Chapter Nine

43 1 0
                                    

"Ian? P-paano? Di ba?" Takang-taka ako sa mga nangyayari.


Ian is our escort way back the primary years. Nagplano siya noong ligawan ako pero bago ko pa man masabi ang sagot ko sa kanya noon, siya na rin mismo ang umiwas. Sumapit ang Graduation na hindi na ulet kami nagkausap. Wala na rin akong balita sa kanya matapos nun. Wala rin naman kasing naging closure ang naganap sa aming dalawa.

Nagulat na nga lang ako noong araw na iyon na para bang kabado siyang harapin ako. Na bigla na lang siya nagseryoso. Ang nasa isip ko pa nga nun, baka naman pinaglalaruan niya lang ako. Kasi simula't sapul, lagi niya na akong inaasar.


"Just the exact questions, I would think you would ask." ang naging sagot niya saka tumawa.


Kahit hindi ko pa man alam ang nangyayari, natutuwa akong makita siya. Good that he's been doing fine, well, looks like so. Mukhang naging maayos naman pala siya after that day.


"After elementary, nag-decide sila Mama na pag-aralin na lang ako dito sa Amerika. So, I spent my middle and high school years dito. Minadali ang process nun, para naman daw makasabay ako sa inyo sa Pilipinas. Na kapag nasa college na kayo, I am, as well."


Nakatunganga lang ako sa kanya habang nagsasalita. Not like the Ian I saw how many years ago. He looks much independent, now.


Nagpatuloy siya. "During high school, I study a lot. Pretty unbelievable, but I slowly become a nerd, certified book worm, and my favorite place turns to be the library. I don't know, I just felt I have to do great kasi gusto ko rin makapag-aral sa isang prestigious university. Ayoko namang makapasok lang ako in universities like Harvard or Yale or Cambridge, spending tons of money. Gusto ko sa sariling sikap ko naman. Mahirap ang naging proseso, but gladly, I got the chance. Naka-avail naman ako ng scholarship dito."

Ngumiti akong humarap sa kanya. "It's good to see you here. Kaya naman pala noong nag-reuninon tayo, hindi ka nakapunta. You were busy acheving your dreams."

Natawa naman siya doon.


Marami pa kaming pinag-usapang dalawa. Like what happened to him those years, anu-ano yung mga naging struggles niya. Nagsabi pa siya ng ilang advices sa akin, lalo na sa pakikisalamuha. Kahit naman kasi dalawang taon na akong nandito, still, may culture shock pa ring nagaganap. 


"Ikaw naman, magkwento ka. What happened after Graduation? Siguro marami ka nang naging boyfriends noh?" kinindatan niya pa ako.

"I got one boyfriend pero wala nang sumunod pa. Noong nag-summer vacation, hindi inaasahang nawala si Papa." Bigla niyang natutop ang bibig niya pero pinilit ko pa ring harangan ang pagsasalita niya. I don't want to end it up that way. Ayokong umiyak sa ngayon. I have a lot of things to rely my focus kaya hindi muna suitable ang masira ang mood ko.

"Mahirap yun para sa'min ni Mama pero marami rin namang tumulong kaya kahit papano ay napadali din makapag-adjust. Nakapasok ako sa isang private school at nakapagtapos din naman. Before that journey ends, nakapag-take ako ng exam dito and unexpectedly, I pass. Knowing about that, masaya naman ako pero dahil maiiwan dito si Mama at kailangan kong malayo sa kanya, ilang araw ko rin yun pinag-isipan. But then again, I'm here, so I guess, that's the most important."

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Where stories live. Discover now