Chapter 10

57.4K 1.4K 162
                                    

BABALA: MEDYO SPG
-----------------------

Chapter Ten

"Fairytale"

Umiling ako kay West at umalis ako sa harapan niya. I wanted time alone. I need to call Brett back!

Habang naglalakad sa gitna ng mga tao ay nagtitipa na ako sa aking cellphone upang magtext na kay Brett kung ano ba ang ibig sabihin ng sinabi niyang 'yon? Ano na ba ang nangyayari?

Paulit-ulit akong nagdial sa number ni Brett sa aking cellphone pero ni isang sagot ay wala akong natanggap.

"Celeste? Anong nangyari sa'yo?" bakit ka umiiyak?" Nilapitan narin ako ni May.

Umiling lamang ako at pinunasan ko ang aking luha. What's happening? Napaisip tuloy ako kung kailan pa ba ako huling umiyak? I have never cried in so long, kahit sa sobrang hirap ng buhay ko ay hindi ako kailanman umiyak dahil dito, tuwing pinapagalitan ako ni nanay o ni tatay, kahit masakit ay pakiramdam ko namanhid na ako. But what is this? Brett is breaking up with me?

Hindi ko na alam kung saan ako pumunta. Sa huli ay nahanap ko na lamang ang aking sarili na lumabas ng building. Sinalubong ako sa malamig na hangin ng Manila. Suminghot ako at pinunasan ko ang aking luha bago umupo sa gilid ng building.

Tumingin na lamang ako sa kawalan. Hindi ko naiintindihan. Bakit ito nangyari? Bakit gustong makipaghiwalay sa akin si Brett? What did I do wrong? May nahanap na ba siyang bago doon? Hindi na ba niya ako mahal? Kumirot ng husto ang aking puso. Ilang taon nang naging kami, basta-basta na lang ba niyang itapon 'yon lahat?

"Celeste!" Lumabas narin si West at nahihingal siyang tumingin sa akin, as if he almost searched the entire building just to find me here outside.

Parang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang malamig na boses ni Brett kanina.

"Anong... nangyari? Why are you crying?" Matigas ang pagbigkas niya ng ingles habang nakatitig na sa akin.

Umiling ako at hindi ako nakatingin sa kanya. "Nakikipaghiwalay sa akin ang boyfriend ko.."

Saglit na natigilan si West sa aking sinabi.

"Boyfriend?"

Kumirot ang aking puso sa bawat sagling iniisip kong wala na kami ni Brett, na sa lahat ng taong naging masaya kami sa isa't isa ay magiging isang panaginip na lamang.

"Nakipaghiwalay?" Kumunot na ang noo ni West at tumabi siya sa akin. "Bakit siya ang nakipaghiwalay? Isn't he the guy? That fvckin' jerk!"

Hindi ako umimik. Hindi ko lubos kilala itong si West, nor does he also know a lot about me. At ngayon na nakasaksi pa siya sa eksena kong ito ay nakakahiya na tuloy.

"Bumalik ka na doon sa loob, West." umiwas ako ng tingin upang magpunas ng luha. "Magpapahangin lamang ako rito, kailangan ko naring bumalik kaagad sa trabaho--"

"Where is he now?" Tanong ni West.

Nagkatinginan kami at nakita ko ang seryoso at mukhang nagagalit na ekspresyon ng kanyang mga mata, naghahalo rin nito ang simpatya, ang pagtataka. I did not know what he was actually expressing.

"He's in Quezon.." Mahina kong sagot. "Nag-aaral kasi siya sa UP.."

"LDR?" Ani West. "Is that why he wants to break up?"

Natahimik ako. Pero napaisip akong okay lang naman kami sa aming LDR mula pa noon nagsimula kami nito. There could be another reason. Umiling na lamang ako bilang sagot.

Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon