Chapter 1

94.4K 1.6K 51
                                    

Chapter One

"Moses"

"Mr. Gustav! Mr. Gustav!" Naaalala ko pa ang mga panahon yon. Sumisigaw ako ng sobrang malakas. It was night time, umuulan pero kagaya ko ay matiyagang nakaabang ang mga reporters sa labas ng Le Teves Hotel habang papalabas na ang mga importanteng tao galing sa party sa loob ng hotel.

Nang nakita ko ang pamilya Gustav na naglalakad pababa sa malawak na hagdan sa labas ng hotel ay agad kumalabog ang aking puso.

I was twelve years old back when I was in that scene. Bata pa ako noon, inosente, at higit sa lahat, umaasa.

That was the first time I saw my father. I remember it vividly. He was a tall man, handsome and around him was an aura of power and wealth. Halos hindi ako makakapaniwala na siya ang aking totoong ama.

"Mr. Gustav!" Sumigaw ako ulit at sumali na ako sa isang batalyong nga reporter at photographer na pumapalibot sa kanya.

Nang nakalapit ako ay mas malinaw ko nang nakikita ang mukha ni Mr. Gustav. Silverio Gustav-- that's my father's name.

Sa kanyang tabi ay may makinis at mestizang babae na nakatayo, she was wearing an elegant floor-length gown. Sobrang ganda niya. So that must be his wife.

And then I saw two kids beside Mr. Gustav and his wife. Dalawang batang lalake. Isang matangkad na lalakeng nakasuot ng tux, he looked very much older than me. Parang senior highschool na yata.

Nakahawak naman sa kamay ng asawa ni Mr. Gustav ay isa ring binata. He was also wearing a tux. Matangkad rin siya pero mas matangkad pa yung mukhang panganay. Kumpara sa akin ay sigurado akong mas matanda pa din siya ng konti. He must be the younger son.

Napalunok ako at bumaling ako kay Mr. Gustav.

"Mr. Gustav!" Sigaw ko ulit at tinutulak tulak ko na ang ibang mga reporters upang mapansin na talaga ako.

"Ano ba naman itong batang ito!" Naririnig ko ang mga reklamo ng mga taong binabangga ko.

"Excuse me po, sorry po.."sabi ko naman habang patuloy na lumalapit sa kanila. Nang nakalapit na ako ay sumigaw na ulit ako.

Humugot ako ng malalim na hininga.

"Papa!" Malakas kong sinabi.

Sa isang iglap ay natigilan ang lahat. Napatingin ang lahat sa akin, ang mga reporter, ang pamilya ni Mr. Gustav, at higit sa lahat, si Mr. Gustav mismo.

Halos maging estatyuwa ako sa aking kinatatayuan nang nagtama ang aming mga mata sa lalakeng matagal ko ng hinahanap. For the first time in my life, nagkakaharapan na kami ng totoo kong ama.

"Papa?" Nagbulung-bulungan na ang mga tao sa paligid pero nanginginig na ang aking mga labi habang ngumingiti sa aking ama.

"Excuse me, what did you just call my husband?" Tanong ng magandang asawa ni Mr. Gustav at humarap siya sa akin. Sa isang iglap ay nagflash na ang mga camera sa paligid. Nagulat ako kung bakit pati ako ay pinipicturan na din.

Nagkatinginan kami sa dalawang mga anak ni Mr. Gustav. The eldest looked calm but curious. Samantalang ang bunso naman ay nakakunot ang noo sa akin.

They were both handsome. The eldest son looked like Mr. Gustav but the younger one looked different. Kinabahan ako habang nakatingin sa kanilang dalawa, they are my half brothers.

Bumaling ako kay Mr. Gustav at lumunok ako.

"A-Ako po si Celestina Frances Torrefranca.." Nauutal ko nang sinabi.

Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon