27.3 Clary - The concert

396 18 1
                                    


Nakatayo ako sa gilid ng stage at nanunuod. Lalabas pa lang sina Kaye. Nakakaiyak ang moment na ito. Oo, nagkaconcert na siya noon. Pero habang nakatayo ako rito at nakikita ko ang mga supporters niya, alam ko ang mga pinag daanan nila.

Parang kami ni Kaye. Ang daming mga hadlang na kailangan naming lampasan. Ang dami ng aming mga problema para lang ipaglaban ang meron kami. Yun din sa kanila. Sa dami ng pawis at luha, para lang matulungan siya sa career niya dahil sa pagmamahal at suporta nila.

Kung naging mahirap sa akin na mahalin siya, mas mahirap para sa kanila. Mahirap magmahal kung alam mong hanggang doon lang ang isusukli niya.

Minsan, naisip ko, paano kung, isa lang ako sa mga tagahanga niya, lilingon din ba siya tulad ng una naming pagkikita?

Bigla akong tumigil sa kakaisip nang marinig ko ang malakas na sigawan. Lumabas na sila sa stage. Ang lakas ng sigawan, ng tilian, siguro, bukas, lahat sila, walang boses nang matitira pa.

Ang unang kinanta niya ay isa sa pinakasikat niyang covers.

"Uulit-ulitin ko sa 'yo
Ang nadarama ng aking puso
Ang damdamin ko'y para lang sa 'yo
Kahit kailanma'y hindi magbabago
Chorus:Ikaw ang laging hanap hanap sa gabi't araw
Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw
Ikaw ang buhay at pag-ibigWala na ngang iba
Sa 'king puso'y tunay kang nag-iisa'
Di ko nais na mawalay ka.
Kahit sandali sa aking piling. Kahit buksan pa ang dibdib ko. Matatagpua'y larawan mo".

Siguro, lahat ng mga fans niya, isa ito sa mga pinakapaborito nila. Habang nakatayo ako at pinapanuod siya, hindi ko maiwasang humanga ng sobra. Hindi dahil mahal ko siya, kailangan puriin ko siya. Pero dahil mahal ko siya, mas gusto kong puriin siya dahil alam kong karapat dapat yun sa kanya.

Nakatayo lang kami doon, sa tabi ko si Anne at ang manager niya. Si Marilyn ay kasama niya sa stage ngayon. Nakailang kanta na rin sila. Dahil hindi ko alam ang mga kantang gagawin nila, hindi ko alam kung malapit na ba siya sa dulo ng concert na ito.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko habang nagsasalita si Kaye, lalabas sana muna ako para sabihing tumawag na lang uli. Isa yun sa mga kilala kong gumagawa ng wedding gowns. Dalawang hakbang pa lang ako, pinigilan ako ni Anne.

Anne: Saan ka pupunta?

Clary: Sandali lang. babalik ako agad 2 minutes.

Anne: Gaano ba kaimportante yan?

Clary: What? Why?

Anne: Kasi tinatawag ka na niya.

Sabay turo niya sa stage. Bigla akong nakaramdam ng takot. Bakit ako? Hindi ako marunong kumanta. Lumingon ako pero hindi ako nakagalaw. Tinulak na ako nina Anne at ng manager niya.

Nang humarap ako, nasa harapan ko na siya. Bigla niyang hinawakan ako at sinama sa stage.

Kaye: Siguro kilala niyo na po siya. Ang babaeng pinakamamahal ko. Mayroon akong isang kanta na gustong kantahin para sa iyo. Noong una kong kinanta ito, umiiyak ka sa lungkot. Ayokong makalimutan mo ang kantang ito. Kahit wala na siya, kakantahin ko ito para sa inyo. Kasi hindi lang ikaw ang nawalan ng matalik na kaibigan.. dahil sa iyo, nakilala ko siya. Dahil sa kanya, natutunan ko ang kanta. May kanta ba kayo para sa bestfriend niyo? So, James, wherever you are buddy, this is for the promise I'll keep with me until we meet again.

Dumadaloy ang mga luha sa mata ko dahil alam ko na ang kanta. Simula ng mamatay si James, hindi ko na ito pinakinggan uli. Naisip ko, kanta ko lang yun para sa kanya. Ngayong wala na siya, bakit ko pa pakikinggan?

Isang Araw- The final chapter (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon