6. Clary - When God made you

461 21 2
                                    

Ngayon na ang araw ng kasal nina Justin at Sophia. Habang inaayusan na siya, nakaupo lang ako at nakatingin sa daliri ko. Ang infinity ring namin.

Nang matapos na ako, nakatayo ako sa harapan ng salamin. Fuchsia pink ang kulay ng damit ko. Malapit na sa baywang ang buhok ko.

Sophia: Clary?

Lumingon ako sa kanya. May hawak siyang box.

Sophia: A bride must not see the groom, right? Can you please give this to Justin? It's from his dad.

Inabot niya ang isang box. Hindi ko na tinanong kung ano man ang laman nito.

Clary: okay.

Lumabas ako muna. May mga taong nasa labas ng kwarto. Naglalakad, nag uusap,naghihintay. Nang makarating ako sa labas ng kwarto, kumatok muna ako. Baka mag isa lang siya.

Si Kaye. Nagulat din siya. Hindi siya nakatingin sa mga mata ko. Pero sa unang beses, nakatingin siya mula sa paa ko hanggang sa mga mata ko at napalunok lang siya.

Clary: Ahmmm. Nandyan.. Nandyan ba si Justin? May ibibigay sana ako.

Hindi siya sumagot pero tinuro niya lang si Justin na nasa likuran niya. Kaya pumasok na rin ako. Hindi na ako lumingon kung nakatingin man siya.

Si Justin ay nakangiti lang pero nakatingin kay Kaye.

Clary: Hi.

Justin: Pwede mo ba kaming iwan muna?

Sabi niya sa nag aayos sa kanya. At lumabas na rin ang iba.. Si Kaye ay mas nauna na.

Justin: Maupo ka.

Naupo ako sa tabi niya at binigay ko ang maliit na box galing kay Sophia. Binuksan niya ito.. May lamang singsing.

Justin: From my dad. And this....was my mom's..

Dalawang singsing pala. Kami kaya ni Kaye?

Justin: Anong iniisip mo?

Clary: Huh? Wala. Just admiring it.

Justin: Kamusta na si Sophia?

Clary: Takot ka bang baka nagbago ang isip niya?

Justin: Takot ka bang hindi siya magtatanong?

Napalunok na lang ako at hindi na nagsalita.. Bakit lagi niyang tinatanong? Obvious ba na hinihintay ko?

Clary: I should go. Sophia looks beautiful.

Tumalikod na ako at lumabas. Pero hindi ko na nakita si Kaye. Pagkatapos ng halos isang oras ay nagsimula na nga.

Naririnig ko na ang piano. Hindi ko alam kung sino ang kakanta. Sabi ni Justin, surprise daw. Kasi si Sophia talaga ang pumili. Baka american.

Heto na.. Naglalakad na. Pero nang marinig ko ang boses niya, hindi ko alam bakit bigla akong napatigil at natulala.

"It's always been a mystery to me
how two hearts can come together
and love can last forever.
but now that I found you I believe
that a miracle has come when God sends the
perfect one"

Nakatayo ako at hindi nakagalaw. Gusto kong maiyak hindi dahil sa lungkot pero dahil sa saya kasi nasa harap ko siya, minamahal ako habang kumakanta siya.

Nakagalaw na lang ako ng medyo tinulak ako ng nasa likuran ko. Naalala ko uli kung kaninong kasal pala ito.

Nang makarating na kami sa harapan, hindi ko man lang namalayan na kasal pala ito nang iba. Mas naniwala akong mali ako nang makita ko ang taong naglalakad sa harapan ko.

Isang Araw- The final chapter (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon