Chapter 47

42.2K 1.1K 46
                                    

Chapter Forty Seven

"Oh My God, Moses"

Bandang ala una na ng madaling araw kami nakauwi ng Manila. It was raining very hard. Hindi nga sana kami pauuwiin nilang Sister, pero hindi din pwedeng hindi kami makauwi dahil pareho kami ni Moses na mayroong trabaho't mga importanteng bagay na kailangang asikasuhin.

"Sleeping beauty!" minulat ko kaagad ang aking mga mata nang pumasok si Michael sa studio at nadatnan niya akong umiidlip sa may sofa. "Oh may dala akong tubig atsaka snacks." nilapag ni Michael ang isang supot sa may center table.

Umidlip lamang ako muli at iniba ang puwesto ko sa pagkaupo sa sofa. "Okay..." inaantok kong sinabi habang nakapikit na ang mga mata. Pero muntik akong mahulog sa sofa nang binatukan ako ni Michael.

"Hoy! Anong oras ka ba nakauwi kahapon ah? Bakit puyat na puyat ka? Ni hindi ka man lang nagtext sa akin kahapon kung anong lagay mo dun sa La Union. Kumusta nga pala ang lakad mo?"

Kinwento ko kay Michael ang lahat, ngunit hindi ko sinabi sa kanya na ang aking tinutukoy na hating kapatid ay ang investor namin na si Moses. Alam na ni Michael ang tungkol sa sitwasyon ko sa pamilya ng Gustav, sinabi ko sa kanya ang lahat. Lahat lahat. Pero, for some reason, hindi ko kayang sabihin sa kanya ang tungkol kay Moses. And besides, he's an important person para sa company.

Bandang alas sinco ng hapon ay umuwi ako ng condo. Bumaba ako ng kotse ni Michael at dumeretso na ako sa elevator ng lobby. Pagpasok ko ng elevator ay hinahanap ko na ang susi ko sa aking bag nang biglang mayroong isang lalakeng pumasok din ng elevator.

"Celeste." Pinindot ng lalake ang isa sa mga buttons ng elevator. "So you're home already."

Napahinto ako. Pamilyar ang kanyang boses. Pagtingin ko sa lalake ay umawang ang aking bibig. "Joacquin!"

Ngumiti siya ng konti at sumara na ang elevator.

"You sound surprised." aniya. Baritono ang boses. "I have a place here."

Sa isang iglap ay nagflashback sa akin ang gabing nakita ko sila ni Alie. I never forgot that moment. So... may unit nga talaga si Joacquin dito.

"Ah.." tumango ako kay Joacquin at pinilit maging kalmado sa kanyang tabi. Tumikhim ako. "Hindi ko nga alam.." Tahimik kami ng ilang segundo at nagsalita muli ako. "Hindi kasi kita nakakasalubong dito. Um. Ilang taon ka nang mayroong unit dito, Joacquin?"

"It's been a long time, I couldn't remember." ani Joacquin. He's a serious type of person, at ang paraan ng kanyang pagsagot ay seryoso din. Ngunit alam ng lahat na humble siya at maunawain at marunong din makisabay kapag siya'y gusto. "You're right, di tayo nagkakasalubong. But I'm always away. And I have a house in Makati, I only come here when I'm too busy to drive from place to place." aniya. "How's recording?"

At ang naging laman ng maikling usapan namin ay ang tungkol sa trabaho.

Nang nakauwi na ako sa aking unit ay nagbuntong hininga ako at sumadal ako sa likod ng aking pinto. Bumuntong hininga ako at pinikit ko ang aking mga mata. Sobrang naging hindi na kapani paniwala ang nakita ko kina Alie at Joacquin. Imahinasyon ko lang ba iyon? Pero totoo yun. It sank in to me. Joacquin lives here at kiyang kita sa mga mata ko ang mga nangyari. Pero... paano ba naging ganun? Bakit? Anong meron kina Alie at Joacquin? And...

What about Moses?

Pinikit ko ang aking mga mata. Ang unang pumasok sa isipan ko ang ay ngiti ni Moses habang nakikipaglaro ang mga bata sa kanya sa orphanage. We stayed there for a while, and everyone liked him.

Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon