnan ko ang paligid. Hindi ito ang papunta sa klase, hindi ko man maalala ang eksaktong lugar, sigurado ako na hindi ito ang daan papunta roon.

"Aezi!" Napahinto ako ng bigla siyang huminto. Tatlong metro ang layo sa akin. Halos magulat ako ng bigla siyang humarap sa akin.

"Stop following me."

Inihakbang ko ang paa papalapit habang nakatingin pa'rin sa kanya.

"Stop using that body," walang emosyon na sambit ko. Bahagyang nanlaki ang mata nito. "Leave that body alone." Mariin at dahan dahan kong banggit.

"Hindi mo ako mapipigilan!" Sigaw niya. Nagdo-doble ang boses nito. Boses ni Aezi pero may kahalong ibang boses.

"Leave or die. You choose." Iniangat ko ang kamay ko. Nanlaki ang mata niya at puno ng takot na tumingin sa palad ko.

Nagaabang kung anong mangyayari.

"Fine!"

Napangiti ako ng wala sa oras ng biglang may kung anong usok na humiwalay sa katawan ni Aezi. Mabilis na inihawak ko ang kamay ko sa magkabilang balikat nito para alalayan siya sa pagkatumba.

"Aezi, hey." Mahinang sambit ko.  "Wake up, late na tayo." Marahan niyang iminulat ang mata.

"Are you okay? Nahihilo ka ba?" Good thing at may malapit na bench sa kinaroroonan namin kaya pinaupo ko muna siya doon. Habol nito ang hininga at namumutla.

"What are we doing here?" Inilibot nito ang tingin. Tumingin naman ako sa wrist watch ko. I'm five minutes late. Hindi talaga siguro ako destined na makapasok sa klase ko, ang daming hadlang.

"You know what, learn to control your thoughts." Walang emosyong banggit ko. "Kapag masyado kang maraming iniisip at wala sa sarili, mabilis lang mako-kontrol ng iba ang katawan mo. Just like what happened. Those annoying creatures.."

Wala sa sariling pinagkiskis ko ang mga ngipin dahil sa inis pero ng marealize ang ginawa, tumikhim ako at pinawala ang emosyon sa mukha ko.

"I am controlled?" Tumango ako.

"Another factor why those weak creatures are capable of controlling someone like you, especially a prince like you is that, your mystic. Pay attention and focus, Aezi. May pangangailangan din ang Mystics natin." Tinapik ko ito sa balikat. At tumayo na.

"I'm going." Nakakailng hakbang palang ako ng nagsalita siya.

"Where did you learned those?" Nilingon ko siya mula sa balikat.

"I read a lot of books. Especially when it comes to unknown creatures... and yeah, I did my advance study at The Anatomy of Miraculous Creatures. The book discusses the part of their bodies, their strenght, weakness, abilities, immunity and capabilities."

He looked at me. Aalis na sana ako ulit ng biglang may maalala.

"What?" Lumapit ako dito.

"May naiwan ako." Sagot ko. Inilibot niya naman ang tingin sa bench na inupuan namin pati sa malapit na pwesto at ilalaim ng bench. May sinilip din siya sa may likod ng bench.

"Ano bang naiwan mo?" Huminga ako ng malalim. Hinila siya patayo at tiningnan sa mata.

"Ikaw." Napahinto siya at ganuon din ako. Nakatingin lang siya sa akin na parang tinubuan ako ng tatlong ulo at dalawang sungay.

"Ituturo mo sakin ang room ng second subject kaya kailangan mong sumama sa'kin." I don't know pero nagpahila lang siya sa akin.

"Where are we going?" Tanong niya sa akin.

"Sa room ang second subject." Sagot ko. Huminto siya kaya napahinto rin ako. Hinihila ko siya remember?

"Seriously, Uzziah? Papunta to sa Eerie." Napangiwi ako sa sinabi niya. "Gutom ka ba?"

"Yes. I mean, no." Itinikom ko ang bibig. "Akala ko talaga papuntang second subject yon." Mahinang bulong ko sa sarili. Napuntahan ko na iyon e. Kasama ko pa si Hanz no'n.

"May oras pa tayo bago ang second subject." Napatingin ako sa kanya.

"Halika na sa Eerie." With that, nauna na siyang naglakad.

×

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Where stories live. Discover now