Chapter 35

50.4K 1.1K 102
                                    

Some of the following places mentioned from here on are fictional and any resemblance from real places are entirely coincidental.
---------------------------------

Chapter Thirty Five

"Selfish"

"What in the world is going on here?" lumapit sa amin ang isang may edad na lalake. Ang music ay tuluyang tumigil at lahat ng atensyon ay pumaroon na sa aming direksyon.

"Tito.." Ani Dishon.

"Dad.." lumapit ang groom at hawak ng kanyang kamay ang kanyang bride na si Athalia.

"Aren't you Silverio's youngest son?" tanong ng ama ng groom kay Moses. "Goodness, and aren't you Atty. Dilleva son?" baling niya kay West. "For Pete's sake malalaki na kayo. This is my son's wedding reception, and you decide to play some immature fist fight!"

"Dad, come on. Your temper." Mariin na sinabi ng groom sa kanyang ama. Bumaling siya kay Mose. "Moses, are you okay? Dishon what happened here?"

Umiling lamang si Dishon at hindi siya nagsalita. Lumapit siya kay Moses at hinawakan ito sa balikat.

Galit pa din na nakatingin si West kay Moses, pero hawak na siya nina Leighton at Grehan at hindi na siya makahakbang palapit.

"Dish, dalhin mo muna si Moses sa kanyang suite at para magamutan yan." Aning groom.

"Wag kang duwag, Gustav! Sabihin mo sa kanila! You crazy bastard! Hindi ka ba nag-iisip? Celeste.." sigaw pa ni West. Tumingin siya sa akin.

"And you. If you don't stop this and calm down, whatever is going on, I'll have to request you to leave." Mariin na sinabi ng groom kay West.

Si West ay dumudugo na din ang mukha, mas malala pa kaysa kay Moses. Niyugyog ni Moses ang kanyang balikat mula sa kamay ni Dishon.

Hinawakan ni Moses ang aking kamay at tila sobrang tuyo na ng aking lalamunan at hindi na ako nakapagsalita nang hinila na niya ako palayo doon.

"Celeste.." nang narinig kong tinawag ako ni Katia ay napahinto ako.

Huminto din si Moses at nilingon niya ako. Nagtama ang aming mga mata. Nilingon ko si Katia. All of their eyes were focused on Moses and me. Umiling si Katia sa akin, at malinaw sa akin kung ano ang ibig niyang sabihin... Pero hindi ko kaya. Ayokong kainin ko ang lahat na sinabi ko kay Moses. Makasarili na kung makasarili. Pero mahal na mahal ko ang lalakeng hindi pwede sa akin. Hindi ko kayang iwan si Moses Gustav. Susugal ako para sa amin.

Umiling ako kay Katia, at kumirot ang aking dibdib nang tinalikuran ko sila. Moses looked at me, his intense eyes were focused on mine, nakakunot ang kanyang noo at seryoso ang kanyang mukha na tila hindi niya inasahan ang aking ginawang pagtanggol sa amin. Binigyan ko siya ng kaunting ngiti na makakaya ko, lumuluha na ang aking mga mata habang nakatingin sa kanyang mga mata. Halu-halo na ang aking emosyon pero ang tanging alam ko lang ay sigurado ako sa aking desisyon. Sigurado ako sa kung anong meron naming dalawa ni Moses.

Pinisil niya ang aking kamay ay hinila na niya ako muli. Nang umalis na kami ay dumeretso na sana kami sa may elevator pero may pumasok na nito na isang lalake na may hinihilang babae na mukha yatang lasing.

"Moses--"

"We can climb the stairs... It's okay, Celeste." Narinig ko ang pagod sa kanyang boses.

Unang umakyat si Moses pero agad ko siyang hinawakan upang matulungan ko siyang makaakyat ng maayos.

Huminto si Moses at tumingin siya sa akin. His face was so close to mine, namumungay ang kanyang mga mata. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang dalawang balikat.
"A-Ayokong mahulog ka.. Ayokong nasasaktan ka, Moses." Sabi ko.

Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon