Chapter 18

51.9K 1.3K 163
                                    

Chapter Eighteen

"Pasalubong"

Nagpatuloy ang gabi at lalong nagkakasiyahan ang mga tao sa party. Habang tahimik akong nakaupo sa may cottage ay napatingin ako sa aking relo. Bandang alas nuebe na..

Tumayo ako't bumaba mula sa cottage upang hanapin si West, nandoon sila sa may billiard table sa loob ng bahay ni Grehan. Sumama na ako sa kanila doon kanina, pero bumalik ako sa cottage upang magpapahangin kaya ngayon at bumabalik na ulit ako doon sa loob.

"Celeste!" Papasok na sana ako sa loob ng malaking bahay nang sinalubong ako ni West. "There you are.."

"West.."

"Are you okay? Bigla ka kasing nawala. Want a drink?"

Nanatiling nakaawang ang aking bibig. Kunsabagay ay nauuhaw naman ako ng konti. Sa huli ay tumango na lamang ako.

"Sige.. Um.. Saan ba tayo makakuha ng tubig dito?"

Ngumiti si West "Ako na bahala. Wait for me by the porch past the billiard room. Okay?"

Naghintay lamang si West na tumango ako at naglakad na siya palayo. Huminga na lamang ako ng malalim at pumasok na ako ng bahay.

Dumaan ako sa ibang mga bisitang hindi ko naman mga kakilala. These must all be Grehan and his friends' connections. Iba talaga kapag party ng mga mayayaman.

"Yo Celeste!" Nang nadaanan ko na ang billiard room ay nadatnan ko sina Dishon na naglalaro pa din ng billiards.

Moses leaned towards the billiard table and hit the cue ball, agad na pumasok sa loob ng isang hole ang isang bola. The other balls traveled, at pumasok na rin ang dalawa pang mga bola nito.

"Fvck man! How do you do that?" Aning isang lalake kay Moses na hindi ko kilala. Marami ang nanonood at ilan ay mga babaeng kumikinang na ang mga mata dahil sa pagkamangha kay Moses.

Moses stood up straight, nakahawak pa din sa kanyang billiard stick at nang nakita niya ako ay nanatili ang kanyang mga mata sa akin.

"West was looking for you. Nagkita ba kayo?" Tanong ni Grehan sa akin.

Tumango ako. "Oo, babalik lang daw siya. Kumuha pa muna siya ng maiinom.."

"Hm." tumango din si Grehan sa akin at nakahawak din siya ng billiard stick. Siguro ay siya ang kalaban ngayon ni Moses sa laro.

"It's already late. Kung gusto mo ng umuwi Celeste, it's alright. You don't need to force yourself to party all night." ngiti ni Grehan.

"Moses, ang galing mo!" Nagtilian ang mga babae nang nakapasok na naman si Moses ng bola.

Moses looked at me, at nagtaas siya ng kilay na para bang naghihintay na din siya sa aking isasagot sa tanong ni Grehan.

"Okay lang, Grehan. Sabado naman bukas at walang klase.."

"Ah right!" Biglang nagsalita ulit si Dishon. "Before I forget to tell you, Celeste. Are you in for one last party?"

Napatingin ako kay Dishon. Party? Na naman?

"My birthday's next week. I'll be celebrating it at my hotel. It would be a pleasure to have you there too." Ani Dishon sa akin.

Ang dami ko nang mga birthday party na napuntahan ngayong taon kung gano'n. At hindi ba ay masyado nang nakakahiya? Bakit naman nila ako iiinvite? Napalunok ako.

"Sige, titingnan ko.." Sa huli ay tumango ako kay Dishon.

"I like that." Dishon chuckled. "Party girl ka pala Celeste.."

Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon