20. Kaye - Will you still love me tomorrow?

393 16 4
                                    

Nasa airport na ako, sa hometown ko. Maraming dahilan para umuwi ako, pero ngayon, iisa lang. Napalunok ako nang makita kong naglalakad papunta sa akin ang daddy ko.

Paano kung hindi ako payagan? Paano kung magagalit sila? James, tulungan mo ako.

Daddy: Sorry, medyo nalate ako. Yan lang ang mga gamit mo?

Isang bag lang. may mga damit at sapatos naman kasi ako sa bahay namin kaya hindi na kailangan. Napatingin ako sa sarili ko nang napadaan kami sa salamin. Mukha ba akong nagising lang, kinuha ang bag at sumakay ng eroplano?

Nakabrown shorts at stripes ang suot ko, white shoes. Wala man lang akong pasalubong kahit candy? Obvious bang may iba akong dahilan?

Gabi na rin ako nakarating at walang pasabi. Sobrang biglaan, pero hindi pa rin sila nabigla. Sa byahe ay tahimik lang akong nakaupo sa passenger's seat. Kahit ako ay naninibago sasarili ko. Yung ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam paano simulan.

Daddy: Natutulog na sila.. Pagod kasi ang mommy mo sa trabaho. Si Camila, kakauwi rin.

Tumango lang ako sa kanya at hindi pa rin nakapagsalita. Alam kong may alam sila. Kaya kahit hindi ako nagsabi na dapat kumpleto kami, ginawa pa rin nila.

Daddy: Alam mo bang namumutla ka?

Kaye: Po? Hindi po... Malamig lang ang hangin. Yun lang po.

Tumawa lang siya at napatingin uli sa dinadaanan niya. Napalingon ako sa side mirror at dahan dahan kong kinuha ang shades ko. Namumutla nga ba ako?. Parang nakakita ng multo. Nang makita ko ang langit, gabi na pala at nakashades pa ako. Kaya para hindi na ako tanungin pa, ako'y nagkunwaring natutulog na.

Nang makarating na kami, nagtago muna ako sa kwarto ko. Kahit ang cellphone ko ay hindi ko kayang tingnan muna dahil sa takot ko. Kung kakausapin ko ang pamilya ko, kailangan malinaw ang pag iisip ko.


Swerte ko na lang ngayon at natulog na sila agad. Bukas. May bukas pa Kaye. Kung magbabago ba ang sagot nila, ngayon pa lang gigisingin ko na silang lahat. Pero kapag ginawa ko yun, pagagalitan na talaga ako ng tuluyan.

Nakahiga lang ako sa kama nang nakatihaya. Kahit sobrang akong natatakot sa anong mangyayari bukas, hindi ko pa rin maiwasang maging masaya kapag naalala ko siya. Bigla kong naalala ang mukha ni Clary at napapangiti ako sa maraming dahilan.

Nang magising na ako, nakadapa na ako sa kama at muntik ko nang madaganan ang gitara ko. Napaupo ako at napahawak ang dalawang kamay ko sa ulo ko. Dumating na ang araw na hinihintay ko.

Hindi ko alam kung ilang beses na akong umikot sa kwarto ko nang marinig kong tinatawag ako nila. Nanginginig ang kamay kong binuksan ang pintuan at lumabas. Bago ako makarating sa living room, napahawak ako sa puso ko.

Kaye: Kaye, kaya mo ito. Para sa kinabukasan mo. Para sa kaligayan mo. Para sa yo. Para kay Clary.

Bulong ko sa sarili ko. Nang lumabas na ako, nakaupo sila doon at naghihintay, nagtatawanan, nagbibiruan.

Sa normal na araw, nakaupo ako sa tabi ni mommy, maingay, nagbibiruan kasama ng kapatid, tumatawa ng malakas. Pero ngayon, hindi ko alam paano maging ako sa harapan nila.

Mommy: Maupo ka na. anong ginagawa mo dyan sa likuran?

Tumayo ako sa harapan nilang lahat. Nakahawak ako sa singsing ko. Yung alam mong parang alam na nila, pero wala silang sinasabi sa yo kaya mas nakakatakot hulaan ang mga sagot nila.

Kaye: Dapat mamaya ko pa sasabihin pero...

Tumayo si mommy at hinawakan ang kamay ko.

Isang Araw- The final chapter (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon