33. A love worth fighting for

455 17 8
                                    


**Kaye's POV***

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang naikot ang kwarto ko. Pero sa dami nang inikot ko, hindi man lang nabawasan ang kaba sa dibdib ko.

Tumigil na lang ako nang tumayo na sa harapan ko ang kuya niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

Kuya: Kaye, breathe in, breathe out. Baka mauna ka pang mawalan nang malay kay Clary. Kaya mo yan. Lilipas din ang kaba.

Sinunod ko ang sinabi niya. Lumabas na lang muna ako sa terrace at naupo sa daybed. Napahinga nang malalim, kinapa ang gitara ko at kumanta para kumalma.

"Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave. How can I love when I'm afraid
To fall But watching you stand alone All of my doubtSuddenly goes away somehow
One step closer
(Chorus)I have died every day. waiting for youDarlin' don't be afraid I have loved you for aThousand years
I'll love you for aThousand more"

Isa sa mga pinamemorable song ko sa kanya. Kapag kinakanta ko ito at pinikit ang mga mata ko, tanging ang pagmamahal ko sa kanya ang naiisip ko.

Camila: Okay ka lang ba?

Kaye: Okay lang ako. Si Clary kamusta?

Camila: Ayun, tinakbuhan ka na.

Galit akong napatingin sa kanya at tumayo uli sa railings ng balcony.

Camila: Ang seryoso naman nito. Hindi ko pwedeng sabihin basta, kapag nakita mo siya, you will fall in love all over again. Napakaganda ni Ate Clary. At katulad mo, kanina pa siya ikot nang ikot sa kaba. Hindi na nga siya nakakain kahit ilang beses na siyang pinilit. Kaya ang ending, isang sandwich pero atleast, may laman ng konti ang tyan niya. Baka himatayin sa gutom mamaya at hindi pala sa kaba.

Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung naintindihan ko ang iba niyang mga sinabi. Ang naalala ko hindi kumain si Clary.

Kaye: Wala siyang nakain?

Camila: Sandwich nga. Ganito ba kapag kinakasal ka na?

Tanong niya kay Kuya Brian na napangiti lang sa kanya.

Camila: Ikaw? Kumain ka ba? O nilunok mo na lang lahat?

Kaye: bakit ka ba nandito?

Camila: Pinapunta ako ni Ate Clary para masiguradong humihinga ka pa. pero, congrats talaga. Napakaswerte mo sa kanya.

Kaye: Hindi ba dapat..napakaswerte niya sa akin kasi kapatid mo ako?

Camila: Kaya nga.. kasi kapatid kita at kilala kita. Kaya napaswerte mo sa kanya. Dahil kahit gaano man kahirap na maintindihan minsan ang iniisip mo na sobrang magulo, naiintindihan ka pa rin niya kaya hanga ako sa pasensya ni Ate Clary sa yo.

Hindi na ako kumontra pa kasi alam kong totoo. Sa dami ng pinagdaanan namin, mas naging madali na lang ang lahat dahil sa haba ng kanyang pasensya.

Biglang pumasok si Daddy ko at tinawag ako.

Daddy: Kaye, handa ka na? kailangan ka na sa labas.

Kaye: Po? Ngayon na?

Camila: Hindi. Bukas pa.

Hinampas ko siya sa balikat. Ang tigas ng balikat ni Camila. Parang bato yung sinuntok ko. Kahit nakababata ko siyang kapatid, mas malaki pa siya sa akin.

Isang Araw- The final chapter (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon