Chapter 55

47.9K 1.2K 77
                                    

Chapter Fifty Five

"Rough to Love"

"Anong nangyayari dito?" bakas sa mukha ni Papa na nagulat siya't labis ang pag-aalala sa sitwasyon, pero sinikap niyang maging kalmado.

Si Moses ay hindi na nagdalawang isip na kumawala sa wheelchair ni Papa pagkatapos niyang magpaalam nito para mapuntahan ako sa itaas ng hagdanan.

He almost leaped through the stairs and in a swift moment, he was beside me. Nilapitan niya ako, hinihingal at bakas sa mukha ang pag-aalala sa akin. "Celeste, what happened here?" His wonderful worrying eyes searching for mine. "Are you okay? Are you hurt?"

Nicheck niya ako na parang isang body guard na nag-iinspeksyon sa aking katawan. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig nang tumingin ako muli kay Audrey at nakikita ko siyang hindi pa din kumikibo. Ashley and her mom was pushing her to wake her up. Si Tito Primo ay tumatawag na ng ambulansya. Napatingin na ang ibang bisita at lumapit sila sa pinto upang makita ang nangyayari. Nero was looking at Moses and me.

Hinawakan ko si Moses sa dalawa niyang pulsuhan upang huminto siya.

"Natulak ko si Audrey. Hindi ko naman sinadya. Nilapitan niya ako tapos bigla lamang niya akong sinigawan at hinila ang aking buhok. Hindi niya ako binibitawan kaya..." sabi ko, umiiling-iling at nguminginig na ang mga tuhod sa kaba. "Moses, si Audrey..."

"Hindi mo kasalanan." seryoso ang boses ni Moses at hinawakan niya ako sa magkabila kong pisngi.

Bahagya niya akong niyugyog upang tumigil na ako sa kaiiling. Tumigil din ako at huminto ang mga mata ko sa kanya. Bumaba ang kanyang mga kamay. He sighed inwardly. Pinikit niya ng sandali ang kanyang mga mata habang nakatungo. Pagkatapos ay hinawakan niya ang isang kamay ko ng mahigpit, our fingers interlocking. Tumalikod siya at nilingon ako. "Let's go down."

Nang nakababa kami ay tumayo si Tita Ana at nilapitan niya agad ako. Hinarangan siya ni Moses dahil matalim na ang tingin niya sa akin habang tinataas na niya ang isa niyang kamay.

"Let go, Moses! Pinoprotektahan mo pa talaga iyang mapahamak na babaeng iyan! I can't believe she's brainwashed you and your father!"

"Auntie, it's not her fault,"

"Are you saying kusang tumalon ang anak ko para mahulog sa hagdanan, Moses? My daughter is not crazy." tumingin siya sa akin at pinagdilatan ako. "Ikaw! Ikaw ang may kasalanan! If anything happens to my daughter, magbabayad ka! I tolerated Moses hurting her because of you, but I could never tolerate my daughter being hurt by you! You gold digger!"

"Mom..." napatayo na din si Ashley at nagtama ang aming mga mata. Nilapitan niya ang kanyang ina at hinawakan ito.

Sa sobrang lakas ng pagyugyog ni Tita Ana sa dalawang nakahawak sa kanya, nabitawan siya ni Moses at Ashley. Moses swiftly came around me to stop her from attacking me again, pero napahinto siya nang ako na mismo ang nakahawak sa kamay ng mommy ni Ashley nang sasampalin na sana niya ako.

There was a silence. Tita Ana gritted her teeth at me and tried to get her hand back, but I didn't let go just yet.

"Totoo po ang sinabi ni Moses. Hindi ko po kasalanan." I held my head high, kahit sa totoo ay nguminginig na ang mga binti ko na para bang konting tulak lang sa akin ay pakiramdam ko mahuhulog na ako. But I can't be weak. Ayoko nang ako lamang palagi ang pinoprotektahan, I am a strong person and I can handle myself.

Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon