25.3 Clary - Not yours, not mine but ours

376 20 0
                                    


Magkahawak ang dalawang mga kamay ko sa mesa at hindi ako makapag isip. Wala talaga akong maisip na lugar.

Kaye: Pag uusapan pa po namin.

Sabi ni Kaye, sabay hawak ng mga kamay ko. Napabuntong hininga na lang si Mommy.

Mommy: Okay, fine. How about the "when"?

Tita: Tama napakaimportante yan. Siguro maghintay na ilang buwan para sa preparation. 6 Months or more.

Mommy: I think para sa engrandeng kasalan, kailangan ng isang taon. Marami akong gustong imbitahin.

Tita: Medyo matagal naman kung isang taon baka..

Mommy: Baka magbago ang isip ng anak ko?

Tita: No, hindi naman Mare. Pwede rin naman ang anak ko ang magbabago ng isip.

Pabirong sagot ni tita. Napatingin lang sa kanya si Kaye na parang nainis.

Mommy: Clary?

Sino ang pipiliin ko?

Mommy: Clary?!

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti si Mommy. Yung tipong alam mong may kailangan.

Clary: yes po?

Mommy: When? Do you agree maybe 6 months.. or one year? Perfection needs time, baby.

Napatingin ako kay Kaye. Tumango lang siya at bumulong sa tenga ko.

Kaye: Kahit maghintay ako, okay lang.

Nakatitig lang ako sa kanya nang matagal. Sinong pipiliin ko? Ang mommy ko, mommy niya, ako o siya? A perfect moment.. Pero ano ba ang perfect moment?

Kung patatagalin ko ba, ang ibig sabihin ay dahil tunay na mahal ko siya? Kung mabilis naman, dahil ba takot akong magbago ang isip niya?

Napatingin ako sa kanya, sabi ko ng isip ko, make it perfect..make it perfect..Sabi ng puso ko...

Clary: Before the year ends..

Sabi ko sa kanila. Nakatitig lang ako kay Kaye nang sinabi ko yun.

Mommy: Clary, are you insane? Do you know how long it takes to tailor the best gown? Or even find a pair of shoes that fits, even your hair.. Oh my God. You can't..that's impossible. That's like in a month.

Napangiti na lang ako kay Kaye at napahawak siya uli sa kamay ko sa ilalim ng mesa. Hinawakan niya ang singsing ko at binuksan niya ang palad ko. May sinulat sa gitna nito. Dahan dahan.. Habang nagsasalita si Mommy, hindi na kami ni Kaye nakikinig.

Ginuhit niya ang...

I

U

Mommy: Are you both listening?

Napatigil kami bigla, pero nakangiti pa rin ako sa kanya at ganoon din siya.

Tita: Mga kabataan talaga ngayon. Laging nagmamadali. Sigurado ka ba talaga Clary? Baka pinilit ka ng anak ko, isumbong mo agad sa akin para kurutin ko.

Kaye: Mommy naman!!!

Clary: hindi po tita. Gusto ko rin po ito.

Si mommy ay medyo nainis pero hindi na siya kumontra.

Mommy: Okay.

Tumayo ako agad. Niyakap siya at hinalikan sa pisnge niya.

Clary: I love you mommy.

Isang Araw- The final chapter (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon