Chapter 15

58.2K 1.4K 89
                                    

Chapter Fifteen

"Coffee"

Umagang umaga pa ay agad akong bumangon nang tumunog ang alarm ng aking cellphone.

Mas maagang nakagising si Aling Trinidad kaya pagdating ko sa kusina ay tumulong narin ako kaagad sa kanya upang makapaghanda ng agahan.

Lumabas muna si Aling Trinidad upang magwalis nang patapos na ang aming niluto kaya ako na ang bahala sa lahat.

Mamaya pa namang alas otso magsisimula ang pasok kaya...

Huminga ako ng malalim at pinikit ko ang aking mga mata habang nakaupo sa isang stool at nakaharap sa may stove.

This will finally be my first day of college. Pagkatapos ng ilang taon ay sa wakas makakatungtong na rin ako ng kolehiyo.

Kumalabog ang puso ko habang inaalala ko ang pakiramdam ko noon nung estudyante pa ako ng hayskul. Alam kong ibang iba na kapag college. Buti na lang at kahit papano ay kasama ko sina Katia doon sa college na papasukan ko..

Bumalik lamang ako sa aking huwisyo nang biglang may narinig akong pumasok sa kusina.

Paglingon ko sa kung sino ang pumasok ay bumungad sa akin si Moses na walang suot pantaas at may tuwalyang nakayakap sa kanyang bewang, medyo basa pa ang kanyang buhok at nagtama kaagad ang aming mga mata.

Umawang ang aking bibig.

"Good morning." Bati niya. He kept that straight face, not leaving my eyes.

Umiwas ako kaagad ng tingin at tumayo ako upang tingnan ang aking niluluto.

"Good morning.." bati ko din.

Lagi siyang narito tuwing weekends. And Moses promised to fetch me to school on my first day today. Ewan ko. Gusto daw niya na makita niya ulit ang eskwelahan at kung paano ang unang pagpasok ko nito.

Napalunok ako. Bakit ba ay hindi pa siya nagsusuot ng damit?

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong umupo si Moses sa high-chair ng hook ng kusina. Tumikhim na lamang ako at nagpatuloy ako sa aking ginagawa.

"Today's your first day.." umimik na si Moses.

And it's all thanks to you.. I couldn't help but feel even more thankful to him. Kung bakit ba niya ako tinutulungan ng ganito ay hindi ko pa din talaga mawari..

Pagkatapos kong ilipat sa malaking bowl ang niluto kong pagkain ay napatingin ako sa kanya. Muli kong nakita ang kanyang nakahubad na pantaas. The shade from the light coming from the windows gave emphasis to Moses' every toned muscle on his shoulders and chest. He looked so rough and enticing. Nailang ako sa aking naramdaman habang nakatingin sa kanya.

Tumango na lamang ako sa kanyang sinabi imbes na magsalita.

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. "Gusto mo bang magtimpla ako ng kape?"

Hindi na niya kailangang tumango pa o sumagot dahil alam ko namang mahilig siya sa kape.

Moses leaned towards the kitchen hook's surface, and I saw his muscles flex and tighten. Agad na lamang akong bumaling sa kung saan nakalagay 'yong coffee maker.

Pagkatapos kong magtimpla ng kape niya ay dinala ko narin ito kaagad sa kanya.

"Heto.."

Pagkatapos kong ilapag ito ay bumalik na ako sa paghahanda ng pagkain.

Hindi nagtagal ay kumain na kaming tatlo nina Aling Trinidad. Mabilis lang akong nag-agahan at iniwan ko sina Moses doon sa dining area upang makapaghanda na ako sa una kong pagpasok ng eskwelahan.

Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon