Chapter Eight

61 1 0
                                    

"Pupunta ka ba sa outreach program?" natanong sa akin ni Mama nang maabutan niya akong nag-aayos ng mga gamit ko. Nakabihis na rin ako ng pang-alis kaya naman siguro niya iyon natanong.

"Hindi po, Ma. Next week pa po siguro. Gusto ko lang po munang pasyalan yung isang orphanage na kinekwento sa akin ni Ate Ruth." buong ngiti kong sagot sa kanya.


Naisipan ko kagabi na puntahan iyong isang orphanage na halos laging pinag-gaganapan ng mga feeding programs. Gusto ko lang makita ang mga bata, at makasalamuha man lang sila. Since, wala rin naman akong ginagawa dito, maybe, I could do that instead. It's time for me to do what I really want to do kahit noong nasa U.S. pa ako. Kahit pa wala akong kasama, siguro, mas okay na rin yun. Para makapag-focus talaga ako sa mga bata.

Maaga rin akong nagising at maagang nag-ayos para naman maaga rin akong makapunta roon. Gusto ko rin kasing mapahaba ang oras ko sa mga bata. 


"Buti naman, para hindi ka masyadong nabobored dito sa bahay. Kung gusto mo samahan kita?" 

Nag-alok pa sa akin si Mama pero agad ko namang tinanggihan iyon. Kung marami siyang gagawin ngayon, baka naman makaistorbo pa ako sa kanya.

"Okay lang ako Ma. Wala namang mangyayari sa'king masama doon." napatawa pa ako. Based on the drawing of her reaction, it seems like I'm going somewhere I could end up dying. "Isa pa, nandoon naman po sina Sisters, may makakatulong din ako doon. Dito na lang po kayo, baka may mas kailangan pa kayong gawin."

Nag-alinlangan pa siya ng tingin sa akin. I let out a huge sigh after a hopeless return of smile from her.

Lumapit na lang ako sa kanya at saka siya inakbayan. "Ma, malaki na po ako. Kung hindi man kayo nagkakaroon ng oras sa akin ngayon, yun ay dahil may importante kayong kailangan gawin. Tsaka, siguro naman po, bago ako umalis, magkakaroon pa rin tayo ng bonding ehh. Kahit sa outreach program na lang po, okay na ako dun."

Pilit ko pa siyang kinumbinsi at matapos ang ilang miuto, sumang-ayon na rin naman siya. 


Even if it made me sad knowing that I only have two months dito sa Pilipinas, same with the idea that we only have few more time to spend alone and cherish every moment together. Pero, gaya nga ng sabi ko, masaya na ako just as long as, may magawa kaming magkasama kami.


"Mag-text ka na lang sa akin kapag nakarating ka na roon ahh." Ang naging paalala niya na lang sa akin.

"Opo." Buti naman at ngumiti na siya kaya matapos yun agad ko nang ipinagpatuloy ang pag-gayak ko.


Sa totoo lang, medyo nag-alinlangan akong pumunta na mag-isa lang. Mababait naman siguro ang mga madre doon sa orphanage noh?


-


Bago pa man ako makarating doon sa orphanage, nagpasabi na agad ako sa mga nangangasiwa doon na pulos mga madre. I pass through the toy store and pastry store, as well. Buti nga at may bukas na nung mga oras na yun. I bought few toys and doughnuts for the children. I even bought food for the sisters. 

Naisip ko pa nga na kulang ang paghahandang ginawa ko, I needed more things to bring to the orphanage. Kailangan kong bumawi 'cause it's been years of not showing up and giving back. Kahit pa man may naibibigay ako, mas maganda talaga yung may pagkakawanggawa na kasama.


Nag-taxi na ako sa pagpunta ko doon. Agad kong sinabi sa driver na dalhin ako sa address na ibinigay ko. I don't know where's the place exactly 'cause it's my first time to go. But through the help of Ate Ruth's note and the map shown on the Internet, I guess, I can manage somehow.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon