Chapter 4

56.4K 1.3K 44
                                    

Chapter Four

"You Want"

"Order for table 6!" The party lights lit dimly inside the resto bar, and the loud music gave us employees a hard time to hear each other while we were serving the customer's food and wine.

The resto bar had a very wide space. May mga bars na nagseserve ng kung anong mga drinks at alcohol na minamaniobra ng mga bartenders. The tables were very cozy, at may mga VIP tables din na exclusive lang talaga para sa mga mayayaman at sosyal na customers.

Sa loob ng VIP section ay may mga billiard tables na kung saan naglalaro yung mga young bachelors na laging tumatambay sa resto, kasama ang kani-kanilang mga dalang babae.

"Celeste, heto ihatid mo sa table 11, VIP." ani katrabaho ko nang inabutan niya ako ng isang tray na may mga nakalagay na dalawang bottle ng tequila at mga kung anung mamahaling pagkain mula menu.

Tumango na lamang ako at kinuha ko narin ang tray para dumeretso na sa sinasabing table number 11.

"Hi miss." habang sinisikap kong maglakad sa gitna ng nagpaparty-life na mga tao ay nasanay na akong may mga customer na nagpapapansin sa akin, kahit nakasuot lang naman ako ng desenteng uniporme na pencil skirt at simpleng polo shirt.

Hindi ko na lang pinansin ang mga lalakeng pakindat-kindat sakin habang dumadaan ako.

Pumasok ako sa VIP section at agad bumungad sa akin ang mga mayayamang nilalang na nag-eenjoy na lamang sa kanilang gabi.

Tumikhim na lamang ako't naghanap na ako sa sinasabing table 11. Hindi nagtagal ay namataan ko na ang numero sa isang table na nasa pinaka-dulo at pinaka-malapit sa malaking billiard table.

Lumapit ako doon at nang nakarating na ako ay agad ko nang nilapag sa kanilang table ang mga nilalaman ng tray.

Tatlong babae at apat na lalake ang nakaupo nito. Hindi ko na sila isa-isang tiningnan basta't alam ko namang invisible lamang ako sa mga paningin nila. In front of me are people less likely to acknowledge an existence of a girl of nothing much to know about.

"Thanks, miss." Bati ng isa sa mga matipuno na mga lalake.

"Geez. You always hit on the waitresses, Dish." Umiiling na sinabi ng kanyang katabi na may kaakbay na babaeng manipis ang katawan.

"What? I am just being polite, Grehan." Aniya.

Napalunok na lamang ako at nanatili akong tahimik.

Tumikhim ako't tumayo ng maayos matapos kong ilagay sa aking gilid ang tray. "Wala na ho ba kayong ibang ioorder, sir?"

"I'm sorry about the two, Miss." Bigla naring nagsalita ang nasa pinaka-gilid. Isang chinito, matipuno at mukhang magalang na lalake. "I'm West by the way."

Nagulat ako nang bigla siyang naglahad ng kamay. Kahit sa kanyang tabi ay may babae namang nakahawak sa kanyang braso ay nagpakilala parin siya sa akin. Kumunot na lamang ang aking noo.

Nang nakita niyang hindi ko naman tinanggap ang kanyang kamay ay napangiti siya. He had a nice smile, wala na lamang akong ibang nagawa kundi mapatitig. Binaba na lamang niya ang kanyang kamay at bumaling siya sa kanyang mga kasama.

"That jerk's name is Dishon, that's Grehan, and this is Nero." Pakilala niya sa kanyang mga kasamang parehong matitipuno na mga lalakeng. Yung Dishon ay nakasuot ng long-sleeve polo na naka-unbotton ng konti sa kanyang dibdib, mukha siyang mestizo at may lahing espanyol. Si Grehan naman ay isang moreno, but his features showed a bit of foreign ancestry as well. Pero nang napatingin ako sa sinasabi niyang Nero, ay natigilan ako.

Rough to Love (TDL Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon