Chapter 30

55.1K 1.5K 225
                                    

Sensya sa delayed updates. Sobrang hectic kasi ng sched these days. Thank you for waiting!

--------------------------------

Chapter Thirty

"Fight"

Hawak ni Moses ng mahigpit ang aking kamay habang kami ay papalabas na ng elevator. Tahimik lamang kaming dalawa nang dumeretso narin kaming lumabas ng building.

His shirt was still wet, hawak sa kanyang kabilang kamay ang nabasa na ding polo niya. Umuulan pa din sa labas at buti't binigyan kaagad si Moses ng guard ng kanilang building ng isang payong. Binitawan ni Moses ang aking kamay upang mabuksan niya ang payong ng maayos.

Moses held the umbrella as we stepped down from the wide stairs of the building's front entrance. Kinagat ko ang aking labi habang naramdaman ko ang matigas niyang braso sa aking likod. Sobrang lapit niya sa akin at tila naghaharumentado na ang aking puso. Ang balikat ko ay lumalapat na sa gilid ng kanyang matigas na dibdib.

Pagdating namin sa kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan ay binuksan ni Moses ang pinto ng front seat para sa akin, tila walang patak ng ulan ang dumampi sa akin dahil hanggang sa pagpasok ko sa kanyang kotse ay hindi inaalis ni Moses ang payong sa itaas ko. Bago niya sinara ang pinto ay malalim at puno ng ekspresyon siyang nakatitig sa akin. My heart seemed to have lost a beat upon seeing the longing and hope in his eyes. He bit his lip with a little happy smile on his face and shut the door on my side.

Kumabog at sumikip ang aking dibdib habang sinusundan ko ng tingin si Moses. I still remembered the way his lips brushed mine, the way his tongue explored my mouth as if it was his territory.

Lumunok ako at kinagat ko ang aking labi. What have we just gotten ourselves into?

Tahimik at seryoso siyang umikot upang makapasok na din sa driver's seat. Pagpasok niya ay deretso lamang niyang hinubad ang kanyang basang t-shirt at nagbihis siya sa kanyang extra shirt na kinuha niya mula sa likod.

Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at tumikhim. Hindi nagtagal ay pinaandar na ni Moses ang sasakyan.

"Seat belt.." ani Moses sa isang napapaos na boses. Lumapit siya sa akin at kumabog ang aking puso.

I have never felt like this before. This nervous, this happy, this scared.

Naaamoy ko ang kanyang bango at sumandal na lamang ako lalo sa upuan ko dulot sa sobrang kaba na malapit siya sa akin.

Dahil sa aking pag-atras ay tumingin si Moses sa akin. Again, his eyes were hypnotic and enticing, as if they're pulling you down into a deep sea of emotion.

"Are you nervous?" Tanong ni Moses.

Kumabog ang aking puso at naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. "Um.."

Hinawakan ni Moses ang aking kamay at ngumiti siya ng maliit bago bumalik sa kanyang pwesto at tumulak na kami.

He was holding my hand tight. Isang kamay lang ang kanyang ginamit habang nagmamaneho.

Totoo ba talagang nangyayari ito?

Me.. and Moses.

Just the thought of it makes me feel as if I'm dreaming, as if gigising lamang ako kinabukasan na hindi pala totoong nangyayari ang lahat ng ito ngayon.

I'm holding hands with the man who's carrying my father's name. Our lips brushed against each other tonight as if there were no boundaries. But there still are... and I am falling for Moses Gustav.

Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon