8.2 Fear of losing you

420 17 10
                                    


***Kaye's POV***

Nakaupo ako, halos hindi ko na mamulat ang mata ko sa pagod. Mga isang oras na lang, matatapos na rin ito. Tiningnan ko ang picture ni Clary sa cellphone ko. Nang ibaba ko na sana ay may tumawag.

Tita Sylvia: Kaye, nasa practice ka pa rin?

Kaye: Opo. Malapit na rin kaming matapos.

Tita Sylvia: I'm sure for disturbing you. But.. Something happened.

Kaye: Okay lang po ba si Clary? Ano pong nangyari?

Napatayo ako agad at nabitawan ang hawak kong bote. Nagulat silang lahat nang biglang may nabasag.

Tita Sylvia: she fell off the bicycle and hit her head. Hindi ko pa nakita talaga. Papunta pa lang kami.

Tumingin ako uli sa relo.

Kaye: Sige po. Kung hindi po ako makakaabot sa ospital, doon na lang ako maghihintay sa condo unit niya.

Naupo ako uli at ang dalawang kamay ko ay nakatakip sa mukha ko.

Rj: Kaye, anong nangyari?

Kaye: Sumemplang si Clary sa bike.

Rico: Si Clary? Bike? Hindi naman siya marunong.

Kaye: Tinuruan ko.

Rico: ohh. Pero ganyan talaga ang pagbike. Sabi nga nila di ba... To appreciate the ride, sometimes, you have to experience what it's like to fall.

Rj: Wow nosebleed. Marunong ka palang mag English?

Hinampas siya ni Rico sa balikat. Bakit ko pa kasi siya tinuruan at bakit hindi niya sinabi sa akin?

Rj: Pero hindi naman seryoso ang sugat niya?

Kaye: Hindi pa alam ni mommy niya. Papunta pa lang sila sa ospital. Basta sa ulo raw ang sugat niya.

Rj: Kailangan mo na bang umalis ngayon? Okay lang naman sa amin.

Kaye: Hindi. Tatapusin muna natin ang pag insayo. Malapit na rin tayong matapos. Kung malala talaga, tatawag naman sila sa akin. Mas magagalit si Clary kapag pinabayaan ko rin ito.

Rico: Sige. Start na tayo uli para mapuntahan mo na rin siya.

Nilinis ko muna ang nabasag na bote at kinuha ang gitara kong nakasandal sa likuran ko. Habang kumakanta, hindi ko maiwasang kalimutan ang kaba.

Minsan na siyang naaksidente, minsan na siyang nagkasugat sa ulo, at dahil dito, minsan niyang nakalimutan na minahal niya pala ako.

Nang matapos na nga, nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko at nagpaalam na sa kanila.

Kaye: Mauuna na ako.

Hindi ko na narinig ang sagot nila kasi tumatakbo na ako palabas ng resto. Pumunta agad ako sa kotse ko. Bago ako nagmaneho ay tiningnan ko ang cellphone ko. May isang message galing kay Kuya Brian.

"Ihahatid na namin siya pauwi"

Hindi na ako nagreply. Dumeretso na lang sa condo niya para doon siya hintayin.

Nang makarating ako, wala pa siya doon. Naupo na lang ako sa sofa. Ang dalawang kamay ko ay nakahawak sa ulo ko. Halos maiyak na ako sa galit at nerbyos. Kinuha ko ang cellphone ko pero wala ng bagong text message.

Narinig ko ang doorknob at pumasok siya. Napatayo ako agad. Gusto kong magalit agad sa kanya pero nang makita ko ang bandage sa sugat niya, napatakbo ako agad sa kanya.

Isang Araw- The final chapter (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon