Chapter 53

39.2K 1K 48
                                    

2 chaps left na lang for RTL guys! See you in TRBTD :) Buhay na naman ni Dishon guguluhin ko.

Chapter Fifty Three

"What You Wanted"

Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse habang tahimik na nagmamaneho si Moses sa aking tabi. Today is the day.

Hindi nagtagal ay nagpark na si Moses sa kanyang kotse sa tapat ng isang lumang apartment building. 'Pagbaba namin ng sasakyan ay napatingala lamang ako sa gusali. Bumalot sa akin ang kakaibang kaba habang iniisip kung ano kaya ang pakiramdam kapag makikita ko na ulit sila.

Hinawakan ni Moses ang aking kamay at pumasok na kami ng gusali. Kinausap namin ang receptionist nito at pinayagan kaming umakyat sa itaas. Nagulat pa ang receptionist dahil nakilala niya ako, pero hindi ko na inisip iyon. Moses led the way, at nang huminto siya sa tapat ng pinto ng isa sa mga apartment unit ay kumalabog muli ang aking puso. 

Nilingon niya ako. "Hey... I'm with you." binigyan niya ako ng ngiti na nakapagpagaan kaagad sa aking loob. Ngumiti na din ako at tumango. He's right. Everything will be fine.

Kumatok si Moses sa pinto. Nang bumukas ito ay nakita ko kaagad ang pamilyar na mukha ng isang babaeng mula pa noon ay tinuring ko na bilang totoong kapatid. Nang nagtama ang mga mata namin ni Julia ay halos natunaw na ang aking puso.

"A-Ate..." Julia looked more mature after two years, 'di na rin siya gaano kapayat 'gaya noong dati. Lalo siyang gumanda. Nahirapan akong ngumiti dahil sa sobrang saya. I didn't know I missed her this much. 

"Julia." unti-unti akong ngumiti at nilapitan ko na siya para yakapin. Si Julia ay hindi nakagalaw sa knayng kinatatayuan. It took her a while to hug me back. She started to cry. 

"Celeste?" dumating si Nanay at nakabihis siya ng pormal na damit. Silang dalawa ni Julia ang nakabihis ng pormal. It's because they already knew we were coming, kinontak sila ni Moses gaya ng pinangako niya sa akin.

"Nay." kumalas si Julia mula sa akin upang makaharap ko si Nanay. Agad ko na ding niyakap si Nanay at nabigla siya dahil sa aking ginawa.

"C-Celeste..." nautal si Nanay, pero unti-unti din siyang yumakap sa'kin pabalik.

"Namiss ko po kayo... Sobra." napapaos ang aking boses. Kumalas si Nanay sa akin at nakita kong pinapahiran niya ang kanyang mga mata. 

Bumaling siya kay Julia bago binalik ang tingin sa akin. She couldn't look at me straight, na para bang hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin ngayong nandito na kami ni Moses. Hinawakan niya ako sa aking balikat at ngumiti. "Sige, sige, maupo muna kayo d'yan at tatapusin ko pa ang paghahanda sa lamesa. Julia, ikaw muna ang bahala sa kanila ni Celeste."

Tumango si Julia at nilingon ko si Moses. Naiwan kaming tatlo ni Julia nang umalis si Nanay.

"Ate, hali kayo." pinaupo niya kami sa sofa ng maliit nilang sala. "Kukuha muna ako ng tubig para sa inyo."

Naiwan na kami ng tuluyan ni Moses. Hinawakan niya ang aking kamay. "They look happy to see you."

"Talaga?" nakakunot ang noo ko. Tumango lamang si Moses at pinisil niya ang aking kamay. Tumingin ako sa paligid. Dito na pala sila nakatira ni Julia.

Bumalik si Julia at nilapag niya ang dalawang baso sa maliit na lamesa sa gitna.

Bumalot ang katahimikan. Nilingon ni Julia si Nanay na naroroon pa sa kanilang kusina. Tumikhim siya at bumaling sa akin.

"Ate... Kumusta ka na?" aniya. "Ang tagal na ng panahong lumipas... at ang sikat sikat mo na din."

Marahan akong tumango. "Oo nga, ang tagal din ng dalawang taon." Halu halo ang emosyon na aking naramdaman habang kausap siya. "Ikaw Julia? Kumusta ka na? Ang pag-aaral mo? Kayo ni Nanay?"

Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon