Chapter 17

53.2K 1.3K 125
                                    

Chapter Seventeen

"Nanliligaw"

"May assignment tayo Celeste? Pa-copy naman oh.." Lumipas ang dalawang linggo at naging normal na ang daloy ng mga klase.

Natawa na lamang ako kay JM. "Heto.. Tingnan mo lang muna at baka mali naman ang mga naisagot ko.."

"Okay lang ano ka ba. Thank you! Ganda mo talaga, seatmate." Ani JM.

Ayun at hinayaan ko na si JM na halungkatin niya ang mga papel ko.

Huminga ako ng malalim at napaisip ako na buti lang talaga at kahit ilang taon akong hindi nakapag-aral ay hindi naman ako nahirapang makapag-catch sa iba't ibang mga subject. Madalas kasi ay nagbabasa ako ng mga libro o textbook sa bahay na hinihiram ko mula kay Julia kapag may bakante akong oras. Huminga ako ng malalim nang naalala ko ulit sila..

Malawak ang aking free time tuwing Huwebes kaya ay halos buong maghapon ay nagtambay na lamang ako sa maliit na library ng college at nagbasa ng iba't ibang mga libro.

"Uy Celeste, tara bili tayo ng tempura sa labas.." bulong ni Katia sa akin habang siya ay nag-aaral din sa aking tabi.

Napatingin ako sa kanya at nakita kong gusto niya nga talagang kumain ng sinasabi niyang street food.

"Sige.." Natawa ako dahil sa pag pout ni Katia, mukhang gutom na talaga siya. Tumango ako. "Magligpit muna tayo ng mga gamit natin. Magkaklase tayo ngayon sa next subject hindi ba?"

Pagkatapos naming umalis ng library ay agad narin kaming dumeretso sa labas ng gate ng eskwelahan upang salubungin na kami ng iba't ibang mga tinitindang streetfood.

Bumili si Katia at ako din ay bumili na lang din ng konti.

"Sobra ngang nakaka-OP eh. Noon ay kami lamang ni Enzo ang magkasama, ngayon ay parang sinasamba na niya si May at lagi na siyang bumubuntot nito. Si May naman ay masaya dahil sa kaibigan nating yun. Naku! Ewan ko na talaga sa kanila." Ani Katia.

Pumasok na ulit kami sa eskwelahan habang parehong kumakain at nakahawak ng tig-isang stick ng fish tempura.

Hindi nagtagal ay pumasok narin kami ng klase. Magkaklase kami ni Katia sa chemistry since irregular siya't hindi pa niya kinuha ang subject na 'yon dahil sa madalas na pag-ooff sem niya.

"Okay class. We're having an exam."

Pagpasok ng aming prof ay agad nagkagulo ang lahat dahil sa bigla niyang pagbigay ng exam. Sobra na naman na nagreklamo si Katia sa aking tabi. Buti na lang din at nakapagreview ako ng konti tungkol sa chem kagabi.

"Kainis talaga ng prof na yun! Sus, kung magaling lang ako sa chemistry eh, kaso hindi. Wala man lang siyang konsiderasyon. Naku!" Ani Katia paglabas namin ng classroom.

"Okay lang 'yan Kat, babawi rin tayo kapag major exam na." tahan ko sa kaibigan na panay pa din ang pagsimangot.

Hinawakan na lang ako ni Katia sa braso at bumuntong hininga siya habang sabay kaming naglalakad sa hallway.

"San ka ngayon? Wala ka ng next class, hindi ba?" Tanong ni Katia.

Umiling ako. "Wala na.. Uuwi na rin siguro ako."

"Hm.." tumango tango si Katia. "Ah! Kumusta ka na pala doon sa bago mong tirahan? Kayo ni.. Moses?"

Natigilan ako sa sandaling narinig ko ang pangalan na 'yon.

Kagaya ng sinabi ko ay tuwing weekend lamang umuuwi si Moses sa kanyang bahay, the rest of the days he spends in his condo near the Metro. But last weekend ay hindi umuwi si Moses.

Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon