Chapter 27

47.3K 1.4K 143
                                    

Chapter Twenty Seven

"Umalis"

Halos buong gabi akong naghintay sa pag-uwi ni Moses... pero gumising lamang ako kinabukasan nang hindi pa din siya bumabalik.

"Hija, dyan ka lang muna at doon na ako maglilinis sa garden. Kung napapagod ka na ay magpahinga ka na lang din doon sa kwarto mo sa itaas at baka magkakaroon ka na talaga ng lagnat dyan."

Ang akala ni Aling Trinidad ay may sakit ako kaya ako'y nag-aabsent ngayong araw. Kunsabagay ay kung ako naman siya'y aakalain ko din ito. Ni ako ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang tawag sa sitwasyon ko ngayon. I couldn't give any facial reactions, I felt entirely blank. Na para bang lahat ng lakas ko ay nagtitipun-tipon na sa aking dibdib, dahilan sa lalong pagsikip nito. Na lahat ay naubos na kagabi.. dahil sa kaiisip, sa kaiiyak.

Ang lahat ng nangyari kagabi ay nanatili pa ding presko sa aking isipan. Kumirot muli ang aking dibdib at hindi na ako nasurpresa. Ang hindi ko lang talaga maiintindihan.. Kailanman ay hindi ako nalito ng ganito. My focus was always consistent, sinusunod ko ang bawat mga prinsipyo na nakasanayan ko. Pero mula nung nakilala ko si Moses ay tila unti-unting nagiging malabo na ang lahat, ni kinain ko lamang ang aking mga salita nung sinabi kong ayaw kong makilala, makausap o makasama man siya.

Habang naghuhugas ako ng pinggan ay wala ako sa aking sarili. My thoughts were scattering and I couldn't piece them all together. Ang tanging nasa isip ko lamang ay si Moses.. At kahit anong gawin kong pagpikit at pag-iling ay hindi ko magawang mabura mula sa aking isipan ang lalakeng iyon. Hindi ko magawa... At hindi ko kayang paniwalaan sa pusibleng dahilan kung bakit hindi ko ito magawa.

Lumunok ako't kinagat ko ang aking labi. Hindi maaari... Hindi...

Biglang tumunog ang doorbell ng bahay at sa isang sandali ay pakiramdam ko'y naging estatyuwa ako sa aking kinatatayuan. Halos mabitawan ko na ang pinggan habang hinuhugas ko ito.

M-Moses..

Tila kusang kumilos ang aking katawan at agad akong tumigil sa paghuhugas ng pinggan. Habang naglalakad ako patungo sa labas ay kasunod nito ang bawat paglakas ng pintig ng aking puso. Bawat paghinga ko ay pakiramdam ko'y lalo itong bumibigat sa bawat hakbang ko.

Huminto ako sa likod ng gate at sa sandaling iyon ay kumakalabog na ng husto ang aking dibdib. Suddenly I wanted to run away. Bakit ako nagmadali na makapunta dito? Kapag makikita ko ngayon si Moses ay... ano naman ang aking gagawin?

Kinagat ko ang aking labi at gayumpaman ay binuksan ko ang gate. Pero sa aking surpresa ay imbes na makita ko ang taong inasahan kong umuwi na ay sa halip ay bumungad sa akin si West na nakapamulsa't nakaparada na ang kanyang kotse sa kanyang likuran.

Umawang ang aking bibig.

"Good morning!" Kalmadong ngiti ni West at nilapitan niya ako, dahilan sa bahagya kong pag-atras.

Nanuyo ang aking lalamunan.

"West.."

"Was I too early?" Aniya. "You're still in your pajamas.."

Sumikip muli ang aking dibdib. Habang nakatingin ako sa mga inosenteng mata ni West ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkakasala sa kanya. Kaya siya narito ay dahil ngayong araw na pala ang napag-usapan naming araw na umalis na ako mula dito.

"Can I come in? Ako na ang magbubuhat ng mga bags mo." ani West at papasok na sana siya nang bigla na namang kusang kumilos ang aking katawan at hinarangan ko siya.

Napahinto si West at napatingin siya sa akin.

"What is it?" Kumunot ang kanyang noo.

Sa sandaling nakita ko ang kanyang pagkunot ng noo ay hindi ko na magawang tingnan siya ng deretso.

Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon