Chapter 38

40.2K 1K 115
                                    

Chapter Thirty Eight

"Promise"


Naging tahimik ang buong biyahe namin papuntang Manila. Pagdating namin doon ay agad na sinalubong kami ng secretary ni Moses at ilang mga lalakeng nakasuot ng kulay itim na suit.


"Sir..." Aning secretary.


"Tell them to get our things." Seryosong sinabi ni Moses. 


Hinawakan niya ang aking kamay at sumikip ang aking dibdib. "I'll take you home." 


Sumakay kami sa isa sa mga sasakyan ni Moses na ginagamit niya sa kanyang trabaho. May driver siya at pareho kaming nakaupo sa backseat. Tumingin ako sa labas ng bintana at huminga ng malalim, dahilan sa lalong pagkirot ng aking dibdib.


Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa bahay ni Moses. Sinalubong kami kaagad ni Aling Trinidad.


"Ah.." nang nakita kami ni Aling Trinidad na lumabas mula sa sasakyan ay parang hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Alam na siguro niya... Alam na niya ang tungkol sa amin ni Moses.


Hawak ni Moses sa isang kamay ang ilan sa aming mga bag, nilapitan kami ng driver at nilahad niya kay Moses ang natitirang mga bag na nakalagay sa trunk ng kotse. Hinawakan sana ni Moses ang aking kamay pero nang nakita ko ang aking mga bag ay agad ko itong kinuha. Nanatili ang kamay ni Moses na nakalahad sa hangin. Sa gilid ng aking mga mata ay alam kong nakatitig siya sa akin. Pero hindi ko na siya kayang tingnan.


Si Aling Trinidad ay tahimik na lamang na sumunod sa amin sa loob. Dumeretso ako sa aking kwarto habang tumunog ang cellphone ni Moses at may tumatawag sa kanya. 


Nang pumasok ako sa aking kwarto ay pakiramdam koy wala na akong lakas. Mahina akong naglakad patungo sa aking kama at nang umupo ako nito ay hinawakan ko ang aking noo at tinakpan ko ang aking mukha. Bumuntong hininga ako.


Bakit ba kailangang ganito? Bakit ba kailangang naging apilyedo ni Moses ang apilyedo ng aking ama? Bakit ba sa lahat ng pwede kong mahalin, ay hulog na hulog na ako sa kanya?


Bakit ba ay hindi kami pwede? Na kailangan pa naming lumayo, na kailangan pang masagasaan ang mga tao sa aming paligid nang dahil lang sa aming dalawa?


Ngayon ay inatake ang daddy ni Moses, ang papa ko. Galit ang mommy ni Moses sa akin, sa amin. Si Audrey ay alam kong hindi niya ito palalampasin. Alam na rin ba ni Ashley ang tungkol sa pagtakas ni Moses nang kasama ako? Si Nero? Sina West? Sina Katia?


Ilang araw kaming nawala pero marami na ang nangyari. Kung sana'y sinabi ni Moses sa akin ang totoo... 


"Run away with me."


Naalala ko na naman ang gabing 'yon at napagtanto ko na kung ano ang ibig sabihin niya roon. Kaya ba ay umuwi siya  ng ganoon dahil malapit na ang kasal nila ni Audrey? 


Biglang may kumatok sa pinto. "Celeste..."


Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon