Chapter Fifty-Eight

Start from the beginning
                                    

Hindi ko na po nalaman pa dahil umalis na siya at iniwan akong mag-isa. Hindi raw po siya babalik hangga't hindi dumadating sila Mama, kaya naman, ngayon, mag-isa na lang ako.

Medyo naburyo na po ako kanina kaya lumabas po muna ako ng bahay. Medyo nalibang din naman po ako sa mga batang naglalaro roon. Na-miss ko lang bigla kaming dalawa ni Luga.

Yo'n yung mga panahon na wala pa talaga sa'ming dalawa ang lahat. Basta mag-asaran lang, masaya na kami roon. Ewan ko po ba bakit pa kailangan maging kumplikado ang lahat.

-----

Dear Pa,

Ang daya talaga nila Mama. Sana hinintay man lang nila ako bago pa man sila magdesisyong mag-girls night-out. Sana talaga sumabay na ako kila Ate Nat no'ng umalis sila ng Baguio total naman wala ring kwenta kasama si Ian.

Siya lang naman ata ang natuwa sa pagkukunwaring ginawa namin.

-----

Dear Pa,

Makakaya ko po kayang maiwan ulit dito si Mama?

Alam ko pong nangako ako sa inyong aalagaan ko siya. Hindi ko siya iiwan. Alam ko rin pong nasira ko na ang pangakong iyon. Ayoko na sanang sirain pa ulit iyon pero ayaw po kasing umalis ni Mama. Alam niyo rin naman po kung bakit ko gustong gawin ito di ba po, Pa?

Di bale, basta matapos ko lang po ang pagkuha ko ng Masteral doon, okay na ako. Tatlong taon lang naman po ulit ang lilipas, magtitiis na lang po siguro muna ako sa panaka-nakang pagbisita ko rito kay Mama.

-----

Dear Pa,

Kung bakit ko po siya inaya kanina ay hindi ko rin alam. Kung tutuusin ay ayaw na ayaw ko nga siyang isama no'n sa Baguio pero ngayon naman, ako pa itong nag-insist. Baliw na nga talaga ako, Pa.

Hindi ko rin po alam kung bakit away-bati kaming dalawa simula nang dumating ako. Feeling ko nga po pinagtatawanan lang kami nila Tita't Mama kapag nag-aasaran o nagkakagalitan kaming dalawa, katulad lang po ng dati.

Buti sana kung katulad ng dati, simpleng away lang iyon. Ngayon po kasi iba na. Ibang-iba na...

-----

Dear Pa,

Ang saya ulit makita ng photo album na iyon. May iba pa nga pong dinagdag si Mama. Yo'n yung mga litratong pinapadala ko sa kanya tuwing may okasyon, naitago niya po pala talaga ng mabuti.

Pero mas nakakatuwang balikan yung awkward naming litrato ni Luga. Hindi ko na nga po matandaan iyon, kung hindi lang po nila ipinakita sa akin kanina.

Naisip ko lang, wala pa po kaming panibagong litratong nagagawa simula nung pagka-alis ko pa lang po rito. Mauulit pa po kaya iyong litratong katulad no'n? Sana...

-----

Dear Pa,

Hindi ko po alam na ganito pala ka-gaan ang mararamdaman ko ngayong nalaman na ni Mama ang totoo. Alam na po pala niya ang ginawa naming pagkukunwari ni Ian simula pa lang. Nahiya po ako roon pero hanga rin akong hinintay talaga ni Mama na sabihin sa kanya. Na hindi niya kami pinangunahan ni Ian. 

Alam niyo naman po na mas close ako sa inyo di ba, Pa? Hindi naman po magbabago iyon e pero masasabi kong maswerte ako kay Mama. Salamat sa pagsigasig na mapakasalan siya, Pa.

Sana ganoon din ako pagdating ng panahon. May lalaking magsisigasig din sa akin. Sana katulad din po namin kayo.

-----

Dear Pa,

Simula nang bumalik ako, weird na lahat ng kinikilos ng mga taong kilala ko. Una si Ate Ruth, tapos may mga sinasabi rin si Luga na kung minsan hindi ko maintindihan. Ngayon naman po si Mama.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Where stories live. Discover now