Chapter 34

47.9K 1.1K 73
                                    

Chapter Thirty Four

"Kapatid"

"Moses.." Hinawakan ko ang above-the-knee kong suot na bestida upang hindi ito masyadong maikli tingnan habang ako'y naglalakad sa buhangin.

Maraming tao ang dumalo sa kasal ng kaibigan ni Moses na sina Eleven at Athalia, at preskong presko ang hangin mula sa katabing dagat ng resort kung saan ginaganap ngayon ang kanilang engrandeng kasal.

Beach wedding... Ang ganda pala ng kasal na kagaya nito. Simple lamang pero elegante at tiyak na hindi makakalimutan.

"Baka hinahanap ka na doon..." sabi ko sa kanya, tinutukoy ko ang mga kaibigan niya't mga groomsmen ng kasal kagaya niya.

"Hm.." hawak lamang ni Moses ang aking kamay habang kami'y naglalakad sa gitna ng maraming bisita na papunta na din sa venue.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya na ngayon ay nakasuot ng pormal na tux. Nagpagupit na din siya ng buhok at lalong nagmukhang immortal dahil sa kaperpektuhan niya sa bawat galaw at angulo. Ni hindi niya napapansin ang mga babaeng sinusundan na siya ng tingin magmula pa kanina.

Samantalang ako naman ay nasuot ng isang bestida na kulay puti, sleeveless at may mga maliliit na pearls pa na naka embroider sa may chest area at egdes ng palda. Nakasuot din ako ng manipis na kulay puti na shawl. Hindi ako kailanman nakapagsuot ng ganito ka sopistikadong damit. Nakapusod lamang ako at may maliit na hair clip na may crystals sa gilid ng aking tenga. Moses bought my entire outfit, and wouldn't let me wear another one dahil bagay na bagay raw sa akin ang kanyang binili. Ni hindi siya tumitigil sa pagtitig at pagngiti sa akin kanina nung natapos na kong mag ayos.

Ilang araw na ang nakalipas at kahapon pa kami nakarating dito sa Bauang. Ang mga kasali sa kasal ay nag-overnight sa bahay ng Lola ng bride na si Athalia doon sa San Fernando, samantalang ang iba, at pati rin kami ni Moses, ay nag check-in na lamang dito sa resort kung saan magaganap nga ang kasal.

Kaninang umaga ay nanatili lamang ako sa aming suite ni Moses samantalang siya ay maagang umalis dahil kinailangan niyang pumunta sa bahay ng Lola ni Athalia at para makapag ready na din kasama ang ibang mga groomsmen at bride's maids. Gusto niya sanang sumama ako pero nagpasya akong doon lang muna ako sa suite at gusto ko rin naman munang magpahinga. Isa pa, hindi naman ako kilala ng mga kakilala niya roon. Ano naman ang sasabihin ko kung magtatanong sila kung sino ako? Anong sasabihin ni Moses sa kanila kapag tatanungin siya tungkol sa akin?

Huminto kami sa isa sa mga upuan na pinakamalapit sa unahan.

Sa may maliit na entablado sa harap ay marami na ang abalang naghahanda para sa pagsisimula ng kasal. May ilan pang naglalagay ng finishing touches sa mga decorations.

Nilingon kami ni Dishon na nakasuot din ng isang tux at nag-uusap doon kasama ang groom at ang ilang mga groomsmen. Tumango siya sa amin at ganoon din si Moses sa kanyang kaibigan.

"Moses." may biglang lumapit sa amin na isang matangkad at mukhang modelong lalake na nakasuot din ng isang eleganteng tux. Halos magkasingtangkad sila ni Moses, pero mas matangkad siya, at mukha ring may halong ibang lahi ang kanyng features sa mukha.

"Rance." Nilingon siya ni Moses.

"Have you seen Brooks?" tanong ng lalakeng nagngangalang Rance.

Kumunot ang noo ni Moses at umiling siya. "Hindi ko siya nakita. But she's one of the bride's maids. She'll just be around."

"Rance! Moses!" biglang may lumapit narin na isang babae.

"Rickz!" Ngiti ni Moses.

"Magsisimula na! Ano pa bang ginagawa ninyong dalawa rito?"

Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon