Chapter Thirty-Seven

29 0 0
                                    

Natapos naman ng matiwasay ang dinner na yo'n.

Tahimik lang ako sa isang tabi habang nakikinig ng mga kwentuhan nila patungkol sa naging girls night-out.

Nagsalita lang ako nang tinanong ako ni Tita kung ano ba ang ginawa namin kagabi, kung nakatulog ba daw ako ng maayos at kung bakit hindi man lang ako sinama ni Logan sa naging lakad niya sa buong maghapong lumipas.

Alanganin akong tumingin no'n kay Logan. Nakatigil lang ang paningin niya doon sa kinakain niya.


"Natulog lang naman po kami kagabi, medyo pagod rin po kasi kami galing byahe. Although, na-tempt kaming kainin yung cupcakes niyo sa ref. I'll definitely want to have those cupcakes again." Ngiti ko.


Kaunti lang naman ang nakain ko. I'm sure, mas marami pa sana akong makakain kung hindi lang nangyari yung inaasahan.

Pinalis ko kaagad ang alaala ng nangyari kagabi. Hindi ko na talaga uulitin yo'n, promise!


Bumuntong-hininga siya. "Mas anak pa kita kung magsalita at purihin ang baking skills ko. Hay naku, ewan ko ba at ano ang panlasa nitong si Logan at hindi niya man lang magustuhan ang pastries ko."

"My, hindi lang talaga ako masyadong mahilig sa matamis." Walang anumang reaksyon ang nakaukit sa mukha niya nang sinabi niya yun.

"Then what about my croissants? Hindi naman gaanong matamis iyon a?" Nguso ni Tita

Humingang-malalim si Logan.


Akala mo naman hindi niya nilantakan yung mga cupcakes kagabi. Siya nga halos nakaubos no'n.


"Si Mia naman, haay! Diet daw siya lagi kaya iniiwasan yung mga pastries ko. As if she'll gain pounds with just a small cupcake" Ginawa niya pa kung gaano lang naman kalaki ang cupcake na sinasabi niya.

Tumawa lang si Mia. "Still, makakadagdag pa rin yun ng fats. Atsaka, kumakain naman ako My, hindi nga lang araw-araw."

"Oo, dahil isang beses kada isang buwan ka lang kumain. Kakapiranggot pa yung kinakain mo."

Lumakas ang tawanan nang sumabay na kami ni Mama sa pagtawa dahil na rin sa naging pasaring niya. Halata kasi doon ang nararamdamang tampo.

"Eto pang si Angela, limang taon nawala. Wala tuloy nag-eencourage sa aking magpatuloy ng baking. Buti nga at nandito na siya ngayon, at least matutuloy ko na talaga ang business na gusto ko. Lagi na akong may customer, well, except kung aalis pa siya. Then, that'll mean dissolution for the business..."

Napalunok ako sa sinabi niya.

Unti-unti ko ring naramdaman ang mga titig nila sa akin.


"Babalik ka ulet Ate? Kailan?"

Nakangiti akong humarap kay Mia. "Ahhm, baka next week na. Sasabay ako kay Ian sa pag-uwi niya."

Tumango siya. Siya lang din ang nakangiti doon sa sinabi ko.


Well, after the talk Tita and I had, alam ko namang ayaw na akong paalisin pa nila Mama. I wonder what Logan has to say about this.


Sandaling tumahimik. Nasira lang iyon nang magsalita si Mama. "Nakatulog ka naman ba ng maayos?" Hinimas niya pa ang likod ko - sa tingin ko para iyon sa naging usapan kanina.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Where stories live. Discover now