33.2 Clary- The woman in white

460 18 0
                                    



***Clary's POV***

Naririnig ko na ang music. Nakahawak ako sa braso ni
Kuya Brian. Dahil gustong maramdaman ng puso ko ang hindi nakikita ng aking mga mata, napatingala muna ako sa langit at pinikit ang mga mata ko habang iniisip ko sila.

Kuya Brian: I'm sure they're watching right now Clary. And I'm pretty sure someone is crying because he is too happy. Daddy's little girl is finally getting married.

Napasandal ako sa braso niya. When it's my turn to walk, pakiramdam ko, lumulutang na ako. Yung moment na, alam mo kung paano maglakad pero biglang nakalimutan mo na kung paano. Yung alam ko kung paano mabuhay para sa sarili ko, pero ngayon, hindi ko na alam kung paano huminga ng wala siya.

Nang makita ko siyang nakatayo sa dulo, naghihintay at naluluha katulad ko, hindi ko alam paano ipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid
To fall. But watching you stand alone. All of my doubt
Suddenly goes away somehow
One step closer
(Chorus)I have died every day
waiting for you
Darlin' don't be afraid I have loved you for a Thousand years
I'll love you for a
Thousand more"

Habang pinapakinggan ko ang kanta at nakatitig sa kanya, nagkakaroon ako ng flashback sa lahat ng mga pinagdaanan naming dalawa.

Naalala ko yung panahon na sinabi niyang "Itigil na natin to.", pero pinaglaban ko pa rin. Naalala kong nakalimutan ko siya at tinanong ang pangalan niya. Pero ginawa niya ang lahat para lang maalala ko siya. Naalala ko noong sinabi niyang, "let's be friends", career or love, hanggang sa ako yung naiwan.

Pero dahil mahal ko siya, I fought for another chance. Naalala ko noong minahal niya ako kahit hindi ko kayang mahalin ang sarili ko. Minahal niya ako hanggang sa nahanap ko uli ang tamang daan pabalik sa kanya.

Habang lumalapit ako ngayon, mas minamahal ko siya. Minahal ko siya sa kung sino man siya noon at ngayon.

Inabot niya ang kanyang kamay at hinawakan ko agad ito. Hinalikan niya ang kamay ko at sabay kaming tumayo sa harapan.

Kaye's Vow ♥

Clary, noong una kitang nakilala, noon pa man, alam ko na kung sino ang gusto kong makasama habang buhay. Minahal kita kahit nakatalikod ka pa. Sinabi kong "mahal kita" hindi dahil umaasa akong mahalin mo rin ako. Sinabi kong mahal kita, kasi mahal kita at gusto kong ipaalam sa iyo kahit hindi man ako ang mapili mo. Pero sa bawat araw na minamahal kita, minahal mo rin pala ako. Minahal mo ako kahit nahirapan ka. Pinaglaban mo ako kahit hindi kita nakikita. Sana, habang buhay, hindi ka magsawang mahalin ako. Kasi, mula noon, ngayon at sa dulo ng buhay ko, maging ang kasunod man nito, mamahalin pa rin kita. Pangako ko sa yo.




Clary's vow ♥

I may have everything like you said, but without you, I'd be incomplete..I'd never be Clary... I'd never be me. Your love defines who I am and who I have always wanted to be. I've never been perfect until the day you loved me. I promise to love you for all the days of my life. If eternity does exist, I hope you'll keep falling for me, the way I fall for you every day.



Our love story, nagsimula sa iyakan, naiwan, lumaban, nakalimutan, hinanap, nawalan. Maraming beses na umiyak at nasaktan. Pero hindi naman lahat ng love stories, nag uumpisa lang sa saya. Kasi kahit si Cinderella, sobrang naghirap bago makamit ang happy ending niya.

Some stories are worth fighting for. Some tears are worth it. Kung nahihirapan ka ngayon, hindi ibig sabihin wala ka nang karapatan maging masaya bukas. It only ends, when one of you stops trying.

Hindi lahat ng kwento, may forever. Hindi lahat ng love story, may happy ending. Hindi lahat ng mahirap sa simula, ay wala ng pag asa maging masaya.

😊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


😊

Isang Araw- The final chapter (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon