28.2 All of me

389 18 0
                                    


***Clary's POV***

Ang nanalo ay si......

Clary: Congratulations.

Bati ko sa kanya nang tinulungan niya akong makatayo at kinuha ang helmet na suot ko.

Hindi man ako ang nanalo, hindi ko man makukuha ang Isang araw na plano ko, okay na rin yun. Kasi bago matapos ang araw na ito, nagkaroon ako ng alaalang ganito.

Clary: So, anong gusto mo kasi ikaw ang nanalo?

Kaye: Paghahandaan ko muna. Baka bukas sasabihin ko sa yo. Aayusin ko muna para kapag okay na, at handa na ang lahat, dadamputin na lang kita agad at itatakbo palayo.

Clary: wow. Pinag isipan mo talaga to ah.

Biglang nagring ang cellphone niya. Nang sinagot niya ito, narinig ko pa ang manager niyang pinagalitan na naman siya.

Kaye: Sorry po, masakit po talaga ang ulo ni Clary kaya sinamahan ko na muna siya pauwi.

Tinakpan ko na lang ang bibig ko para hindi mapalakas ang tawa ko. Tumigil ako nang inabot niya ang cellphone niya at bumulong na sagutin ko. Napakindat lang siya nang hinawakan ko na ito at napalunok.

Clary: Hello po?

Manager: Clary, totoo ba ang sinasabi ni Kaye? Baka kung saan ka na naman niyaya niyan.

Napatingin ako kay Kaye, who is now pleading at magkadikit yung dalawang palad niya.

Clary: Hindi po. Pauwi na rin kami ngayon. Babalik naman siya pagkatapos niya akong ihatid.

Napasandal siya sa pader, nakatitig nang maiigi sa akin habang nakacross arms siya at magkasalubong ang kilay niya. Binalik ko ang cellphone niya pero hindi siya gumalaw.

Kaye: Bakit mo sinabing babalik ako doon?

Clary: Bakit hindi? Ano ba dapat ang plano mo?

Kaye: Matutulog sa place mo.

Ngumiti siya agad at kinuha ang kanyang cellphone.

Clary: Party mo yun.

Kaye: So, if akin yun, dapat nandoon ka.

Clary: Di ba sabi mo masakit ang ulo ko kaya nawala ka doon. Kaya ihatid mo na ako para makabalik ka na agad.

Kaye: Mali yata ang ending ng plano ko.

Hinawakan niya ang magkabilang pisnge niya at napahinga na lang nang malalim. Hindi ko maiwasang tumawa sa mukha niya. Parang bata na nagmamaktol kasi nasira ang plano niya.

Kaye: aaaaaahhhhhh. May kasunod pa dapat ang plano ko. Nasira ang perfect plan ko tuloy.

Nilapitan ko siya at napahawak sa baywang niya.

Clary: Don't worry. Magkikita naman tayo agad in a few hours. May appointment ako with Taylor at 10am.

Kaye: Sige. Kakausapin ko pala sila tungkol sa ----.. Basta.. susunduin kita bukas before 10.

Kinuha niya ang kamay ko at naglakad na kami pabalik sa kotse niya. Nang makaupo na siya, kinuha niya muna ang cellphone niya at may tinext. Nilagay niya sa dashboard at nagmaneho papunta sa condo ko.

Clary: Let's come back here next time, okay? Maaga pa.

Kaye: Sa palagay mo, matatalo mo na ako next time?

Isang Araw- The final chapter (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon