"Tama na! Hon!" Pagpigil ni Tito. "Hindi tama na isisi mo sakanya ang aksidenteng nangyari!"

"Kasalanan nya toh! She's cursed. A murderer! Dapat ikaw nalang ang namatay!" Another hampas. And another. And another.

Tumama ang zipper ng bag sa mukha ko and i suddenly tasted my blood. Nasugatan ang labi ko pero wala akong maramdamang sakit o hapdi physically. Kung tutuusin wala lang to sa nararamdaman ko ngayon emotionally.

Hindi ba't nakakatawa kung ilang beses ko na naririnig ang mga salitang "malas ka" "you're a murderer" "dapat ikaw nalang ang namatay"

Parang ang mga salitang yan ay nakakabit na sa pangalan at pagkatao ko.

"Oh my, Jayla.. Jayla.. It's better if you go home muna. I'm so sorry" Tito apologized pero tumango lang ako sabay punas ng dugo sa labi ko. Tiningnan ko si Tita pero umiwas sya ng tingin habang umiiyak.

Hindi ko alam na umiiyak nadin pala ako kanina pa. Para bang may sarili ng buhay ang mga mata ko at bigla bigla nalang nagpapakawala ng mga luha ng di ko nalalaman.

Naglakad ako palabas sa hospital ng wala sa matinong pag-iisip. Gusto kong magpasagasa sa humaharurot na sasakyan, baka sakaling matapos na toh. Gusto kong pumunta sa malayong lugar at takasan ang lahat ng toh. Gusto kong maligaw at iuntog ang ulo ko sa pader nang magka amnesia at makalimutan kung saan ako ng galing at ang lahat ng mga nangyari sa lugar na yun..

Pero hindi. Hindi ko kaya. Kahit masakit. Kahit mahirap. Ayoko paring iwan si Reid.

Oo, ang bobo ko. Ang tanga tanga ko! Si REID NA NAMAN! Puro ka Reid! Reid! Reid! Paano naman si Harry? Hindi ba sya mahalaga sayo at okay lang na iwan mo sya? Eh si Jayla? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo!

Ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ko't umuwi ako sa bahay. Pagdating ko dun ay bukas ang ilaw pero wala si Mommy. Agad akong umakyat sa kwarto ko at humiga sa kama at dun.. dun ko nilabas ang lahat ng sakit.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at tinago ang mukha ko dito. I cried, sobbed and screamed.

"Bakit? Bakit nangyari ang lahat ng toh sa akin?! Ano bang kasalanan ko! Bat ako? May nagawa ba akong mali? May nagawa ba akong hindi dapat? Bat lahat ng mahalaga sakin nawawala! Sinumpa ba ako?" Sumigaw ako. Sinigaw ko ang lahat lahat sa ere.

Maya't maya pa ay biglang may pumasok sa kwarto.

"I'm so sorry.." Niyakap ako ni Mommy.

"I'm so sorry baby for not being there for you when you needed me. I'm so sorry naging makasarili ako." She cried with me.

"I love you..  I'm so sorry please.. i know i can't fix you anymore but please, let me help you heal. Anak.." hinigpitan nya ang pagkayap nya sa akin.

Wala akong ibang ginawa kundi yakapin din sya. Ng mahigpit na mahigpit.

"Mommy.. Mommy.." i sobbed. Walang ibang salita na lumabas sa bibig ko kundi "mommy". Para bang bumalik ako sa pagkabata. Wala akong ibang maalalang salita sa mga oras na yun.

"Shhhh...." hinaplos nya ang mga buhok ko like she always did when i was young.

"Sana'y di magmaliw ang dati kong araw. Nang munti pang bata sa piling ni nanay. Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan" kinantahan nya ako. Yung kantang lagi nyang kinakanta sa amin ni Zayna dati para makatulog kami.



"Sana'y di magmaliw ang dati kong araw. Nang munti pang bata sa piling ni nanay. Nais kong maulit ang awit ni inang mahal.. Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan" bumalik ang lahat ng masasayang alaala ng aking pagkabata.

"Ate Jaylaaaa, punta tayo dun sa seashore!"

"Mamaya na, magagalit si mommy."

"Sige na ate jaylaaa!"

"Aish, hindi nga pwede."

"Ay sige na Jayla, samahan mo na yang kapatid mo pero wag kayong lalayo ah?"

"Sige po.."

"Yeheyy! Tara!"

"Ate Jaylaaaa, ang cute nung turtle oh."

"Hala oo nga noh. Ang cute."

"Parang nawawala sya. Halika tulungan natin syang makabalik sa dagat."


May isang pagong, siya ay nakatira sa dagat.

Pansin mo ba ang kanyang likod? Yan ay napakabigat.

Siya ay nahulog sa isang butas dahol naging kampante sya.

Siya'y dinala sa pamamagitan ng alon, buhay nya ay napuno ng sakuna.

Hanapin ninyo ang maliit na pagong na nawala sa dagat,

Siya ay ang nilalang walang sinuman ay nais na maging.

Sya ay nawawala at sa karagatan ay malayo.

Sinubukang makabalik sa dagat pero hindi sya nagtagumpay.

Nasaktan lang sya't napagod.

Ang isang dating makinis, ay ngayon ng isang sugatang talukab

May pag asa pa ba kaya syang manalo sa paliksahang ito?

Kawawang maliit at mahinang pagong na napalayo sa dagat.

Nawawala at mawawala dahil hindi sya makakita,

Ginawa nya ang lahat para makahingi ng tulong.

Ngunit lumipas ang taon at syay naiwang mag-isa.

Kaya ang pagong ay nagpasya na gumapang ulit,

Masyadong mabagal at hindi niya nalalaman kung paano.

Ang kanyang sugat ay hindi magagamot ng kung sino

Kahit na subukan ay hindi nya kayang lumayo

Paghihirap araw at gabi, syay nanghina sa matinding sakit.

Nawala ang lahat ng bagay na siyang pinangarap na sa lalong madaling panahon na gusto niya maging malaya.

Siya ay naiwan at hindi makita sa karagatan ng paghihirap.

Kawawang pagong, ramdam na ramdam ko sya.

Para bang bawat paghihirap nya ay paghihirap ko.

Di kaya't ako ang pagong sa kwento?

At tulad nya'y nawawala din ako?






Lost StarsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum