21.3 Clary - wanting more

412 18 0
                                    


Nang makarating na ako sa restaurant, nagcheck uli ako sa tweets pero wala pa siyang sinabi. Kahit period lang di ba? Possible kaya niyang makita yun? Oh, ang dami nang retweets.

Lumabas na lang muna ako para makita si mommy. Late for 20 minutes na ako. Napahinto ako nang makita ko siyang nakatingin sa cellphone niya at ngumingiti.

At lumingon siya. Kaya nilapitan ko siya at hinalikan sa pisnge.

Clary: I'm sorry I'm late. For you.

Binigay ko ang bulaklak sa kanya at napangiti siya.

Mommy: Si Jean na naman ba ang bumili nito? Tama ako?

Clary: UHmm. Sorry po. The truth is.. I forgot..

Mommy: alam ko naman so I wasn't expecting.

Clary: Bakit po kayo nakangiti kanina sa phone niyo?

Mommy: I was looking at your dad's pictures. Mas namimiss ko siya sa mga araw na ito. Anyway, I'm hungry. Let's order.

Alam kong iniiwasan niyang pag usapan namin si Daddy. Kaya hindi na muna ako nagtanong. Kumain lang kami at nagkwento tungkol sa business.

Pagkatapos naming kumain..

Mommy: Can you go with me to visit your dad?

Clary: Ofcourse.

Napahawak ako sa braso niya at sabay naglakad palabas. Kotse ko na lang muna ang ginamit namin. Minsan lang kami pumupunta dito nang magkasabay.

Alam kong umiiyak pa rin siya, humihingi nang tawad. Minsan naiisip ko, paano kung ako siya. Kung mawawala rin si Kaye, kakayanin ko bang mag isa? Kakayanin ko pa kayang ngumiti kahit alam kong ang puso ko'y basag na.

Naupo lang kami at nanalangin muna.

Clary: Mom, happy anniversary.

Ngumiti siya at napasandal sa balikat ko.

Clary: Bakit pa po kayo nagcecelebrate ng wedding anniversary kahit wala na si daddy? Hindi po ba mas mahirap yun.?

Mommy: When someone isn't there, does it mean you stop loving that person? You can't just love him because he's there and stop when he's not. Ang pagmamahal ay sinusubukan kung kaya mo bang mahalin pa rin siya kahit akala mo wala na.

Clary: Paano niyo po kinakaya?

Mommy: Because I know he knows. Clary, I know you and Kaye are going through something right now. Mahal na mahal ka niya at gagawin niya ang lahat para lang makasama ka. She will come back.

Pinahiran ko ang mga luha ko at hinawakan ni mommy ang kamay ko.

Mommy: let your love be stronger than your fears, Clary.

Clary: Natatakot akong hindi na siya babalik pa.

Tinitigan ako ni mommy.

Mommy: She will. Trust me.

Niyakap niya ako nang mahigpit at naiyak lang kami doon. Nag usap tungkol sa kwento nila ni daddy, sa kwento namin ni Kaye, Kay Kuya at kaye Ellen.

Mommy: Nakausap ko lang ang Kuya mo. He's gonna be a dad.

Clary: talaga po?

Mommy: I'm gonna be a grandma.

Nawala ang ngiti ko nang maalala kami ni Kaye.

Isang Araw- The final chapter (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon