Chapter 2

65.1K 1.4K 56
                                    

Chapter Two

"Pamilyar"

"Brett?" Ilang araw ang lumipas at sa sandaling lumitaw ang pangalan ni Brett sa aking maliit at murang cellphone ay sobrang lumapad kaagad ang aking ngiti sa mukha.

"Morning, baby." bati niya sa akin mula sa kanilang linya.

Wala akong ibang magawa kundi mapangiti. Umagang umaga pa para tumawag siya, ngayon at abalang abala pa ako para sa paghanda ng agahan para sa kanilang Julia.

"Good morning, Brett." bati ko naman. It felt so nice to hear his voice after so many weeks of being apart. Apat na taon na kaming LDR magmula nung gumraduate siya ng highschool at tumungtung na ng college. He's a year older than me, at naging kami lamang noong fourth year highschool siya at ako naman ay third year.

He's 20 now and is in his fourth year in college as a pol-sci student. Samantalang ako naman ay nasa 3rd year college na din sana, if only pinayagan ako nina tatay na magpatuloy ako sa aking pag-aaral ay tumuloy na sana ako sa pangarap kong maging teacher. I wanted to take up the course of education ever since I was a child. I'd dreamed to be majoring in English, since it has always been my favorite subject. Simple lang ang pangarap ko, basta't makatulong ako sa aking pamilya na umangat ay sapat na sa akin ang lahat.

"Kumusta ka na?" Tanong ko. It makes me happy to hear his voice, lalo na kung ganito kaaga, gumaganda kaagad ang araw ko.

We've been in LDR for quite some time but every summer break, we see each other. Binibisita niya ako at sa lahat ng pinapayagan nina tatay na gawin ko, they never hesitate for me to go out and have a date with Brett. Alam ni Tatay na mayaman sina Brett. His Dad is a well-known lawyer in our town.

We met in highschool but we were not classmates, nor were we schoolmates at all. Magkaiba kami ng eskwelahan. He was in a private, all-boys school. Samantalang ako ay nag-aaral sa pampublikong paaralan lamang. How did we meet? Magkalapit lang ang school namin, at lagi siyang tumatakas mula sa sundo niya nung highschool dahil mas gusto niyang magcommute, he lived an overly sheltered life because of his dad's job. Pero rebelde siya, sa paraan na gusto niya lang talagang maging normal ang buhay niya, kahit sa hayskul lang.

We ended up meeting in a bus terminal one day, and since then, laging coincidence na magkasabay kami sa bus. Hindi kami nag-uusap kasi wala naman sa isip ko ang makipagclose sa kanya. He was the first to initiate a conversation with me, at magmula nun ay mas napapadalas na siya sa bus terminal, ibig sabihin mas tumatakas na siya mula sa kanyang sundo dun sa school niya. In the end, he started courting me. Tahimik lamang si Brett, matalino, matipuno, may charisma, pero inosente siya sa mga mahirap na sitwasyon sa buhay, kasi buong buhay niya ay nakukuha naman niya ang lahat niyang gusto dahil mayaman sila. But aside from that, we think the same, pareho kami ng mga prinsipyo, he works hard and he takes studies seriously. Maybe that's what made me fall for him, kahit nung una ay ayaw ko sanang pumasok sa isang relayon. He made me feel that I'm not alone, he made me feel welcome, he made me feel happy through each simple thing. Scratch his riches, I fell in love with the person he is.

"I'm alright. Got a lot of schoolwork piling up." Ani Brett. Malalim at sobrang nakakamiss ang kanyang boses. I am never showy about my feelings to him, but he never fails to attract me and make me smile.

"Graduating ka na kasi, expected na yan." sabi ko at inipit ko ang aking cellphone sa gitna ng aking tenga at balikat upang magslice na ako ng bawang at sibuyas.

"Hm.." Kahit di ko nakikita ay naiimagine ko nang tumatango siya sa kanyang higaan. "I miss you."

Napakagat ako sa aking labi nang di ko maiwasang mapangiti sa kanyang sinabi.

Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon