Chapter Twenty-Seven

33 0 0
                                    

Lalo akong nanghina sa sinabi niya.


Bakit ako? Bakit ako ang sinisisi niya, when in the first place, he's the one who broke his own promise. Why would he pass it to me suddenly? Ilang milya na nga ang nilayo ko sa kanya, sa akin pa rin niya sinisisi?


Saka ko lang din napansin na nasa tapat na pala kami ng tinutuluyan namin.

Wala akong lakas para buksan ang pintuan.


It's like a slap on my face based on what he said. A big slam that can leave a mark, somehow.


Pinunasan ko muna ang nabasang mata ko. I need to look like I did not cry.

Pinihit ko ang pintuan palabas at saka tumungo doon sa may pintuan ng backseat kung nasaan ang dalawa. Una nang binitbit ni Logan si Ate Ruth. 

Binuksan ko yun at saka tinapik si Ian na mahimbing pa ring natutulog.


"Ian, tara na! Doon ka na lang matulog sa kwarto" Panay ang hila ko sa braso niya

He only made noises. More like grunts. At pinipilit niyang itaboy ang mga kamay kong humihila sa kanya.


Kung naiistorbo siya, mas naiistorbo naman ako. Iinom-inom siya, hindi niya rin naman pala kakayanin.

Sometimes, Ian is a big blow in the head. He had his head's up from the start, but he can't keep it up until everything was done.


"Bumangon ka na diyan! Bahala kang matulog dito sa kotse mo kapag hindi ka pa kumilos!" Pagbabanta ko sa kanya


Bwisit naman itong si Ian. Gusto ko na nga lang na mahiga sa kama at nang sa ganoon ay makapagpahinga na, pero eto siya ngayon at pinapahirapan pa ako.


"Ian! I'm serious! I'll leave you here in five minutes, kapag hindi ka pa rin tumayo!"

Isang grunt lang na naman .

"Ian!" Mangiyak-ngiyak na ako


Naiinis na ako ngayon a! Wag mo na akong inisin pa lalo!


"Ako na!"


Lumayo ako sa kanya nang makadalo siya sa amin ni Ian. Tumalikod ako kasi nangilid na naman ang luha ko dahil sa baklang ito.

Humarap ako ilang sandali lang at binubuhat niya na si Ian. Hinayaan ko na lang siya sa paghila kay Ian hanggang sa maalalayan niya na ito ng buhat.

Nagsimula na silang maglakad kaya sumunod na lang din ako.


Galit ako, OO! Galit na galit ako sa kanya!


"Ako nang bahala kay Ian, salamat na lang. Pwede ka nang matulog" Ni hindi ko man lang siya pinasadahan ng tingin nang lumapit ako sa bakla, pagkahiga sa kanya.


Malalagot ka talaga sa akin mamayang pagkagising mo Ian! Sa'yo ko ibubuntong lahat ng galit at inis ko! Makikita mo!


"Ako na dito" Aagapan ko pa lang ng hawak si Ian pero natunton niya na agad ang kamay ko at pilit na itong inilayo.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon