1. Clary - Dream of me

863 29 10
                                    

"105 is the number that comes to my head
when I think of the number of years
I want to be with you"

May dumaan na maliit na eroplano at may banner na nakasulat. ----- --

Napaiyak ako kasi nang lumingon ako, nakaluhod na pala si Kaye.

Kaye: Clary, will you marry me?

At sasagot na ako. Yung handa ka na, yung lalapit ka na, yung hahawakan ko na siya.. Pero biglang...

Ring...ring...ring... Bakit may alarm? Hindi ko pinansin..Kaye, sige na.. Tanungin mo ako uli...

Ring... Ring...

At napamulat ang mga mata ko. Napaupo ako agad at medyo nalilito. Anong nangyari? Bakit? Nasaan ang singsing?

Nang lumingon ako sa kama, mag isa lang ako. Napahiga ako uli at napahinga nang malalim. Habang nakahiga ako, unti unti kong naiintindihan na panaginip lang pala yun.

Bakit kasi hindi man lang hinintay na makasagot ako o kaya sa honeymoon???

Clary... Focus.... Kahapon pa nakabalik si Kaye sa condo niya. Tumunog uli ang alarm ko. 5:30am. Kinuha ko ito at tinapon.

Tulog na kaya si Kaye? Bago ako makatulog ay busy siya sa pag-iinsayo. Malapit na ang concert niya. Nakakaexcite di ba? Parang kailan lang, nasa resto lang siya, ngayon, para na sa isang concert.

Tumayo na lang ako at naligo muna. Pagkatapos ay nagbihis at lumabas ng kwarto.

Nang pumasok ako sa kusina ay may nakahanda ng pagkain. May isang bulaklak ng tulips na nakapatong sa mesa. Kinuha ko ito para maamoy at napangiti na lang.

Sa gilid ng plato, may isang sulat siyang iniwan.

"Dream of me, my love"

Naku..,, Dream of me.. Napanaginipan mo nga pero bakit may alarm. Hindi naman ako ang nagset noon eh. Nasira tuloy ang panaginip ko.

Habang nakaupo ako, napatingin ako sa kapeng nasa harapan ko. May singaw pang lumalabas mula rito. Hinawakan ko at mainit pa nga. Napatayo ako bigla.

Clary: Kaye?

Tawag ko. Pero walang sumagot. Nagmadali akong lumabas at tumakbo papunta sa elevator. Malapit na itong magsira kaya pinigilan ko.

Nagulat siya nang bigla akong pumasok at hinihingal. Nakasandal siya sa bandang dulo ng elevator. Dalawa lang kami sa loob at nilapitan niya ako.

Clary: Bakit hindi mo ako ginising?

Hinawakan ko ang mga mata niya. Nakikita kong wala pa siyang tulog. Hinila niya ako papasok para magsira nang tuluyan ang elevator.

Nakasandal ako sa elevator door at inilagay niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang gilid ng aking ulo at hinalikan niya ako bigla.

Dahil mahal mo nga siya, kahit halikan ka man niya ng isang minuto lang, ay habang buhay mo na itong maalala.

Pero dahil 3 floors lang, nakakabitin tuloy. Sana pala sa mas mataas ako lilipat. Natawa siya bigla nang mapahinga ako nang malalim nang makarating kami sa ground floor.

Kaye: Siguro hiniling mo na sana nasira ang elevator.

Clary: Naranasan ko na yan, di ba? Ayoko nang maulit pa uli. Being stuck on an elevator for hours is a big no no.

Kaye: Paano naman ang "being stuck on an elevator with Kaye Cal" for hours?

Sabay ngiti niya with a wink. Ang pilyo nito.

Isang Araw- The final chapter (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon