Chapter Fifty-Eight

14 0 0
                                    

Dear Pa,

Since kasama naman po namin si Logan sa Baguio, why not join the rest of the gang. Ayoko rin namang ma-awkward sa buong byaheng iyon lalo na kung silang dalawa lang ni Ian ang kasama ko. Baka mamatay na lang po ako ng wala sa oras.

Pero ang weird po talaga ni Ate Ruth. Bakit naman po kakailanganin ng closure sa pagitan namin ni Luga, e maayos naman po kaming dalawa?

-----

Dear Pa,

Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari. Ganoon ba talaga ako ka-outdated sa kanila kaya nagugulat ako sa mga nalalaman ko ngayon?

And how dare he! Pinag-promise ko siya, Pa. Umoo siya sa promise na iyon pero bakit hindi niya tinupad? Hindi ganun si Luga, Pa, alam mo 'yan. Kaya nga nangyari yo'n sa pagitan naming dalawa, di ba? Kaya nga ako lumayo dahil sa dahilan na iyon.

-----

Dear Pa,

Ayoko na... Gusto ko na po talagang umuwi. Kung ipagpapatuloy pa namin ni Ian itong pagkukunwaring ito, mamamatay na talaga ako. Buti sana kung may nangyayari naman sa ginagawa niyang iyon.

Mas nararamdaman ko ngayon yo'ng pagpapatuloy ni Luga sa pangakong ginawa niya sa inyo. Hindi niya ba pwedeng baliin naman iyon tutal nakabali na siya ng isang pangako?

-----

Dear Pa,

Ako ang dahilan kung bakit sila naghiwalay? Ako?

Pa, ang layo-layo ko na nga po di ba? Ako na nga po ang nagpa-ubaya, ako na ang umalis, pero bakit ako pa rin ang may kasalanan? Pinagsiksikan ko ba ang sarili ko sa kanila? Nang-gulo ba ako, Pa? Di ba ako pa nga itong todo-suporta sa kanila?

Napaka-walang kwenta niya! Pinagsisisihan kong naging bestfriend ko ang Logan na iyon!

-----

Dear Pa,

Hindi pwede 'to. Parang kahapon lang po galit ako sa kanya tapos kanina nakikipagtawanan na ako. Hinayaan ko pa siyang halikan ako.

Nakapag-desisyon na ako na aayusin ko silang dalawa ni Ate Ruth pero sa ginawa kong iyon, ako na mismo ang bumabali sa mga plano ko. At ano na lang po ang sasabihin sa akin ni Logan? May boyfriend ako, tapos ganoon?

Then I just proved to him how US changed me, in a bad way. Baka nga ginagago lang din ako ng isang yo'n. Siguro nga po hindi ko pa alam kung bakit sila naghiwalay ni Ate Ruth pero sigurado po akong siya ang rason. Malay ko ba kung nambabae pala siya.

Hindi na ulit ako magpapaloko sa kanya...

-----

Dear Pa,

Alam kong sobra na rin kayong nai-istress sa mga pinagsusulat ko, but for the excitement side, dadating po sila Bettina next week. It was very unexpected pero okay na rin yo'n. Matagal ko nang iminimuwestra sa kanila ang ganda ng Pilipinas, ngayon lang talaga sila nakapag-desisyon na pumunta rito.

Sa wakas, mapapakilala ko na rin sila kay Mama. Hindi ko rin po alam kung iyon na rin ang hudyat para mabuking kami ni Ian pero kung para iyon sa ikakabuti ng lahat, hayaan na lang po natin.

Nang magkaalaman na...

-----

Dear Pa,

Bakit po ganoon? Hindi po ganito ang gusto kong maramdaman ngayon. Hindi ito ang gusto kong makita at marinig pagbalik ko. Ayoko ng ganito, Pa...

-----

Dear Pa,

Ano po bang mangyayari sa isang araw pa kasama siya? Kasama lang siya?

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin