5.2 Clary - Maps

535 21 0
                                    

Nakatayo ako sa harap ng dressing room. Kakahubad ko lang ng wedding gown na sinukat ko. Napaupo ako bigla at tinitigan itong nakasabit sa harapan ko.

Ngayon lang ako nakasukat ng wedding gown sa buong buhay ko. Iba pala ang pakiramdam. Nang sinukat ko ito, sa akin man o pag aari ng iba, hinihiling ko na sana, nakatanong na siya, na sana, sinagot ko na siya. Dadating pa kaya ang araw na yun?

Napahinga ako nang malalim, tumayo at kinuha ang bag ko. Bago ako lumabas, lumingon uli ako sa wedding gown na yun at napangiti na lang. Sa unang beses, nalaman kong, gusto ko nga ito.

Nakaupo pa rin si Kaye at nakatitig sa sahig na parang may tinititigan siya. Naalala kong nakita niya ako kanina kaya medyo nahiya tuloy ako ngayon. Nang maramdaman niya ako, napatayo siya agad.

Kaye: Okay na ba?

Clary: Sila na bahala ng iba raw.

Tumango lang siya pero nag iisip pa rin.

Clary: Anong gusto mong gawin?

Kaye: Nagugutom na ako.

Clary: Lagi naman eh. Pero hindi ka lumalaki. Kaya ang daya mo.

Kaye: Kasi chubs, lumaki ka man, kahit kasing laki ka na ng mga pating na kinatatakutan ko, asahan mong, kahit saan ka, ay hahabol pa rin ako.

Clary: Ayoko na tuloy kumain.

Napangiti siya at hinalikan ako sa pisnge.

Kaye: Please?

Sino bang makakatanggi sa kanya kung nakatitig siya sa yo?

Pumunta kami sa isang restaurant at nag order ng steak. Para hindi raw ako mahirapan, lagi niyang hinihiwa muna bago ibigay uli sa akin.

Habang ginagawa niya yun, nakatingin lang ako sa kanya.

Kaye: bakit?

Clary: Wala. Masaya lang talaga ako. Salamat po.

Kaye: Walang anuman po.

Pagkatapos ay pumunta kami sa park. Nagrenta kami ng bisekleta at tinuruan niya ako. Ilang beses niya na akong tinutuan. Nagkagalos na nga ako noon at may scar sa tuhod.

Pero kahit ilang beses man akong nasaktan, ayokong sumuko kahit dumudugo na ang tuhod ko. Susuko na lang ako, sa araw na hindi na siya ang magtuturo.

Isa lang muna ang kinuha naming bike. Dahil magaling siya, nakikiangkas lang ako at nakahawak lang sa baywang niya.

Maulap ang araw na ito. Medyo maraming tao ngayon. May naglalakad, may nag uusap, may umiiyak, may tumatawa. Lahat paiba iba. Pero lahat sila, walang pakialam kung ano man ang ginagawa ng iba.

Nakasandal ang ulo ko sa likod ni Kaye. Dahil nakasandal ako at nakayakap nang mahigpit sa kanya, mas nararamdaman ko siya.. Mas naaamoy ko siya.

Inangat ko ang aking ulo at napatingin sa langit. Dahil maganda ang araw na ito, kailangan kong simulang mahalin ang mga pagbabago.

Clary: Wait wait wait.

Tumigil siya at lumingon.

Clary: Gusto kong turuan mo ako uli.

Kaye: Sigurado ka? Yung huli mong nagbike ka, halos tumigil ang puso ko ng bigla kang sumemplang.

Clary: Galos lang yun.

Tumayo siya at nilapitan ako. Nagulat ako nang bigla siyang napaluhod at hinawakan ang tuhod ko. Nakashorts ako ngayon.

Napatingin ako agad sa paligid ko pero parang busy sila para makialam pa. Nang tumingin ako kay Kaye, nakatitig siya.

Isang Araw- The final chapter (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon