Chapter Five

65 1 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ko pa ba binibigyn ng mga kulay ang ginagawa sa akin ni Logan. Everything changes. And I'm sure my feelings for him does too. I have moved on. And I made that sure during my five-year stay far away from him. 

Kung sabihin man niya ngayon na bestfriend niya ako, then I should act normal about it. I should be happy actually, dahil kahit papaano naman, nabalik pa rin ang friendship namin. Siguro naninibago pa ako sa ngayon. Kakabalik ko pa lang and the environment I'm into now? Marami nang pinagbago.


"Goodmorning anak! Kumusta ang naging tulog mo?" salubong sa akin ni Mama nang bumaba na ko galing sa kwarto.

"Hmm..." nag-ayos muna ako bago tuluyang sumagot sa kanya. "Ayos naman po Ma. Medyo nanibago lang po ako siguro kaya ilang oras lang din ang naging tulog ko."

Tumango naman si Mama sa tinuran ko. Tumalima ako sa hapag-kainan. Ang dami namang pagkain ang nandoon.


"Ma, may bisita ba tayo? Bakit parang ang dami naman nitong mga pagkain. Hindi naman natin kakayaning maubos ito ehh." pagkasabi ko naman kay Mama, isa-isa kong ineksamin yung mga pagkain. This is too much heavy for a breakfast!

Lumapit siya sa akin bago ako sinagot. Naglapag pa siya ng isang putahe doon. "Na-inspire lang ako magluto. Ngayong nandito ka na, gusto kong ipatikim sa'yo lahat ng mga natutunan kong lutuin nung nasa Amerika ka pa."

Napakamot naman ako ng ulo. "Pero pwede naman pong, isa-isa lang. Hindi naman po ako aalis agad." tawa ko. Umupo na rin ako doon sa usual na inuupuan ko.

Umupo na rin naman si Mama. Ngumiti siya sa akin. "Ewan ko ba. Masyado lang ata kitang na-miss kaya ganyan. O siya sige, kain na!" saka niya ako nilagyan ng kanin sa plato.

Sinubukan kong bawasan iyong nilagay ni Mama kaso pinigilan niya naman ako. "Ang payat mo na, kumain ka ng marami. Aba, parang hindi ka naman ata kumakain doon. Pati ata allowance mo, pinapadala mo sa akin dito. Tss."

Napatigil ako doon sa sinabi niya. 


Halos tama naman kasi ang naging hinuha ni Mama. Ewan ko ba, para kasing iyon lang ang maitutulong ko kay Mama. Na kahit nag-aaral pa lang ako, gusto kong nakakatulong na ako sa kanya. Kahit pa nga inaayawan niya yun dahil may grocery store naman na bumubuhay sa kanya ng mga oras na yun. Kaso wala lang. Feeling ko kasi, wala rin naman ako masyadong gagawin sa kung anumang halaga ang meron ako. 

Lahat din halos ng pagkain namin doon, si Daphne ang gumagastos.

Sinabi ko na lang din kay Mama na pampagawa na lang iyon ng bahay o kahit ng kwarto ko na lang. Doon na rin siya pumayag. 


"Ma, kumakain naman ako doon. Sobrang naging busy lang po lately kaya hindi ako masyadong nakakakain ng maayos. Pero kumakain pa rin naman po ako." Sumubo na rin ako. 


How I miss eating Filipino dishes! Puro naman kasi high-meat products ang kinakain ko doon. Kung minsan, mga processed foods na lang. Na-miss ko rin ang kanin. Haayy!


Mukhang napansin ni Mama ang pagsandal ko doon sa inuupuan ko. "Na-miss mo, ano? Di bale, sa dalawang buwan mo dito, puro mga putaheng Pinoy lang."

Natuwa naman ako doon sa sinabi ni Mama. Kung ganun nga ang magiging set up, baka, hindi na lang ako bumalik sa US at dito na lang ako.

"Asahan ko po yan Ma." Sabay kaming tumawa ni Mama at pinagpatuloy na ang pagsalo doon sa mga pagkain.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Where stories live. Discover now