21. Clary - Isang araw

399 16 0
                                    


Lumipas ang isang buong araw na hindi nagparamdam si Kaye. Hindi ko alam kung nasaan siya o okay lang siya. Sana kahit yun na lang malaman ko naman.

Nagring ang cellphone ko bigla at napatakbo ako para sagutin ito. Si Anne pala.

Anne: Hi, Clary. May ginagawa ka ba maliban sa pagtingin sa kisame mo?

Clary: Paano mo naman nalaman yan?

Napahiga ako nang nakatihaya at nakapatong sa headboard ang dalawang paa ko.

Anne: Lagi mo kasing ginagawa yan kapag MIA si Kaye.

Clary: Alam mo ba kung nasaan siya?

Bigla siyang napatahimik. Kaya alam kong alam niya pero ayaw niyang sabihin or nangako siyang hindi niya sasabihin.

Clary: Gusto ko lang naman malaman kung okay ba siya. I mean bigla na lang siyang nawala.

Anne: I'm sure okay lang siya. Labas tayo. Ang ganda ng araw na ito.

Clary: Saan tayo pupunta?

Anne: Clary, you need to relax. Let's go on a spa..I don't know, haircut?

Clary: Okay.

Mahinang sagot ko sa kanya. Nag usap kaming magkikita sa salon in an hour. Kaya naghanda na rin ako para makaalis agad. 10am. Dapat nagtatrabaho ako pero, hindi ko maiwasang isipin siya, kaya, nasisira ang mga ginagawa ko or wala akong maisip iguhit maliban sa kanya.

Nang makarating ako doon, naghihintay na si Anne. Mukha naman siyang masaya, so, dahil magbestfriends sila, I'm guessing, okay din si Kaye.

Anne: I need a massage. Ang daming trabaho.

Clary: Yeah.

Anne: Clary, loosen up. Ngayong araw, bawal mo siyang isipin, okay? Girl's day. Smile..

Hinawakan niya ang magkabilang dulo ng bibig ko para piliting ngumiti ako.

Clary: Okay, I'm smiling..

Kaya nagpamassage nga kami for an hour, manicure, pedicure, nagpahaircut siya, nagpahaircolor ako ng light brown. Madilim na nang nakatapos kami. Bago kami lumabas, hinawakan niya ako sa braso para pigilan sa paglalakad.

Anne: Bagay sa iyo ang buhok mo.

Habang nakatingin ako sa oras ay biglang may nagflash. Ang camera pala niya. Kinunan niya ako ng letrato. Hindi na ako nagsalita pa at umasa na lang na baka para kay Kaye kaya niya ginagawa ang lahat ng ito.

Pumunta kami sa isang restaurant after para maghapunan.

Clary: Did Kaye ask you to babysit me?

Sabi ko sa kanya bago ako umupo at binasa ang menu nila.

Anne: Ofcourse not..Medyo lang pero ako talaga ang may gustong lumabas ngayon. Anong gusto mong kainin?

Nag order kami ng steak nila kasi yan yung specialty ng restaurant na pinuntahan namin. After ng order ay pumunta siya sa restroom kaya mag isa akong nakaupo doon. Kinuha ko ang cellphone ko, pero walang message. Off din ang cellphone ni Kaye.

May mali ba? May nagawa ba akong hindi tama? Pakiramdam ko nasasaktan ako kahit hindi ko naman alam ang totoo.

Gusto kong maniwala sa kanya, gusto kong maniwala sa pagmamahal niya.. Naalala ko ang tinanong niya sa akin tungkol sa movie na "The choice".

Isang Araw- The final chapter (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon