Chapter Fifty-Six

27 0 4
                                    

Kumain muna kami bago nag-ikot muli. Bilang pamapalubag-loob sa dalawang lalaki ay sinama na namin sila.

Hindi ako halos nakakain ng maayos dahil na rin sa mga matang nakaaligid sa akin. Naghanap na nga ako ng pwesto kung saan makakapagtago ako sa kanya, ang kaso naman ay sa harapan ko pa siya pumwesto.

Just nice!

Gutom na gutom pa man din ako dahil sa ginawang dress rehearsal sa boutique na iyon tapos hindi pa pala ako makakakain ng maayos.

Gayon na lamang ang pagka-bugnot ko pa rin nang makalabas ng restaurant.


"Please tell Ricardo not to waste much on drinks! We still have a flight tonight..."

Tumango si Logan sa pakiusap na yo'n ni Betty.


Nang makaalis ang dalawa ay doon lamang talaga ako nakahinga ng maluwag.

"Nabusog ka ba? Ang konti lang ng kinain mo kanina." Puna ni Ate Ruth na pinagbuhol ang mga braso namin. Sa kabilang tabi ko ay si Ate Kristen na tahimik lang na sumusunod sa iba pa naming kasama.

Pilit na lamang akong tumango. "Marami rin po kasi akong nakain kaninang tanghalian."

Kahit wala rin akong masyadong nakain no'n dahil na rin sa kwentuhan na naganap.


Tumuloy kami sa panibagong boutique. The same applies to the new girls. Binulungan ko na lang sila na gawin na lamang ang gusto ni Daphne.

Dahil sa gutom ko ay halos tamarin na akong mag-ikot sa store na napuntahan namin. Pinipilit ko na lamang ang sarili kong maglakad-lakad dahil nakatuon na naman sa akin ang pansin ni Daphne.

Sumasabay ako kila Ate Kristen sa pag-iikot nang sa ganoon ay makapagtago rin ako.

"Seryoso ba talaga siya rito?"

Mayroon na silang mga nakuha, hindi nga lang nila sigurado kung ilalagay ba nila yo'n sa cart.

Tumango lamang ako. Nakikikuha na rin ako ng mga kinukuha nila o kung anuman ang makita. Hindi na baleng malalaki o maliliit iyon. This is just for a show, anyway.

Nagdesisyon din kaming manuod ng sine pagkatapos. Inilapag na lang muna namin ang mga pinamili sa inupahang van.

Isang American film ang pinanuod namin, more likely a zombie apocalypse. Kaya tili sila ng tili hanggang sa matapos ang palabas.

Doon ko naman sinamantala ang pag-kain ng maayos kahit puro popcorn lang iyon. Bumili na nga lang din ako ng hotdog para naman kahit papaano ay maibsan ang gutom na nararamdaman.


"I had loads of fun! Thanks for this very wonderful hang-out. I hope the next we have this, I'll invite you over New York?"

Tumango na lamang kaming lahat.


Nang makarating ng suite ay agad nag-ayos sila Betty.

The guys scattered on the living room, playing video games. They had pizzas and chips and soda cans on the platter.

"Bet we have to carry more luggage and suitcases tonight, Kyle."

Nakatutok lang sila sa television screen pero kahit papaano nama'y mapapansin talaga nila ang mga bitbit na shopping bags ng mga pumunta sa kwarto, lalo na't napakarami no'n.

Tumango naman ang isa. "Too bad Ian's not coming. Most probably, even Sean..."

Natawa ako sa sabay nilang pagbuntong-hiningang dalawa. Bigla lamang akong natahimik nang muli ko na namang nakasalubong ang tingin sa akin ni Logan.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Where stories live. Discover now