10. Clary - In my dreams

430 17 0
                                    


Nang papauwi na kami ay madaling araw na. halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko. Naramdaman ko ang kamay ni Kaye sa pisnge ko.

Kaye: Nandito na tayo. Malapit lang ito Clary.

Nakahawak siya sa baywang ko. Habang naglalakad ako, pakiramdam ko, lumulutang na ako sa antok. Pero pinipilit ko pa ring makaabot sa kwarto ko. Nang makapasok na kami, napahiga ako agad sa kama.

Naramdaman kong kinuha niya ang sandals na suot ko. Narinig kong nalaglag ang mga ito sa sahig. Kinuha niya kumot at tinakpan ang katawan ko. Hinalikan niya ako sa bibig.

Kaye: Goodnight.

Clary: Good morning.

Bulong ko pero nakapikit pa ang mga mata ko. Kahit pagod nang dumilat ang mga mata ko, alam kong nandyan pa rin siya at nakatitig lang.

Clary: Stop staring.

Kaye: I'm not staring. I'm just enjoying the view.

Napangiti na lang ako..

Clary: Pwede bang dito ka na lang muna?

Kaye: nasa condo ko na ngayon sina mommy at Camila. Kakatext lang nila. Nasa labas pa sila at naghihintay kaya kailangan kong puntahan or else, iisipin nga nilang tinanan na kita. Matulog ka na muna.

Clary: runaway with me in my dreams then.

Kaye: kahit saan naman, hahabulin pa rin kita. Goodnight.

Naramdaman kong tumayo na siya at naglakad palabas. Kinapa ko ang paborito kong unan at niyakap ito hanggang sa nakatulog na nga ako.

Sa panaginip ko, kinakantahan ako ni Kaye. Nakatitig ako sa mga mata niya, kahit hindi ko man pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Lumalapit siya. Ayan na. mas malapit na.

At... ring..ring..ring...

Napamulat na naman ako bigla at napasigaw sa inis. Nang tiningnan ko ang aking cellphone, 10:30am. Ilang oras pa lang ang tulog ko. At nag ring uli. Si mommy.

Mommy: Thank God you answered. Don't tell me you just woke up. Do you know what time it is?

Clary: my eyes are barely open mom. Good morning din sa yo.

Mommy: get up now and help me with the party. Di ba mag iinsayo ka rin bago magsimula?

Clary: kaninong party?

Mommy: kaye's!...

Binaba niya agad ang tawag. Hindi man lang ako nakasagot. Ewan ko ba kay mommy. Minsan, feeling ko, inampon na niya si Kaye. Kulang na lang, isasama na niya sa family picture.

Tinawagan ko rin si Kaye bago ako tumayo sa kama. Gumugulong gulong ako nang mag isa at nakapikit ang aking mga mata. Nagbabakasakaling makatulog uli at mapanaginipan siya.

Sa kakagulong ko, nagulat ako nang sinagot niya ang tawag ko at nalaglag ako sa kama.

Clary: Aray..

Kaye: nalaglag ka sa kama?

Clary: no. yung sugat ko.

Narinig kong tumawa siya.

Camila: Hi Ate Clary.

Sigaw niya mula sa kabilang linya.

Kaye: doon ka na nga. Nakikinig ka na naman.

Isang Araw- The final chapter (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon