Special Chapter

584 25 8
                                    


😱😱😱😂 a little SPG po 😂😂😂 little..hindi ko maiwasan😂

************************

***Clary***

Nakatayo ako sa harapan ng salamin at napatingin sa suot ko. Namumula na naman ako. Sinuot ko ang lace kimono at inayos ang ribbon nito. Huminga ako nang malalim bago ako lumabas ng banyo.

Nang nakalabas na ako, hindi ko mahanap si Kaye. Nasa private balcony siya at nakaupo sa daybed, nakatingin sa dalampasigan. Nang lumabas ako, lumingon siya at inabot ang kanyang kamay para hawakan ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at naupo sa kanyang tabi.

Clary: Ang ganda ng view di ba?

Kaye: Napakaganda.

Nang lumingon ako sa kanya, sa akin pala siya nakatingin. Inangat niya ang kanang kamay at hinawakan ang pisnge ko.

Kaye: Clary?

Napakababa ng boses niya. Parang may tinatanong. Kung papayag ba ako o hindi. Kaya tumango ako sa kanya. Hindi ko man lang kayang ilayo ang paningin ko sa kanya.

Lumalakas ang tibok ng puso ko, halos nauubos na ang oxygen sa katawan ko. Sa bawat lapit niya habang nakatitig siya, nauubusan ako ng hininga.

Sinandal niya ang noo niya sa noo ko at tumingin sa mga mata ko. Nakatitig lang si Kaye at napakagat sa labi niya. Clary, huminga ka muna!! Sabi ng utak ko . Huminga nga ako at ngumiti si Kaye.

Pero nakatitig pa rin siya at hindi inalis ang mga mata niya, pero gumagalaw ang mga kamay niya. Unti unti niyang kinuha ang laso ng kimono ko hanggang sa tuluyan na itong natanggal.

Nilapit niya ang kanyang labi sa mga labi ko pero hindi ito nakadampi.. Yung halos isang tulak na lang, kahit hangin lang, mahahalikan na niya ako.

Mas lumalakas ang tibok ng puso ko sa ganito. Kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko baka maalala ko kung paano igalaw ang sarili ko.

Tumaas ang mga balahibo ko nang dumampi ang mga labi niya sa labi ko. Nararamdaman kong mas dumidiin ang mga halik niya. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa balikat ko. Unti unti niyang binababa ang isang sleeve ng lingerie. Napahinga ako ng malalim nang ginawa niya rin ito sa kabila hanggang sa naibaba niya na ang napakanipis kong suot. Binaba ba niya o pinunit niya? Hindi ko na alam.

Bumaba sa leeg ko ang mga halik niya. Naramdaman ko ang paglakbay ng kamay niya sa likuran ko at inalalayan niya akong mahiga sa daybed. Nakahiga na ako, at nakaupo pa rin siya, nakatitig.

Dahil sa malamig na hangin, doon ko lang naramdaman na wala na pa akong suot. Pinunit nga niya ang lingerie na yun? Kaya napayakap ako sa sarili ko pero pinigilan niya ako.

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko pataas at hinalikan uli ako. Napakasarap halikan ni Kaye. Bakit hindi pa rin ako nasasanay sa mga halik niya kahit ilang beses niya nang nagawa ito? Kahit sa halik, laging parang first time ang kabog ng dibdib ko.

Napahawak ako sa buhok niya nang bumababa na ang mga halik niya sa leeg ko. Kaye let go of my other hand to slowly caressed my head, she tilted my head upwards to kissed me deeply in my neck. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa tuhod ko at dahan dahan niyang inaangat. Pataas nang pataas. Mas lumalakas ang hininga ko sa bawat galaw niya.

Kahit nasa terrace kami , malamig ang hangin at kahit wala na akong suot na lingerie o kahit ano, hindi pa rin ako nakakaramdam ng ginaw. Tanging ang init ng katawan ni Kaye ang nararamdaman ko.

Clary: Kaye?

Kaye: Hmm?

Sagot niya pero hinahalikan pa rin ako. Nang hindi ako sumagot, tumigil siya at dinikit ang noo niya sa noo ko para titigan ako. Lumalakas na rin ang hininga niya.

Clary: Be my first.

Napangiti siya agad na halos nanggigigil. Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at hinalikan uli ako sa mga labi ko habang ang kamay niya ay kinakabisado ang bawat parte ng katawan ko.

Hindi man tama sa mata ng iba, mali man sa paniniwala nila, hindi man siya ang dapat na nakatadhana, puso ko pa rin ang mananaig at laging pipiliin siya.

Isang araw nakilala ko siya at minahal ko agad. Kahit hindi ko siya gaano ka kilala noon, alam kong ako'y para lang sa kanya. At kahit ilang beses man magbago ang mundo, paulit ulit pa rin akong mahuhulog sa yo.

Isang araw..... Nagkaroon ng ikaw at ako.....❤

Isang Araw- The final chapter (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon