Miraculous 11

16.5K 612 12
                                    

Not edited.

×

The class successfully ended. Walang kahit na anong aberya ang nangyari bukod sa insidente kay Aezi.

Tahimik akong nakaupo sa upuan ko. May ilang istudyante dito sa room pero wala naman akong oras na pansinin sila.

"Uzziah!"

Nagangat ako ng tingin. Patakbong pumunta sa pwesto si Hanz na may malaking ngiti sa labi. I wonder what makes him so happy. Tuwing makikita ko siya ay malaki ang ngiti nito at para bang patingkad iyon ng patingkad habang nagtatagal.

"Hey.." pagbati ko pabalik ng tumigil siya sa harapan ko.

Napakunot ang noo ko ng ipatong niya sa lamesa sa tapat ko ang isang in-can iced coffee. Kinunutan ko ito ng noo.

"Ahm, to-tour kita ulit." Napatawa ako ng wapa sa oras ng nahihiyang nagkamit ito ng batok sa harapan ko.

"Cute."

Bigla siyang napatingin sa akin ng nanlalaki ang mata.

"Cute? Cute ako?" Nanghila siya ng isang upuan sa harapan ko at doon siya umupo.

"May sinabi ako?" Inosente kong tanong. He pouted.

"So, hindi ako cute?" He pouted. Hindi ako nagsalita habang nakatingin sa kanya tapos bigla nalang siyang nag-puppy eyes sa harapan ko.

Sumandal ako sa upuan ko at tumitig sa kanya. Sinalubong niya naman ang tingin ko.

"What?" Tanong niya na parang nagtatanong kung bakit ako nakatitig sa kanya. "Nevermind. Halika na, ito-tour kita." Umiwas ito ng tingin.

Napatawa ako ng wala sa oras. He really reminds me of someone.

"Cute ka na." Sambit ko. Tumayo na ako dala yung ibinigay niyang iced-coffee. Lumingon ako rito ng hindi ko maramdaman ang prisensya niya sa likod ko.

Nakita ko siyang nakaupo sa pwesto niya kanina. Unmoving. Hanggang sa bigla niyang marahan na sinampal ang sarili at iniling ang ulo bago parang baliw na ngumiti.

"Hanz." Baka kasi bigla itong mabaliw ng wala sa oras. Kasalanan ko pa.

"Oh, right. Tara na." Masigla niyang sambit. Sumabay siya sa akin sa paglalakad dala din ang iced-coffee niya.

"May mga lugar pa ba sa labas ng Miraculous?" I asked. Hindi maiwasan ng mga istudyante na pagtinginan kami habang naglalakad.

May mga umiirap pero may iba din naman na walang pakialam.

"Yup. Hindi lang naman ang Miraculous ang lugar sa mundo ng mahika, Uzziah. Katulad ng mundo ng mga tao, sabihin na nating parang may ibang mga bansa din dito." Napatango-tango ako.

"Iisa lang ang reyna?" Umakto itong nagiisip.

"Kung ang buong mundo ng mahika, oo. Iisa lang ang Queen. Wala ng iba. Pero kapag kada distrito, may iba't ibang namumuno para mapangalagaan ang nasasakupan nila." Queen?

"Sa tingin mo, may nakakita na ba sa Queen?" He chuckled.

"Pili kung kanino siya nagpapakita. Pero isa lang ang sigurado ko, napakaganda niya. Sobra." Bahagyang nagningning ang mata nito na para bang may nai-imagine.

"Nakita mo na siya?" Tumango ito. "Maganda?" Tumango siya.

"Sobra. Parang isang bituin, kumikinang at sobrang gandang titigan." Napataas ang isang kilay ko.

"Crush mo?" Natawa ito ng malakas sa tanong ko.

"Kung may crush man ako, Uzziah. Hindi ang Queen iyon." Makahulugan na ngumiti ito sa akin. I shrugged. Okay. Sandali kaming natahimik habang naglalakad.

Nakatingin lang kami sa mga istudyante sa paligid.

"Hanz! Uzziah!" Sabay kaming napalingon sa likod namin. Kumakaway si Jassy sa amin, kasama niya si Nikyla na nakacross-arm at masama ang tingin sa akin. Kasama din nila si Zhyver at Jaye Shi.

"Hanz," pagtawag pansin ko dito ng hindi tumitingin sa kanya. Tumigil naman siya sa pagkaway sa Supremes na papalapit na sa amin.

"May gusto ba sayo si Nikyla?" Napangiwi siya sa akin.

"Wala? Bakit?" Sasagot na sana ako ng tuluyang nakalapit sa amin ang Supremes.

"Kakain na kayo? Tara. Sabay sabay na tayo." Iniligkis ni Jassy ang kamay sa braso ko. Nawi-weirduhan na tumingin ako dito. Required ba na kapitan ka ng isang babae sa braso as if close na close kayo?

"By the way, parang mas nagiging close kayo." Natatawang puna ni Cyril sa amin. Nanatili naman akong tahimik.

"We're friends." Friends? Hindi ko pinansin ang si sinabi ni Hanz. "Itini-tour ko lang siya sa buong academy."

"Uzziah.." napalingon ako kay Jassy na bumulong sa akin. Ngumiti ito sa akin.

"I really love your hair. Natural ba yan?" Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. "Turuan mo naman ako kung paano ma-achieve yung ganyang kulay. It looks so real." Namamangha niyang sambit at bahagya pang hinawakan ang buhok ko.

"And your eyes." Pinaningkitang niya ako ng mata at humarang siya sa harap ko. Bigla niyang inilapit ang mukha sa akin habang titig na titig sa mata ko.

"What are you doing?" Kunot noong tanong ko dito. Hindi ako pumapatol sa babae.

"Jassy," pumagitna sa amin si Allyrie at walang ganang tiningnan si Jassy.

"Don't creep her out." Sambit nito at nauna ng maglakad. Sumabay sa kanya si Zhyver tapos ayon, nagusap sila.

"I'm sorry." She pouted. "I was just admiring her eyes."

Natawa naman sila Hanz at ang ibang kasama namin.

"Ako nalang titigan mo, Jassy." Natatawang suggestion ni Jaye Shi. "Maganda din naman ang mga mata ko, malay mo, mainlove ka sa'kin."

Napansin ko nalang na dahan-dahan na pumunta sa gawi ko si Hanz.

"Let's go, Uzziah. Hindi mo gugustuhin na marinig ang kakornihan ni Jaye." Hinawakan niya ako sa wrist at iginaya na sa paglalakad. Ang sunod na narinig ko na lamang ay ang sigaw at bangayan ni Jassy at Jaye Shi.

Hindi ko akalain na mararating pa namin ang Eerie. Umupo sa tabi ko si Hanz, nagkanya-kanyang upo narin sila sa kanilang mga pwesto.

"Anong gusto mong kainin?" Bulong ni Hanz sa akin.

"Strawberry?" I'm not sure. Nagtama bigla ang tingin namin ni Nikyla at matalim na umirap ito sa akin. I shrugged. Ewan ko ba kung anong problema niya sa akin.

Ilang minuto lang ay dumating ang mga pagkain. Smooth lang ang daloy ng usapan sa lamesa namin ng biglang umupo sa harapan ko si Aezi. Katabi niya si Nikyla na kaharap naman si Hanz. Tapos sa kaliwa niya ay si Gavin na nagtataka ang tingin sa akin.

"Aezi, saan ka galing?" Allyrie asked.

"Headmasters." Matipid na sambit nito pero kapansin-pansin ang sama at talim ng tingin nito. Bad mode I guess?

Bahala siya. Basta ako, nage-enjoy na kumain habang nakikinig sa mga kwento ni Hanz.

×

Miraculous: Land Of The Gifted [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt