Chapter 41

46.6K 1.2K 161
                                    

Chapter Forty One

"Powerful"

"Teka! Michael..." hinawakan ko ang siko ni Michael nang bubuksan na sana niya ang double doors patungong opisina.

Nilingon niya ako. "Oh ano? Wag kang mag alala. Di mo naman kailangang mag introduce-yourself pa kay Mr. President. Pres. Elcamel already knows about you kahit na nasa abroad pa siya ng ilang buwan, at hindi din yun palasalita. Magsasalita lang yun kung related sa negotiation." Ani Michael. "Saka tapos na silang magsign ng investment deal, last week pa. Si Pres. Elcamel na ang nagnegotiate sa kanila nung nagpunta siya ng Singapore, nandoon silang lahat since yun yung scheduled nilang meeting.

"Ang gagawin lang natin ngayon ay magdidiscuss tayo ng further details tungkol sa upcoming album mo at ang breakdown ng investment funds, pati na din sa darating mo pang projects. And the investors suggested to meet you in person."

May nagbara sa aking lalamunan at hindi ako kaagad nakahanap ng ibang masabi.

Kumalabog ang aking puso.

L-Lacriamendo.

No... It could just be a coincidence. Ilang tao naman ang pwedeng may pangalan na Moses at may apilyedo na Lacriamendo. Hindi ba? At dalawang taon pa ang nakalipas... paanong naging Lacriamendo siya? Hindi papayag ang mom niya na mabubura lamang ng ganoon kadali ang Gustav sa apilyedo niya..

Moses...

Muling nagbalik sa akin ang lahat. Ang lahat ng saya, ang lahat ng sakit na aking nadarama noong minahal ko ang taong iyon.

Two years was enough, at ang alam ko ay okay na sana ako. Pero bakit ganito? Bakit kumakalabog muli ang aking puso? Bakit bumalik ang kakaibang pagsikip nitong akala ko ay hindi ko na mararamdaman muli? I spent two years forgetting everything. How could one moment bring back everything so easily?

"Oh! Good day, Miss Celestine!"

Magsasalita na sana ako kay Michael nang biglang may higit sa apat na lalakeng nakasuot ng pormal na attire na pumasok na din mula sa unang double doors at pagkatapos nilang makipag-usap sandali sa secretary na naroon sa kanyang desk ay agad silang lumapit sa amin.

Dalawa ang nagstand-out sa kanila at napagtanto kong silang dalawa ay ang mga investors namin. Pareho na silang medyo may edad na. They were welcoming and were smiling at me, but I felt the aura of authority around them. A feeling I was so familiar with when I was around that certain someone.

"Mr. Gao! Mr. Renante! It's nice to meet you." Ngiti ni Michael sa kanila.

Tumango sila kay Michael. "You must be the manager. Nice to meet you Mr. Leonilla." Nagkamayan sila, at bumaling sila sa akin. "We've heard so much about your talent, Miss Celestine. In fact, my daughter is a big fan. I'm Mr. Gao."

"Ako naman si Mr. Renante. Pasok na tayo sa loob? Since Mr. Lacriamendo and President Elcamel is already inside. It's very nice to finally meet you Miss Celestine." Aning Mr. Renante, medyo mataba siya ng konti at nakikita kong may mapuputi na siyang mga buhok sa gilid ng kanyang noo. Ngumiti ako sa kanila at nakipagkamayan na din.

Act your best. Walang magagawa sa iyo ang pagiging mahiyain, Celeste. Being an artist is more than just skill, you have to master the art of socializing, negotiating, and building business. Yan ang laging payo sa akin Michael.

"It's very nice to meet you as well, Mr. Renante, Mr. Gao." I gave them the best smile I could give. Pero hindi kayang magsinungaling ang aking katawan sa aking sarili. Deep down I know I felt nervous.

Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon